Ryza Cenon is excited to see LJ Reyes' baby

Ryza Cenon plays her first mature role in the upcoming GMA-7 primetime series Langit Sa Piling Mo. She portrays a pole dancer who will have an affair with an older man.


Aminado si Ryza Cenon na nasaktan siya nang isa siya sa mga huling nakaalam ng tungkol sa pagbubuntis ng matalik niyang kaibigan na si LJ Reyes. Ito ang isiniwalat ni Ryza nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng kinabibilangan niyang primetime series, ang Langit Sa Pliling Mo, last Tuesday, May 25, sa Studio 5 ng GMA Network Center. (CLICK HERE to read related story.)

"At first, oo, oo naman," sabi niya. "Kasi magkakasama kami sa group, di ba? May grupo kaming binuo [with Chynna Ortaleza], so 'yon.

Tinanong ba niya si LJ kung bakit hindi siya ang una nitong sinabihan?

"In-explain na yun. In-explain na yun sa amin, e," paglilinaw ni Ryza.

Ano ang explanation?

"Secret! Huwag na kasi nangako naman kami sa isa't isa," sabi niya.

Naintindihan niya kung bakit hindi agad siya nasabihan ni LJ ng tungkol sa kalagayan nito.

"Oo naman," mabilis na sagot ni Ryza. "At saka kapag makikita mo siyang magkuwento, kasi sobrang saya niya, so ako, parang, 'Okay, masaya ka na!' At least hindi siya problemado, [hindi] malungkot, [hindi] nagsisisi sa nangyari or what. Masaya siya, sobrang saya niya! At tapos na yun, ano ba? Ngayon, excited akong makita yung baby. Nae-excite ako kasi nandoon na siya [LJ] sa New York."

Napag-alaman ng PEP na Ethan Akio ang magiging pangalan ng baby boy nina LJ at Paulo Avelino. Nakatakdang magsilang si LJ sa July 30.

Sa palagay ba ni Ryza ay never mangyayari sa kanya ang sinapit ni LJ?

"Hindi ko alam. Di ba, hindi natin masasabi? Like iyong kay LJ, hindi rin niya yun in-expect iyon, e, di ba? Hindi ko alam," sagot ni Ryza.

Dalawa na ang nabubuntis sa StarStruck bago pa man sila magpakasal. Una ay si Jennylyn Mercado ng Batch 1 at si LJ nga ng Batch 2. Hindi kaya si Ryza na ang sumunod?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag naman! Huwag naman!" tawa niya.

Pero kapag sa kanya nangyari ang ganoon, itutuloy niya ang pagbubuntis?

"Oo naman!" bulalas niya. "Kasi ano yun, e, gift yun ni God, e. Parang masakit na patayin mo yung galing sa Kanya."

Sa Langit Sa Piling Mo ng GMA-7, na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Mark Herras, isang, in Ryza's own word, "pokpok" ang role niya. Isang pole dancer na magiging kabit ni Tonton Gutierrez.

In real life ba, naligawan na si Ryza ng isang dirty old man o DOM?

"No, wala po," mabilis na sagot ng 22-year-old actress.

Kahit indecent proposal mula sa isang DOM?

"Wala po, dyusko! Hindi nga ako lumalabas ng bahay, wala po."

We found out na may bed scene sila ni Tonton sa Langit Sa Piling Mo, pero hindi pa ito nakukunan. Kinakabahan ba siya?

"Sa una, nung unang nalaman ko, kinakabahan ako. Pero may tiwala po ako sa staff, tsaka sa direktor ko [Gil Tejada], tsaka sa co-actor ko," sabi niya.

At ayon kay Ryza, nagpaalam pa siya kay Glydel Mercado, na misis ni Tonton. Magkasama sina Ryza at Glydel sa afternoon soap na Gumapang Ka sa Lusak.

"Sabi ko, 'Partner po kami. Loveteam ko po si Kuya Tonton.' Sabi niya, 'Ah, talaga?' Tapos tumawa siya."

Hindi siya sinabihan ni Glydel na huwag agawin ang asawa?

"Hindi po, ano ba?" tawa ni Ryza. "Trabaho lang naman po ito. Nakakatuwa nga kasi dati tatay ko siya sa Love To Love."

Mapapanood na sa Lunes, May 31, ang Langit sa Piling Mo na papalit sa timeslot ng First Time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN