Mark Herras won't allow rumored girlfriend Ynna Asistio to visit him on the set of new show

"Siguro ang pinakamahirap lang sa akin for this show, yung dress like this [formal]. Magbihis ng ganito na halos every scene ko, naka-suit ako, naka-black shoes ako, kasi masakit sa paa kasi hindi ako sanay. Pagdating nga sa taping, hindi puwedeng naka-kuba, kailangang straight body," says Mark Herras about his character in Langit Sa Piling Mo.


"Miscommunication" ang sinasabing rason ni Mark Herras sa nabalitang walkout niya sa sariling taping para sa lalabas na bagong serye niya sa GMA-7 with Heart Evangelista, ang Langit Sa Piling Mo.

Hindi raw intensiyon ni Mark ang umalis sa set. Inakala niyang wala na siyang eksena kaya minabuti raw niyang umuwi na lang.

"Hindi naman sinasadyang umuwi na ako. Eventually, gusto ko ring magpahinga dahil galing pa ako ng taping ng Diva taping at natapos kami ng 6 a.m. So, miscommunication lang talaga yung nangyari," paliwanag ni Mark nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of Langit Sa Piling Mo last Tuesday night, May 25.

Pero nag-worry rin si Mark sa magiging reaksiyon hindi lang ng mga kasamahan niya sa production kundi maging kay Heart, kaya naman nag-sorry siya rito nang personal.

"Actually, nagkita kami sa Party Pilipinas," banggit niya. "Hindi naman siya big issue actually, nagkaroon lang ng miscommunication with the staff, with our executive producer. Hindi naman ganong kalaki."

Itinanggi ni Mark na nainis siya at nakapagmura pa sa sobrang galit.

"Hindi. Five years na ako sa GMA 7, ni minsan wala akong ginawang gano'n," paglilinaw ng young actor.

IT'S ALREADY A GIVEN. Sa pagsasama nina Mark at Heart, posibleng ma-link sila sa isa't isa, lalo't love story ang tatakbuhing istorya ng Langit Sa Piling Mo. Hindi kaya magdulot ito ng problema sa relasyon ni Mark at ng rumored girlfriend niyang si Ynna Asistio?

"Actually, pagdating sa mga ganyang issue na link, di ba, about getting involved with your love team, siyempre given na 'yan," sabi niya. "Talagang darating at darating din 'yan. Pero kami naman ni Heart, parang gusto naming ipakita sa Langit Sa Piling Mo na yung chemistry, na new love team.

"Hindi naman siguro kailangang magpaapekto kami sa issue. And ang maganda no'n, nakakapag-bonding kami together na wala kaming plano na, like ako, yung issue sa akin dati na, 'Mark, may bago kang loveteam, ibig sabihin niligawan mo 'yan.' Yun ang gusto naming iparating na bago yung loveteam kay Heart, ayoko namang pasukan ng ganyan. Kalimutan na natin yung ganyang mga playboy issue about me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinitiyak na ni Mark na hindi sila magkakaroon ng issue ni Ynna dahil sa team-up nila ni Heart. Hindi na rin raw nito kailangang i-assure o siguraduhin pa sa rumored girlfriend na hindi niya ito ipagpapalit.

Aniya, "Wala naman. There's no need to assure Ynna, and wala naman akong kailangang i-promise o hindi dapat gawin. Siguro, trabaho po ito, e. Ito po ang pinasok ko sa mundong ito. Ito yung craft ko. Ang malinaw dito at yung nakakaganda is maganda yung pang-unawa ng lahat ng nasa paligid ko. Meron silang napakalaking understanding para maintindihan po yung ginagawa ko."

THE VISIT. Natawa naman si Mark sa tanong kung hindi ba allowed bumisita sa taping niya si Ynna dahil nga may love team silang binubuo ni Heart na posibleng makasira sa "kilig factor" ng mga susubaybay ng kanilang serye.

"Bakit naman siya dadalaw, e, nasa Subic kami?" sagot ni Mark. "Saka ang weird, bakit si Ynna ang dadalaw? Bakit babae ang dadalaw? Hindi, hindi makatarungan yun. So, hindi."

Halos lahat kasi ng mga naging kasintahan ni Mark, lalo na ang ex-girflriend niyang si Jennylyn Mercado, ay dumadalaw sa taping niya. Gaya noon sa Fantastikman nang magkasintahan pa lang sila nito.

"Luma na yung Fantastikman!" natatawang sabi ni Mark. "Pero yun nga, kung tatanungin ako kung puwede bang dumalaw, hindi makatarungan yun, e. Hindi puwede sa akin yung babae ang dumadalaw. Hindi ko ia-allow. Hindi rin maka-gentleman. Hindi rin bagay sa role ko [sa Langit Sa Piling Mo] na COO, na ako yung dinadalaw."

MATURE ROLES. Nagsisimula na si Mark na gumanap ng mature roles gaya nga ng papel niya rito sa Langit Sa Piling Mo, bilang COO ng isang airline. Pero hindi naman daw naging mahirap sa kanya na gampanan ang mature role na gaya nito.

"Hindi naman gano'n kahirap kasi hindi naman ako gano'n kabata," sabi ng 23-year-old actor. "Siguro ang pinakamahirap lang sa akin for this show, yung dress like this [formal]. Magbihis ng ganito na halos every scene ko, naka-suit ako, naka-black shoes ako, kasi masakit sa paa kasi hindi ako sanay. Pagdating nga sa taping, hindi puwedeng naka-kuba, kailangang straight body.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And like kagabi, may sequence ako na bagong pasok ako sa kumpanya, ipinakilala ako as the COO of the airline. Ang una kong project is to eliminate yung mga tauhan sa airport na medyo matatanda na. First time kong gampanan yung gano'ng role na magte-turn down ako ng mga taong hindi puwedeng pumasok sa Eagle Airways dahil matatanda na sila.

"Yung mga ganong factor na nagtatanong ako kay Direk [Gil Tejada] na, 'Direk, paano ko ba gagawin ito? Dapat ba bossy?' So, yun nga, nakakuha ako ng detalye. Kailangan hindi mo sila titingnan sa mata kasi pag tiningnan mo sila sa mata, baka maawa ka," kuwento ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN