Jolina Magdangal says she won't stop reinventing her look

"Hindi ako nag-decide na kung ano ang look ko ngayon ay dahil nakutya ako noon. Hindi naman ganun. Kumbaga, hindi ko sila binalewala, pero hindi rin ako dun bumase at sinaalang-alang ang pag-decide ko ngayon. So, kung ano talaga ang gusto ko, yun ang ginagawa namin," says Jolina Magdangal about reinventing her look.


Kagabi, May 26, ay dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang taping ng fantaserye ng GMA-7 na Panday Kids sa Marilao, Bulacan. Dito ay nakausap namin ang isa sa stars ng serye na si Jolina Magdangal.

Ilang araw na lang at malapit nang magwakas sa ere ang Panday Kids. Ayon kay Jolina, who plays the role of Ola, marami siyang mami-miss sa pagtatapos nila.

"In fairness kay Ola, hanggang huli nandun," bungad ng multi-media star. "Parang sa pagkabasa ko sa script, aampunin namin ang mga bata dahil itong bahay ko, malaki. Hindi naman din nagbago ang look ni Ola na akala ko magbabago dahil hanggang huli, kulot pa rin siya."

So far, wala pa raw siyang alam na next project niya sa GMA-7 after Panday Kids. Pero type daw niyang makagawa ng informative show.

Kung soap naman ang ibibigay sa kanya, nagbiro si Jolina na, "Kung soap ang ibigay, masayang-masaya pa rin ako basta Coffee Prince! Ay, talagang may pinipili!"

Ang Coffee Prince ang hit Koreanovela na ipinalabas last year at gagawan ng Pinoy version ng Kapuso network.

VIVA ARTIST. Recently ay pumirma si Jolina sa Viva Artist Agency para sa co-management contract, along with her present manager na si Perry Lansigan of PPL Entertainment.

Kuwento ni Jolina, "Co-management ang pinirmahan namin for three years. Movies, albums, concerts. Pero ang TV, kay Perry pa rin. Pero yung movies at album, pagdating na ni Perry, 'saka kami magsa-sign."

Kasalukuyang nasa U.S. si Perry kasama sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Marian Rivera, at ang isa pa nitong alaga na si Dingdong Dantes para sa Heart 2 Heart concert tour ng apat.

Bakit niya naisipang magpa-co-manage sa Viva?

"Si Perry ang nag-decide nun, e," sagot ni Jolina. "Kasi kumbaga, sabi nga namin, the more, the merrier. At saka maganda yung nilalaman ng contract kaya yun na rin ang napapayag kami ni Perry. At ang maganda sa deal with Viva, naging mabait sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung 50-50 ang decision sa paggawa ng movie, yun din ang important sa amin. Mutual ang agreement. Para sa akin, napakabait at napakabuting offer na sa akin ng ganun."

REINVENTION. Jolina never stops herself from reinventing her look. Sa pagpirma ba niya ng co-management contract sa Viva, may plano rin si Boss Vic del Rosario na i-makeover siyang muli?

"Parang walang pinag-usapang ganun," sabi niya. "Gusto naman ni Boss Vic kung ano ako ngayon. Natutuwa nga ako kasi noong time na nagmi-meeting kami kasama sila, parang naaalala niya po noong pumunta ako sa office nila. Noong bago pa ako mag-AngTV. Alam mo naman, noong time na yun, mga Donna Cruz pa. Pero sabi niya, natatandaan daw niya ako sa lahat."

Sa makeover na ginawa ni Jolina kailan lang, iba't ibang reaction ang lumabas at natanggap niya. Mostly ay negative criticisms na na-handle naman niya nang maayos. Nanindigan din siya na masaya siya habang ginagawa ang naturang pagbabago sa kanyang hitsura.

"Noong time na yun, naisip din namin ni Perry na gusto naming maging out of the box. Pero never ko naman na sinabing forever na 'to. Ang sabi ko, forever na paninindigan ko kung masaya ako. So, noong time na yun, talagang gusto ko talaga. In fairness naman sa amin, kahit sabihin pang may mga humuhusga, ang importante naman, masaya ako.

"Okay, tapos na yun. Nakinig naman ako sa comments ng iba. Hindi ko naman sinabing sinara ko ang isip ko dun. Pero hindi ako nag-decide na kung ano ang look ko ngayon ay dahil nakutya ako noon. Hindi naman ganun. Kumbaga, hindi ko sila binalewala, pero hindi rin ako dun bumase at sinaalang-alang ang pag-decide ko ngayon. So, kung ano talaga ang gusto ko, yun ang ginagawa namin," saad ni Jolina.

This time, iba naman daw ang gusto niyang ipakita at gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ako naman, glam-edgy talaga ang gusto ko," sabi niya. "Kasi kapag edgy lang, yung iba, hindi nila nakukuha kapag sobrang edgy. Kapag sobrang glam naman, marami nang glam at saka mestiza sila. Effortless na ang pagka-glam nila. Ayokong sumasabay talaga."

Ayon kay Jolina, si Rihanna raw ang puwedeng sabihin na may pagka-glam-edgy.

"Personally, ganun talaga ang gusto ko," sabi niya. "Yung astig lang. Ayoko ng masyadong beautiful or masyadong nagpapaka-glamour. Hindi naman ako talaga mahinhin kumilos. Kumbaga, gusto ko na halo-halo na may dating.

"Puwede pa Madonna kasi, ever since, gusto ko talaga yun. Puwede n'yong sabihin na naging artista ako dahil kay Madonna. Kumbaga, reinvent lang nang reinvent. Hindi nagsasawang mag-reinvent. E, ano kung ano ang sabihin nila? Wala sa edad yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN