Sylvia Sanchez appears in her first teleserye on GMA-7, Langit Sa Piling Mo

"Sa akin din naman, if right after nitong show na ito may offer ulit ang Channel 7, why not? Pero kung after ng show na ito, nag-offer ang ABS, ABS ulit ako. Kung sino na lang ang mauna," says Sylvia Sanchez.


Nagsimula sa kanyang showbiz career noong late '80s sa bakuran ng Regal Films ang aktres na si Sylvia Sanchez. Pagdating naman sa telebisyon, lalo na sa paggawa ng mga teleserye, mas na-identify siya sa ABS-CBN.

Ang una niyang ginawang teleserye sa Kapamilya network ay ang Esperanza na pinagbidahan ni Judy Ann Santos. Pagkatapos nito ay nasundan pa ito ng iba pang mga serye, tulad ng Recuerdo de Amor, Bituin, Eva Fonda, at iba pa.

Ang pinakahuli niyang nagawa para sa ABS-CBN, bago siya mabuntis at manganak sa bunso nilang anak ng asawang si Art Atayde, ay ang Your Song Presents Underage.

Kaya naman sa grand launch ng bagong primetime series ng GMA-7 na Langit Sa Piling Mo noong May 25 ay marami ang nagulat nang ipakilala na isa sa cast nito ay si Sylvia. Ginagampanan niya ang role ni Mely, ang tumatayong ina ng bidang si Heart Evangelista.

OBER DE BAKOD. Ang tanong ng lahat: Nangibang-bakod na rin ba si Sylvia?

"Okey lang, masaya rin naman. Masaya kasi may trabaho na naman ako. Yun lang naman, e. Pagkapanganak ko naman gumawa pa ako ng movie sa Star Cinema (Miss You Like Crazy). So, sa akin, masaya ako honestly. Masaya naman ako kahit saan basta may trabaho," nakangiting sagot ng aktres nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press pagkatapos ng presentation ng cast.

Ayon kay Sylvia, simula ng Esperanza ay dire-diretso na ang paggawa niya ng mga teleserye sa ABS-CBN. Kung nakagawa man daw siya sa Kapuso network, more on guesting lang but never in a series.

Dahil sa sunud-sunod na projects niya noon sa ABS-CBN, ang akala ng iba ay isa siyang contract star ng Kapamilya network. Nilinaw naman ito ni Sylvia, na mas kilala bilang Ibyang sa malalapit niyang mga kaibigan.

"Kasi may nagsasabi sa akin before na parang ang akala raw nila, contract star ako ng Dos, na exclusive kaya hindi nila ako nakukuha. Lalo pa nga, si Tita Angge ang manager ko na connected talaga sa Dos. Pero sa Langit Sa Piling Mo, ang nagpatawag sa akin dito, si Direk Gil Tejada na, 'I-try n'yo, i-try n'yo.' Pero yun nga, yun daw ang alam nila," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Sylvia, three days na raw siyang nakakapag-taping for her new primetime series na magsisimula nang mapanood sa Lunes, May 31. Aminado ang aktres na nakakapanibago ang bago niyang "bahay," pero masaya naman siya.

"Siyempre nakakapanibago since Esperanza hanggang last year, nasa ABS ako, e. So, panibagong pakikisama. Pero pagka-taping ko, first day, nangangapa. Second day, nag-swak na kaming lahat. So, okey lang.

"Sa akin din naman, if right after nitong show na ito may offer ulit ang Channel 7, why not? Pero kung after ng show na ito, nag-offer ang ABS, ABS ulit ako. Kung sino na lang ang mauna," pahayag ni Sylvia.

ACTING IS HER PASSION. Kung tutuusin, kahit hindi magtrabaho si Sylvia ay kayang-kaya siyang buhayin ng kanyang asawa na si Art Atayde, na isang successful businessman. Financially, maayos ang buhay ni Sylvia at ng kanyang mga anak.

May sarili ring restaurant-bar si Sylvia, ang TJ's na nasa Greenhills. Kaka-graduate lang niya ng kursong Culinary.

Her son Juan Carlos is studying in La Salle while her daughter Ria will go to Hong Kong University to take up Mass Communications. Ang pangatlo nilang anak na si Maria Angela ay nasa grade school. Ang kanilang bunso na si Juan Arturo Xavier ay six months old pa lang.

Sylvia keeps on pursuing her acting career dahil gusto niya ang kanyang ginagawa.

"Passion ko talaga ang acting," sabi niya. "Ito ang una kong minahal kaya imposibleng mawala sa akin 'to. Actually ano nga, minsan sige-sige, masyado nang pagod. Kay Art, okey lang sa kanya. Wala namang problema sa kanya. Basta ang sa kanya, 'Alagaan mo lang ang mga anak mo. Huwag kang mawalan ng time sa amin.'

"Nama-manage ko naman. Hangga't maaari kasi, hindi ako nagte-taping ng Sunday. At saka, ang maganda rin sa akin, hindi ako lakwatsera. Ang pinaka-lakwatsa ko na yung sa TJ's, sa restaurant, which is gabi na, tulog na ang baby. Kapag nasa bahay ako, ako ang nag-aalaga ng bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Very grateful si Sylvia sa mga nangyayari sa kanyang career. Lalo na't alam niya, stars come and go, and yet, nandito pa rin siya sa showbiz at patuloy na umaarte at nabibigyan ng magagandang roles.

"Happy ako...oo. At thankful ako na nandito ako. Hindi man ako ang bida, pero alam mo yung nandiyan ako. Hindi pa rin ako nawawala. May kumukuha pa rin sa akin. Meron pa ring naniniwala sa acting ko, so masaya ako."

THE YOUNGER STARS. Natawa naman si Sylvia nang tanungin ng PEP kung may na-encounter na ba siyang mga baguhang artista na tipong hindi marunong magbigay ng respeto sa mas senior sa kanila.

"Naku, marami namang ganyan. Marami!" tawa niya. "Kahit senior kami, marami... Minsan hindi namamansin, dadaan-daanan ka. Dedma. Ikaw naman, parang naiisip mo, respeto na lang."

Meron naman daw insidente na sa isang taping, nasa harap na raw siya ng young stars, pero ni ha ni ho ay hindi siya binabati. Inisip na lang daw niyang baka nahihiya lang ang mga ito sa kanya. Pero nang tawagin na raw sila for the reading, harutan nang harutan ang mga ito sa harapan niya. Kaya noong mismong scene na, hindi raw alam ng mga young star na ito ang linya nila.

"Actually ako, kahit hindi sa akin, basta senior. Like kung ako, may mas senior sa akin, ako ang magba-bow down. Pero siyempre, hindi mo naman mae-expect sa lahat ang ugali ng tao," sabi ni Sylvia.

DREAM ROLE. Kilala si Sylvia sa pagganap ng character roles, although minsan ay nakakagawa rin siya ng lead roles sa drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya. But when we asked her kung may dream role ba siya na gustung-gusto pang gawin, mabilis ang naging sagot niya.

"Bulag, pipi, bingi!" sambit niya. "May sinabihan na akong director nito, pero ang hirap daw. Pero yun ang gusto ko. Parang wala kang nakikita, wala kang naririnig, hindi ka makapagsalita. So, ano pa ang magagawa mo? So, yun ang challenge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sabi ko, 'Sige, gawin na lang nating dalawa, pipi at bingi.' Yun, okey na yun. Matsa-challenge ako dun. Naka-try na ako ng bulag, ang hirap. Yung pipi at bingi, hindi pa. Mata lang ang aarte, yun lang, yun lang," natatawa niyang sabi.

Aminado naman si Sylvia na sa mga anak niya, halos lahat daw ay gustong sumunod sa yapak niya bilang artista.

"Pero sinasabihan namin na aral na muna sila hangga't kaya naming magpaaral na mag-asawa. Hindi na nga ako nakatapos, pati ba naman mga anak ko? So, gusto ko na degree holder talaga sila. E, ako, matanda na 'ko 'saka lang ako nagkaroon ng diploma through culinary," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN