Mart Escudero gets his first lead role in the indie film Patayin Sa Shokot Si Remington

"First time nangyari sa akin 'yan dito sa pelikula. Madalas kasi, pag audition, 'Kalimutan mo na 'yan, wala 'yan, dami kong kalaban diyan, e.' Eto, kahit marami akong kasabay, iba talaga ang pakiramdam ko sa pelikulang ito. Kumbaga, parang may lukso ng dugo ang naramdaman ko dito," says Mart Escudero about the script of his launching movie.


Bidang-bida na sa pelikula ang StarStruck 4 winner na si Mart Escudero. Ito ay sa pamamagitan ng indie film na Patayin Sa Shokot Si Remington mula sa Origin8 Productions.

First lead role ni Mart ang nasabing pelikula na pinamamahalaan ni Jade Castro, na siya ring direktor ng Endo, kung saan nagwagi si Jason Abalos bilang Best Actor sa Gawad Urian, at ng My Big Love nina Sam Milby at Toni Gonzaga mula sa Star Cinema.

Sa title pa lamang, mapapansing kumbinasyon ng horror at gay comedy ang Patayin Sa Shokot Si Remington. Shades of the classic Pinoy horror film na Patayin Sa Sindak Si Barbara, at ang salita namang "shokot" ay gay term for "takot."

Mula sa original story ni Raymond Lee (na isa rin sa producers), ang script ng pelikula ay mula kina Castro, Lee, at Mitchiko Yamamoto na siya namang gumawa ng story and screenplay ng modern gay classic movie na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, produced by UFO Pictures, na karamihan sa grupo'y nasa Origin8 Productions din.

BIG IMPROVEMENT IN ACTING. Sa first shooting day ng pelikula sa Morong, Rizal, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tuwang-tuwang si Mart.

Binanggit namin sa kanya na ipinakita sa amin ng producers ang video ng mga nag-audition para sa pinakamimithing role. Nagulat kami sa laki ng improvement niya pagdating sa acting, at least sa napanood naming audition piece nito.

"Thank you po, thank you po talaga," sambit naman ng alaga ni Popoy Caritativo habang naghihintay siyang malagyan ng makeup.

Ayon kay Mart, talagang pinaghandaan niya ang pelikula magmula nang siya'y mag-audition para sa title role na Remington, isang tipikal na tambay at kasama sa isang tropa ng mga lalake. Habang tumatagal ang istorya ay mai-in love sa barkada niyang lalake pero tumitibok rin ang puso niya para sa isang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinaghandaan ko po talaga ito. Ang dami kong ginawang preparation para dito sa pelikula," sabi niya. "Kasi, noong panahon na nag-audition ako, yun yung panahong nasa four months na akong nagdyi-gym, so medyo malaki na ang katawan ko. Malaki na ako noon, e.

"Talagang yun na ang katawan ko, 'andun na [ang porma]. Tapos, nung nag-audition ako, sabi nila [director and producers], ayaw daw nila ng may cuts [muscles], ayaw nila ng may muscles. So, nagpabagsak uli ako ng katawan. Puwede naman yun sa program mo sa gym. Three months straight, sobrang nagpapayat talaga ako. Diet, ganun..."

Mangilan-ngilan din ang mga nag-audition for the Remington lead role (at maging sa role na barkada, na magiging "leading man" supposedly ng character ni Mart). May taga-GMA-7, ABS-CBN, TV5, at freelance actors, although may isa pang young actor ang original choice for this.

To name a few, nagbakasali sa audition sina Jay Aquitania (utol ni Antonio Aquitania na lumabas at nagbida na sa ilang indie films), ang Gigsters boys ng ASAP na sina Dino Imperial, Ahron Villena, at AJ Perez.

Nag-audition din sina Cholo Barretto, Kevin Santos (ng GMA-7), ang isa sa mga bida ng gay indie na I Luv Dreamguyz na si Jay-L Dizon, Randolph Stamatelaky ng TV5, Marc Acueza (dating from Star Magic), etc.

Ano ang pakiramdam ni Mart na may launching movie na siya?

"Siyempre, excited na excited ako," sagot niya. "Ano nga, e, wala pa ang schedule ng shooting na ito, nag-iisip na ako ng puwede kong idagdag o gawin. Kasi, nag-usap kami ni Direk [Jade]. Sabi niya, kung meron daw akong gustong idagdag, sabihin ko lang... Mas maganda raw yung gano'n, nag-e-experiment ako."

LUKSO NG DUGO. Kuwento pa ni Mart, malakas ang self-confidence nito na makukuha niya ang role noong auditions pa lamang. Inamin din niyang parang nakaramdam siya ng tipong "lukso ng dugo" nang finally ay mabasa na niya ang script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong first day, hindi ko pa alam yung character nung Remington. Nung sumunod, sa callback, alam ko na," sabi niya. "Iba ang pakiramdam ko kasi sa pelikula, e. First time ko pa lang nahawakan ang script sa first audition, niyabangan ko agad si Popoy. Sabi ko, 'Nabasa mo na ba'ng script?' Sabi niya, 'Oo, ang ganda! Kaya galingan mo.'

"Sabi ko, 'Oo naman! Para sa akin ito! Ang script na 'yan, ginawa 'yan para sa akin. Ginagawa ko siya.' Sabi niya, 'Pag hindi ka nakuha diyan, lagot ka sa akin!' Ang galing! Iba ang feeling.

"First time nangyari sa akin 'yan dito sa pelikula. Madalas kasi, pag audition, 'Kalimutan mo na 'yan, wala 'yan, dami kong kalaban diyan, e.' Eto, kahit marami akong kasabay, iba talaga ang pakiramdam ko sa pelikulang ito. Kumbaga, parang may lukso ng dugo ang naramdaman ko dito," sabi ni Mart.

May gano'n palang nararamdaman ang isang artista pag audition pa lang?

"Opo, kasi yung script, sobrang nagustuhan ko. Wala siyang corny na eksena. Walang boring scene. Lahat talaga magugustuhan mo."

GAY ROLE. Si Remington ang ginagampanan ni Mart sa pelikula. Noong bata pa si Remington ay lalaking-lalaki siya. Likas na makulit, madalas itong mang-pikon o mambuska ng mga bading na nakakasalubong nito sa kalye. Hanggang sa isang araw, naka-encounter ito ng isang bading (Roderick Paulate) na sinumpa siyang balang araw, siya mismo ay magiging bading pag nagbinata na siya.

Kasama sa Patayin Sa Shokot Si Remington si Roderick. Nang malaman ni Mart na kumpirmado na sa cast si Roderick ay pinanood daw nito ang past comedy gay flicks ng komedyante.

"Nanood ako ng mga pelikula ni Roderick Paulate na bading siya," sabi ni Mart. "Ang galing, ang galing talaga niya! Like yung old movies niya na Petrang Kabayo, tapos yung Bala At Lipstick, pinanood ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pati sa taping ng Gumapang Ka Sa Lusak [kung saan kasama siya sa cast], lahat ng bakla doon, sa wardrobe, gano'n, humihingi ako ng tips sa mga ganyan-ganyan... Tapos, tuwang-tuwa naman sila dahil nag-uusap kami ng mga salitang pambakla!

"Tuwang-tuwa sila. Kasi siyempre, hindi ko naman alam ang mga terms sa script. Kaya sa kanila ako nagpapatulong. Yung mga meaning. Kung papaano ko i-act. Nakakatuwa naman."

Kuwento pa ni Mart, malaking sakripisyo ang kanyang gagawin for his first lead role, tulad ng pag-aahit ng buhok niya sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

"Yun ang inaabangan ng lahat, kung papaano ako magiging bading sa pelikula," excited na sabi ni Mart. "Magse-shave ako ng balbas, ng buhok sa kili-kili, pati na ang balahibo ko sa legs. Hindi rin talaga biro. Hindi biro talaga. Pagsusuutin ako ng pambading na damit.

"May kissing scene pa sa kapwa ko lalake! Kaya sabi ko, ibang klase ito!" tawa pa ng young actor.

KISSING SCENE WITH A MAN. Ang lalaking makakahalikan ni Mart sa pelikula ay si Kerbie Zamora, na nakalabas na sa ilang ramp shows at nakasama sa cast ng pelikulang D'Survivors (kasama sina Daniel Matsunaga, Fabio Ide, Akihiro Sato K Brosas, atbp.).

Na-meet na lang daw ni Mart si Kerbie sa script reading na, matapos mapili na rin ito ng production, after his separate audition.

"Okey naman siya. Nakasundo ko naman. Pareho kami ng mga hilig kaya nagkakasundo kami," banggit ni Mart.

Kabado ba siya sa kissing scene with the same gender?

"Siyempre, kasi hindi naman ano sa akin yun, e... Ngayon ko pa lang gagawin yun, kailangan, e. Talagang may kaba, pero kayang-kaya na yun ni Direk. Siyempre, ayokong lumabas na maging awkward, ayokong maging hindi maganda yung eksena. 'Tsaka, comedy naman yung eksena, e, hindi naman siya serious na man-to-man na halikan. Comedy pa rin, e, may kakatawanan pa rin, kumbaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya pagnanasaan ng mga bading na audience?

"Hindi, e, kasi, hindi naman siya bastos tingnan. Kagalang-galang pa rin," sagot niya.

"Hanggang ngayon nga, hindi ko pa rin naiisip na kung totoo ba itong nangyayari!" tawa niya. "Pero ayun, malaki ang inaasahan ko sa pelikula. 'Pagdasal niyo na lang na sana, mapansin hindi lang dito kundi pati sa international film festivals."

Kasama rin sa cast ng Patayin Sa Shokot Si Remington sina Janice de Belen (bilang nanay na pulis ni Mart), John Regala (barakong tatay ni Mart na may "nakakabaliw" na twist sa kuwento), Lauren Young (bilang leading lady), at si Ms. Eugene Domingo (as Mrs. Montano).

Bukod kina Castro, Lee, at Yamamoto, ang iba pang co-producers sa Origin8 Productions ay sina Emmanuel dela Cruz, Cholo Laurel, Tammy Dinopol, Katski Flores, at Mari Lamasan. May target playdate sa buwan ng August 2010 ang nasabing pelikula.

MART'S FIRST YEARS IN SHOWBIZ. Lingid sa kaalaman ng marami, nagsimula ang showbiz career ni Mart Escudero bilang si Mart Butler. Sumali siya sa Star Circle Quest ng ABS-CBN years ago, pero hindi ito pinalad at "nalaglag" agad sa nasabing contest ng Kapamilya network. Si Hero Angeles ang eventually nagwagi sa nasabing batch.

Hindi sumuko si Mart na subukan ang kanyang pangarap na pasukin ang local showbiz. December 2006, sinuwerte siyang makasama sa StarStruck 4 finalists ng GMA-7. At dito na nga siya unti-unting nakilala ng publiko, dahil isa siya sa itinanghal na winners ng nasabing original artista search.

Ultimate Loveteam with Kris Bernal ang napanalunan ni Mart sa StarStruck 4, samantalang Ultimate Hunk winner si Aljur Abrenica (na eventually ay siyang naging ka-love team talaga ni Kris) at Ultimate Sweetheart si Jewel Mishe.

Noong wala pa sa Kapuso network si Mart, nakalabas siya sa ilang TV shows at movies sa maliliit na roles. Sa TV, ilan sa earliest outings niya ay ang Qpids (2005) at Agawin Mo Man Ang Lahat (2006). Sa pelikula, earliest exposures nito ay ang Kung Ako Na Lang Sana at Malikmata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Three years ago, pumatok ang reel and real life love team nila ni Jennica Garcia (anak ni Jean Garcia), kaya nasimulan ito ng pelikula nila sa Regal Entertainment, ang Hide And Seek (2007). Nasundan na ito ng ilang Shake, Rattle and Roll series ni Mart, at iba pang mga pelikulang kundi may smorgasboard casting ay support lang ang napupunta sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN