JC Tiuseco still hesitant to talk about falling out with Maxene Magalona

JC Tiuseco remains tight-lipped every time he is asked about Maxene Magalona and what happened to their relationship. "Hindi ko rin alam...wala lang," was all he could say when asked why they suddenly lost contact.


Nanatiling tahimik si JC Tiuseco magmula nang lumalabas ang balitang nagkalabuan at nag-break na sila ni Maxene Magalona. Ito ay sa kabila ng hindi naman nila pag-amin kahit kailan ng totoong estado ng kanilang relasyon.

Hangga't makakaiwas ay hindi na lang nagpapa-interview si JC kung tungkol sa breakup daw nila ni Maxene ang itatanong sa kanya.

Pero mukhang hindi nagtatapos sa diumano'y breakup nila ang kuwento kina JC at Maxene. Pagkatapos nito ay naglabasan na ang isyung ayaw na raw siyang makapareha ni Maxene, dahilan para matanggal siya sa serye na supposedly ay pagtatambalan sana nilang muli for the third time, ang Bakit Kay Tagal ng Sandali?.

NO COMMUNICATION. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si JC kahapon, May 24, sa pamamagitan ng telepono. Kasalukuyan siyang nasa taping ng bago niyang serye sa GMA-7, ang Langit sa Piling Mo, habang kausap namin. Hesitant pa rin siyang sumagot kapag si Maxene na ang topic.

Ayon kay JC, matagal na silang walang communication ni Maxene.

"Wala nang communication. Super tagal na rin," sabi ng first winner ng Survivor Philippines. "Mga last week of February siguro yun. Hindi na rin kasi ako masyadong lumalabas. Palagi lang akong nasa bahay kung wala rin lang work, o kaya basketball. Pero yung labas na gimmick, hindi talaga."

February ba sila nag-break?

"Friends lang naman!" natatawa nitong sagot sa kabilang linya.

Bakit biglang nawala ang communication nila, samantalang bago ito ay halos hindi sila mapaghiwalay?

"Hindi ko rin alam...wala lang," matipid niyang sagot. Halatang nag-iingat si JC sa pagbibitaw niya ng salita.

Ipinarating namin kay JC ang usap-usapan na diumano'y selosa raw si Maxene. Ano ang katotohanan dito?

"Basta, no comment ako. Ayoko nang magsalita. Basta, no comment na lang. Matagal na rin naman na walang communication, so wala na lang comment," iwas pa rin ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAXENE VS. PAULEEN. Maaaring matagal na silang walang communication at matagal na rin mula nang mapabalita ang diumano'y breakup nila. Pero recently ay muling pinag-usapan ang tungkol kina JC at Maxene dahil naman sa isyu ngayon sa pagitan nina Maxene at Pauleen Luna.

Lumbas ang pangalan ni JC dahil sa sinasabing siya ang dahilan ng pagpaparinig diumano ng mga miyembro ng Ampalaya Anonymous, isang grupo ng young actresses, kay Pauleen sa Twitter. Miyembro ng Ampalaya Anonymous si Maxene. Nali-link daw kasi si Pauleen kay JC, na dati ngang na-link kay Maxene.

Ano ang masasabi ni JC dito?

"Hindi totoo 'yan," tanggi ng reality star turned actor. "Kasi, hindi ko naman niligawan si Pauleen. Hindi ko talaga alam bakit may isyung ganun. As in wala talaga. Once ko lang siya nakasama sa show, sa Abra. March pa yata, parang first week of March. After that, wala na.

Dagdag ni JC, "Tapos sa Eat Bulaga! na lang, pero sandali lang din. Kaya nagulat nga ako na may ganung isyu, e, wala naman talaga."

Sa interview ng ina ni Maxene na si Pia Magalona sa Startalk last Saturday, May 22, ay ilang beses nabanggit ang pangalan ni JC. May ilan kasing nagtatanong na hindi kaya kay JC nanggagaling ang isyu tungkol kina Maxene at Pauleen. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Hindi naman ako ganun!" natatawang sabi ni JC. "Hindi ko naman alam kung anong isyu. Nananahimik lang ako dito. Kaya anong sasabihin ko? Hindi ko alam na may ganun, hindi talaga."

OUT OF THE SHOW. Sa naturang interview ni Pia ay inamin nito na tinanggihan talaga nila na makatambal muli ni Maxene si JC sa teleserye. Katuwiran ni Pia, ayaw nilang ma-identify sa iisang ka-partner si Maxene. Dahil dito ay naalis si JC sa cast at pinalitan siya ni Mike Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasaktan ba si JC sa nangyari?

"Hindi, wala naman sa akin yun," sagot niya. "Okey lang naman sa akin. Actually, hindi ko rin naman alam na pinatanggal... Kung pinatanggal nga, okay lang, desisyon nila yun. Desisyon din yun ng management."

Naniniwala naman si JC na kapag may nawala, palaging may magandang kapalit.

"Maganda naman ang naging kapalit. Kasama ako ngayon sa Langit sa Piling Mo. Flight attendant ako dito tulad ni Heart [Evangelista]. Ako yung parang nagpo-protect kay Heart, especially kapag may mga mean girls, na eventually, mai-in love din sa kanya," banggit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN