Jolina Magdangal finally opens up about her last breakup

"Masaya ako na naka-move on ako na mag-isa. Na walang suhol ng iba, walang satsat ng iba," says Jolina Magdangal.


Isa sa featured stars sa June 2010 issue ng YES! magazine si Jolina Magdangal bilang pagdiriwang na rin ng kanyang 20th year sa showbiz.

Sa naturang article niya sa YES!, may ilang revelations si Jolina na ngayon pa lang niya naisiwalat sa publiko. Isa na rito ang tungkol kina Robin Padilla at Billy Crawford.

Sa press visit ng Panday Kids last Wednesday night, May 26, ay ipina-elaborate ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jolina ang tungkol sa nakaraang 'yon.

"Ah, yun. Hindi n'yo ba alam yun?" natatawa niyang sabi.

Pero nagkuwento na rin siya. Aniya, "Yung time na yun, nasa ABS-CBN pa 'ko. Yun ang time na sobrang bongga na niya (Billy). Bumalik siya galing Europe. Kilala ko na siya, may picture nga kami diyan noong bata kami. So, in a way, magkakilala kami ni Billy. Tapos, nagkita kami sa canteen ng ABS. So, parang na-reminisce namin."

Bakit nasabi niyang "natakot" si Billy kay Robin?

"Kasi kinausap siya sa basement. Hindi ko nga matandaan kung ano ba, na late night show ni Kuya Germs. Actually, hindi lang si Billy ang kinausap niya (Robin) noon... Si Onemig (Bondoc) yata or si Carlos Agassi," lahad ni Jolina.

Nanligaw ba sa kanya sina Onemig at Carlos?

"Alam n'yo, hindi ko alam si Carlos kasi parang that time naman yata, lahat pinapakitaan ni Carlos ng kanyang muscle!" natatawang sabi ni Jolina. "Pero si Onemig, nagbibigay siya ng teddy bear, chocolates..."

What about Robin, nanligaw ba sa kanya ang action superstar, na nakatambal niya sa 2000 movie na Tunay Na Tunay: Gets Mo, Gets Ko?

"Hindi ko alam kung nanligaw siya," sabi ni Jolina. "Pero kung ganun ang style niya sa mga niligawan niya, baka nga nanligaw siya. Sweet siya. Bawal dalaw. Sinabihan talaga na nagpapa-pack-up siya."

Na-in love ba siya kay Robin noon?

"Noong edad ko na yun, noon lang ng time na yun na merong naging ganun ka-sweet. Siyempre, magkaka-crush ka sa ganun. Crush lang. Pero talagang naninimbang sa akin yun. Normal ba 'to? Na meron ba talagang ganitong tao na ganun ka-sweet? Na hindi ka puwedeng pumulot ng nalaglag na papel, dapat siya ang pupulot? At hindi ka puwedeng mag-CR sa public CR na hindi aapuyan? Tapos nalaman niyang sa Pila (Laguna) ako nagte-taping, meron pa akong dalawang bodyguards!" natatawang kuwento ng 31-year-old singer-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEBONG MUÑOZ. Another issue na ipina-elaborate namin kay Jolina ay ang sinabi niya sa YES! about her ex-boyfriend, Bebong Muñoz. May nasabi kasi siyang "sampung taon kong inipon, pero isang oras ko lang nasunog." Referring to pictures, letters and cards na naipon niya sa panahon na nagkakilala at nagkaroon sila ng relasyon ni Bebong.

"Alam n'yo kung bakit ko nasabi 'yan? Honestly noong sinabi ko 'to, nandun ako sa feeling na parang wala na. Hindi masakit na sa eight years ko...hindi...kailan na lang 'yan nang sinunog ko. Hindi ko naalala na naitago ko 'yan sa cabinet."

Ano ang meaning sa kanya ng ginawa niyang pagsunog ng mga pisikal na alaala ng naging relasyon nila ni Bebong?

"Na past is past," sagot ni Jolina. "Totoo yun. Tapos na ang past. Marami kang natutunan dun. At noong sinabi ko 'yan, ganun lang pala kadali kapag naka-move on ka na. Kasi, hindi ko masasabi 'yan na ganun kadali kung kada-picture, 'Sandali, sandali...' Pinapagpag mo, hindi mo masunog-sunog. Eto, tuloy-tuloy lang siya. Parang tapos na, e."

Pero once and for all, ano nga ba ang naging reason ng breakup nila na never niyang inamin?

"Ay, parang nilimot ko na rin!" natatawang biro niya. "Hindi...parang nakuwento ko sa YES!, na nagkaroon na rin ng time na parang naisip namin na baka may puwede pang makapagpasaya sa kanya. Hindi naman ako na-fall out of love. At saka wala si Mark (Escueta, Jolina's current boyfriend) sa picture noong mag-break kami ni Bebong."

Kailan niya nasabing naka-move on na siya from her breakup with Bebong?

"Yung two months na naglilinis ako," sagot ni Jolina. "Kasi siguro dahil nag-isa ako. Ang sakit, ha! Ang sakit na mag-isa ka. Ako pa naman sa best friend ako, 'Halika rito, nasaan ka?' Dati noong may problema ako, kahit nasa school siya, papupuntahin ko siya kahit nasa simbahan ako. Pero ngayon, talagang pinipikit ko ang mata ko kung kailangan ko ng kasama. Kasi talagang gusto ko lang marinig sarili ko. Yun lang yun. At yun yun. Masaya ako na naka-move on ako na mag-isa. Na walang suhol ng iba, walang satsat ng iba. So, yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Definitely, there's no third party involved daw sa breakup nila ni Bebong. Posibleng sa tagal na rin daw siguro, she cannot explain how.

"Feeling ko lang, baka merong makapagpasaya sa kanya. Tapos, naging mutual na ang decision namin," sabi niya.

NO WEDDING PLANS YET. When it comes to getting married, ayon kay Jolina, wala pa raw talaga silang plano ni Mark. Kaya nagtataka siya na may mga lumalabas na about her getting married.

Pero may dream wedding na ba siya?

"Gusto ko masaya na puro tugtugan lang...porke't banda!" natatawa niyang sabi. "Gusto ko lang kakaiba at masaya, at siguro nga dahil nasa banda siya (Mark, drummer ng Rivermaya). Namulat ako sa mundo ng banda na siyempre, parang nagiging isa ang isip natin na kapag sinabing banda, maingay, inuman, or kung anu-anong kaguluhan. Pero noong makilala ko ang mundo nila, hindi naman pala lahat ganun."

Paano niya nakikita ang pagpapahalaga sa kanya ni Mark?

"Alam n'yo yung sa mga girl na kahit maliliit na gift? Hindi naman ako materialistic 'no?" tawa ni Jolina. "Pero alam mo yung lollipop, feeling mo, ang haba-haba ng hair mo! Pero alam mo yung naisip ko dun, na naisip ka niya noong time na nag-mall siya. Alam niya na mahilig ako sa ballpen, binibilhan niya ako ng ballpen. Alam ko na sobrang materialistic, pero natutuwa ako.

Dagdag niya, "Sa kilos naman, like kung may gig siya, kung sa south yun at Quezon City siya, sasabihin ko, 'Papasundo na lang ako sa driver.' Sasabihin niya, 'Hindi, ako ang maghahatid sa 'yo.'"

For the record, hindi pa raw nag-propose sa kanya si Mark kaya malabo ang sinasabing may plano na silang pakasal. If ever man daw, wala siyang balak na ilihim ito sa publiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN