Dulce on Emir director Chito Roño: "He's a visionary."

The singer gives Direk Chito the thumbs up for his deft handling of theater actors like her who needed to adapt to an unfamiliar medium.


Aminado ang singer na si Dulce na mas nahirapan siya sa paggawa ng pelikulang Emir kaysa sa pagganap sa musical stage plays.

Paliwanag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Kasi ito... you have to come out with the same emotion every time you shoot. And I didn't realize that at first... Kunyari yung isang eksena, gustung-gusto na ni Direk [Chito Roño] and then pag kinunan niya doon sa kabilang angle, na parang ganito lang ang ibinigay mo, he will stop and will say, 'Nakukulangan ako!'

"So, ganun pala yun. And I am learning along the way na kailangan pala it's the same feeling all over again, or you'll go deeper na parang kumbaga... meron kang mga baon diyan na pinagdaanan mong mga pain. Nagagamit iyon, e."

Very vocal si Dulce sa paghanga at respeto niya kay Direk Chito na nakatrabaho niya sa kauna-unahang pagkakataon dito sa Emir.

"Habang nakakatrabaho ko si Direk Chito, nakita ko yung value talaga ng ginagawa niya... Irerespeto mo talaga yung how he is kasi alam niya yung gusto niya at may nakikita yata siya. He's a visionary, e. Meron siyang nakikita, kung ano ang bagay sa isang artist.

"And ako naman, parang sabi ko, '... I want to work na magaan sa lahat. Ayokong maging pabigat ako. I want to be part of the solution and not the problem...'

"Kasi mas teatro talaga ako... Ang pagiging theatrical kasi, you give more. Parang ang laki-laki ng ginagawa mo, big movements talaga. So alam ko nao-OA-han talaga madalas sa akin ang tao but I do that, I purposely do that so he [the director] can trim from there... Kasi kung hindi ko ibibigay, lagi ka na lang hahatakin para lumaki. So I would rather... go sobra. And then they will tell me na bawasan mo dito. So mas madaling timplahin 'yon kaysa sa walang-wala kang ibibigay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE CHALLENGE OF FILM. Kaya aminado si Dulce na mas mahirap sa pelikula kaysa sa teatro, kahit na sa pelikula puwede kang mag-take two.

"Pero I think sa mga artista din naman ng pelikula, ganun din siguro ang sasabihin nila, na mas mahirap ang teatro than pelikula, di ba?

"Kasi dito sa movie [Emir], captured lahat ng kamera, kung anong emotions, yung contortions ng mukha mo, di ba? But sa teatro kasi, you are able to give out big talaga... kasi you perform up to the end of the row ng audience mo. And once ibinigay mo na 'yon, that's it for the day. Like pag natapos siya, that's all na.

"Ito talaga kasi, pag sinyut na, it will go on forever and ever. So kailangan siya na perfect. Hangga't maaari, ma-perfect talaga. So ang nangyayari talaga, ang sabi ko nga, 'Bakit ganoon, take nang take nang take?' Yun pala, hangga't hindi nakukuha ng direktor yung timpla.

"Kung minsan hindi mo na talaga alam kung tama ba yung ginagawa mo, bakit siya na lang yung makapagsasabi, 'tsaka sabi ko, parang, 'Ano pa?' Hindi ba puwedeng sabihin sa akin kung ano ang puwede kong idagdag o ibawas?...

"Ang mas natutunan ko dito sa Emir ngayon is the true feelings, the true and real emotions that you have."

Sa pelikulang Emir ng Film Development Council of the Philippines, in association with the Cultural Center of the Philippines, at sa direksyon ni Chito Roño, gumaganap si Dulce bilang si Ester. Bida rito si Frencheska Farr na gumaganap bilang si Amelia.

Ang iba pang bumubuo ng cast ng naturang epic musical ay sina Jhong Hilario, Sid Lucero, Kalila Aguilos, Beverly Salviejo, Liesl Batucan, Melanie Dujunco, Gigi Escalante, Bayang Barrios, Bodjie Pascua, Emil Sandoval at Julia Clarete.


Ipalalabas ang movie musical na Emir sa mga sinehan simula June 9, 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN