Jericho Rosales is proud of rumored girlfriend Cesca Litton's recent achievement

"I don't really talk much about her and about our relationship. But at this point talaga, I can say that I'm really proud of her," says Jericho Rosales about rumored girlfriend Cesca Litton.


Hindi man ganun ka-open si Jericho Rosales sa relasyon niya with TV host Chesca Litton, naging bukas naman ang aktor kung gaano siya ka-proud sa pagkakapili sa rumored girlfriend to cover the recently-concluded Cannes Film Festival in France.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jericho nang mag-guest siya recently sa bagong morning show ni KC Concepcion sa ABS-CBN, ang Simply KC, he expressed his happiness sa achievement ng rumored girlfriend.

"I don't really talk much about her and about our relationship. But at this point talaga, I can say that I'm really proud of her, siya at saka si Jilmer [Dy] who is also my friend. Parang competiton yun, e. Nag-compete sila with others. But hindi ko gustong mag-focus sa competition na nanalo sila because the workshop itself is a learning process, and it's a big opportunity for everyone and now she's there.

"Pag tiningnan mo sa mga reviews, she's interviewing big stars like Benicio del Toro [Traffic]... Parang, 'Puwede bang magpa-picture?" She makes me proud and I'm sure the station is proud of them. So, maganda siguro na ma-inform natin yung country natin kung ano ang nangyayari. Siyempre, malaki din ang movie industry natin so masarap makapanood ng ganun," saad ni Jericho.

MOVIE WITH KC & GABBY. Kung masyadong tahimik si Jericho tungkol sa kanyang relasyon, humahataw naman ang showbiz career ngayon ng aktor.

Malapit nang ipalabas ang pelikulang pagtatambalan nila ni KC Concepcion, kung saan kasama rin ang ama ng dalaga na si Gabby Concepcion, under Star Cinema. Pero higit sa working relationship niya sa dalawa ay mas nae-excite si Echo sa bonding na nakikita niya sa mag-ama.

"Nae-excite ako sa world premiere, nae-excite ako para sa mag-ama 'saka sa movie namin. I see them all the time na sweet na sweet sila sa set, lagi silang bumabawi sa mga times na nawala sa kanila. Yun ang madalas na makikita mo sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm sure ngayyong matatapos na kami, mami-miss nila ang isa't isa kasi si SeƱor Sir Gabby, medyo busy palagi, palaging may taping. And si KC, ganun din. Itong movie na ito, nandiyan para sila mag-bond palagi at magkasama sila. Yung movie, parang tailored for them, medyo makatotohanan. Minsan nga, hindi ako kumportable. Minsan natutuwa ako, minsan paano ba ako magre-react dito? Kasi parang sa kanilang dalawa ito," lahad ni Jericho.

RELIVING THE PAST. Sa guesting niya sa Simply KC, binalikan ni Jericho ang buhay niya noong wala pa siya sa showbiz at nagtitinda pa lang ng isda sa Concepcion, Marikina.

Ayon sa aktor, isa itong bagay na masarap balikan lalo't alam mong maaari kang maging inspirasyon sa ibang tao.

"Okay naman. Malaking tulong sa akin yun kasi may mga bagay na minsan hindi ko na masyadong naaalala at tinutulungan ako ng mga researchers. Nung una, reluctant ako na gawin ito kasi baka maging iba ang dating. But I always think na kung makakatulong sa ibang tao at makaka-inspire, bakit naman hindi?" sabi niya.

Bilang bahagi ng pagbabalik-tanaw ni Jericho sa kanyang naging buhay ay isasama niya si KC sa lugar kung saan nagtrabaho siya bilang tindero ng isda.

"Iikot ko siya [KC] sa buong Concepcion Market kung hangang saan ba ang kakayanin ni KC, kung kaya ba niyang magkaliskis, magtinda, sumigaw o gusto lang niyang mamasyal. But for me, babatiin at dadalawin ko ang mga dating kaibigan ko dun. Actually, ginagawa ko naman yun once in a while. Minsan nagmo-motor ako, iikot-ikot... Minsan magtatakip ako ng mukha tapos bigla ko silang gugulatin, 'Surprise!' Wala, pinagtitripan ko lang. Pero dalaw ko na rin sa mga kaibigan ko dun," pagtatapos ni Jericho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN