Dingdong Dantes and Marian Rivera both got sick on their concert tour with Regine and Ogie abroad

Due to the unpredictable weather, sweethearts Marian Rivera and Dingdong Dantes (in photo), both got sick while on tour with Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Marian and Dingdong were the special guests of Regine and Ogie in their Heart 2 Heart concert tour in North America.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Dingdong Dantes na si Perry Lansigan over the phone yesterday, May 26. Nasa San Francisco, California ngayon si Perry kasama ang grupo nina Dingdong, Marian Rivera, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez para sa Heart 2 Heart concert tour.

Pinagkuwento namin si Perry ng ilang updates tungkol sa concert tour ng grupo sa North America. Masayang-masaya ang talent manager dahil sa outcome so far ng mga natapos na nilang shows.

Sabay-sabay silang umalis noong May 12 at ang una nilang naging destination ay ang Canada, kung saan nagkaroon sila ng dalawang successful shows sa Toronto at Edmonton.

After Canada, dumiretso naman sila sa U.S. Sa New York ang unang nilang destination kung saan they were given a four days off.

Ito yung four days lang nila na puwede silang mag-roam around the Big Apple. Nagkaroon daw ng chance sina Dingdong and Marian na makapanood ng dalawang Broadway shows—ang Lion King at Jersey Boys. Sina Ogie at Regine naman, ayon kay Perry, ay may ibang pinagkaabalahan during their stay in New York.

After four days, saka pa lang daw sila sinundo ng concert organizer para naman sa kanilang show sa Atlantic City, New Jersey

Kuwento ni Perry, sa Atlantic City na raw sila nakapag-shopping. Nag-enjoy raw ang lahat doon dahil bukod sa shopping ay nakapamasyal din sila. They stayed in Taj Mahal Hotel. Sa Atlantic City na rin sila nag-celebrate ng birthday ng producer ng concert na si Ana Puno.

Kung gaano raw kagrabe ang init sa Pilipinas, sinalubong naman daw sila ng napakalamig na weather both in Canada and in Atlantic City. Sa New York naman daw ay umulan sa unang araw nila, pero umaraw naman noong second day nila.

Dahil sa pabago-bagong weather, nagkasakit daw pareho sina Dingdong at Marian. Pero habang kausap namin si Perry, okay na raw ang dalawa from slight fever and colds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan ay nasa San Francisco nga sila para sa promotion ng kanilang concert.

Kuwento ni Perry, nasa San Francisco ang ilan sa mga miyembro ng pamilya ni Dingdong, like his mom, his sister Vicky, aunts, uncles, and cousins. Sinundo raw sila ng mga ito sa San Francisco airport. Nagkaroon din daw ng family dinner with Marian.

Tomorrow, May 28, the group will be in San Diego for the show at the Pala Casino. After that, babalik sila sa San Francisco for their show proper on the night of May 29 at the Nob Hill Masonic Center.

On June 5, they will all be at the Pasadena Civic Auditorium in Los Angeles.

More on pagod din daw sila sa biyahe dahil kadarating lang nila halos sa isang city, they have to fly again for their next destination. Paglapag naman nila sa isang lugar, dun na papasok ang ilang meet-and-greet with the fans, press conferences, and rehearsals.

DONGYANATICS. Masaya ring ibinalita ni Perry ang mainit na suporta ng mga fans abroad, lalo na ang Dongyanatics. Sa bawat lugar na puntahan nila, palagi raw may mga ibinibigay na pasalubong ang supporters nila kina Dingdong at Marian.

Sa isang city nga raw sa Canada, may fan daw na nagbigay ng stuffed pig toy dressed as Snowy, ang alagang biik ni Marian sa pelikulang You To Me Are Everything.

Halos lahat din daw ng fans nina Dingdong at Marian ay gustung-gusto nang mapanood ang You To Me Are Everything, na ngayon ay nasa 4th week na dito sa Pilipinas. Tinatanong daw ng mga ito kung nasa DVD na ang pelikula ng kanilang mga idolo.

"Every city that we go, they all ask for that. Kaso, wala pa. Showing pa nga lang din ngayon diyan sa Pilipinas. Excited na raw silang mapanood kasi alam nilang blockbuster," sabi ni Perry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa June 8 nakatakdang bumalik sina Dingdong at Marian sa Pilipinas. Pagbalik nila, diretso na sila sa pagpapatuloy ng taping ng kanilang pinakabagong primetime series sa GMA-7, ang Endless Love.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN