PART I: VJ Andrei Felix claims that he and Jennylyn Mercado dated for "two years"

"With due respect to her, and her family and... Sinabi niya nag-date lang daw kami ng isang beses. So, kahit papaano, nasaktan din ako. Pero that's understandable kasi first of all, she's in the other network [GMA-7]. Tapos...ayoko nga po sa akin nga manggaling, ayoko pong... I don't want that to be the reason why... Ganito, parang ayoko naman pong maging dahilan iyon kung para mapansin ng mga tao or anything," explains Andrei Felix as to why he kept his relationship


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang video jock na si Andrei Felix sa birthday presscon na ipinatawag ng Star Magic kahapon, May 27, sa 14th floor ng ABS-CBN building para sa talents nilang nag-celebrate ng kanilang birthday sa buwan ng Mayo. Isa si Andrei sa Star Magic talents na nagdiwang ng birthday this month.

Naging controversial si Andrei, o Drei, dahil sa pagkakadikit ng pangalan nito sa Kapuso star na si Jennylyn Mercado.

Mahaba ang naging usapan namin ni Drei dahil marami siyang naisiwalat tungkol sa totoong naging ugnayan nila ni Jennylyn. Ito ay sa kabila ng patuloy na pagde-deny ni Jennylyn sa kanyang interviews na nagkaroon sila ng relasyon ni Andrei higit pa sa pagiging magkaibigan.

SECRET RELATIONSHIP. Ayon kay Andrei, maging siya man ay nahihirapan aminin kung ano nga ba ang tunay na naging relasyon nila ni Jennylyn noon.

"Iyon nga yung mahirap, e. Even until now, parang ayokong umamin. Honestly, parang I never really want it to come from me," sabi niya. "And then, siyempre hindi ko naman maiiwasan na, you know... Kasi ako dati, when I was being asked questions, kung ano na lang ang sinabi niya [Jennylyn], I wanna stick with that.

"With due respect to her, and her family and... Sinabi niya nag-date lang daw kami ng isang beses. So, kahit papaano, nasaktan din ako. Pero that's understandable kasi first of all, she's in the other network [GMA-7]. Tapos...ayoko nga po sa akin nga manggaling, ayoko pong... I don't want that to be the reason why... Ganito, parang ayoko naman pong maging dahilan iyon kung para mapansin ng mga tao or anything.

"I really wanted to keep it private kasi all my relationships naman, hindi naman [lumabas]. I mean, yung kay Jen lang yung ..." paliwanag ni Andrei, na halatang hirap na hirap magbitaw ng pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang taon silang nagkaroon ng relasyon ni Jennylyn?

"Two years yata, e...two yata," sagot ng video jock.

So the time na sinasabi nila ni Jennylyn na magkaibigan lang sila ay may relasyon na sila? Bakit nila ito inilihim?

"Because may mga naririnig po akong... Ayoko na kasing magsalita," iwas ni Andrei.

Nasaktan siya na inilihim nila?

"Natural lang po siguro na masaktan, even yung family ko," sagot niya.

Ano ang mga narinig niya?

"O, eto po... Well, siyempre parang pinag-uusapan, parang may nagsabi from her camp na parang... Ayoko kasing magbanggit ng mga pangalan. Parang may nagsabi, I don't know if it's her management ganyan, basta kilala ko po yung taong nagsabi and medyo kilala siya. So, sinabi na parang, sinabi sa akin ni Jen na sinabi nga daw ni ganito na, 'O, baka ginagamit ka lang niyan, kasi tingnan mo pinag-uusapan.' Tapos sabi ko, 'Sige, kung iyon ang tingin niya, then sige, I'll just keep quiet,'" pagsisiwalat ni Andrei.

WHEN JENNYLYN WAS PREGNANT... Pati raw ang management ng MYX, kung saan VJ si Drei, ay kinausap na rin siya.

"That time po kasi, I was still with MYX, and MYX was also asking me and they also made it clear to me that, you know, they also wanted to protect me na parang wholesome image, ganyan. Sabi nga, it would be better if, you know, I mean they didn't hinder me from my happiness or whatever. Pero sabi nila, 'Sana make it discreet.' Pag may magtanong, you know, it's up to you to ano...

"Pero siyempre, I was also protecting my job," patuloy niya. "Na parang natatakot din ako na, I don't want din naman na dahil kami kaya ako matatanggal sa MYX nung panahon na 'yon. So, sabi ko, okay."

Bakit siya tatanggalin, dahil girlfriend niya si Jennylyn?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po, pero parang they wanted to protect the image, e. Hindi naman sinabi na tatanggalin ako because of that, kaya lang..."

Image na?

"Na parang to be linked to her at that time, at that point in time," sabi ni Drei.

Dahil sikat si Jennylyn?

"Kaya nga po, pero..."

Buntis si Jennylyn that time?

"Yes, yes, yes," pag-amin ni Drei. "That was I think four, five months pregnant siya nun. And then ayun. So, and at that time, parang we also didn't want people to talk about it. So parang at least, to live in a private world, a private life.

"But she told me, sabi niya, 'You know after a while, I think magiging mas okay, maa-iron out na,' sabi niya, especially after she gives birth. So, sabi ko, okay, I trusted her, ganyan. Sabi ko, 'I believe you.'

"But then after she gave birth kasi, there was that team, that tandem with Mark Herras and Jennylyn Mercado that I understood perfectly, that they wanted to protect that. So, sabi ko, okay, I understand. Sabi ko, 'Deny na naman tayo, tago na naman.'"

Buntis na si Jennylyn nang ligawan niya?

"Yeah... I really don't want to say na parang ligaw per se, kasi matagal na kaming magkaibigan, e," sabi ni Andrei.

Bakit kung kailan buntis ang aktres ay saka naging sila?

"It's a good question," nangiting sabi ni Andrei. "Actually, kasi that was the time na mas madalas kaming nagkakasama after nung... Kasi to set the record straight, just to make it clear, walang nangyari na, you know, sulutan, ganyan with Patrick [Garcia]."

Si Patrick ang ama ng ipinagbubuntis noon ni Jennylyn, si Alex Jazz.

"Kasi after nila," patuloy ni Drei, "I just really made it clear na parang, you know, she was alone ganyan, tapos madalas kaming [magkasama]... Kasi, we're really good friends."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging shoulder to cry on siya ni Jennylyn nang naghiwalay ang young actress at si Patrick?

"Well, wala naman po sigurong masama dun kasi, you know, I can't naman deny na she's really I think, for me ha, one of the most beautiful actresses in the industry. Matagal ko na po kasi siyang crush, e. High school pa lang yata ako, crush ko na siya, e, and she knows that.

"Sabi ko sa kanya, 'I've been a fan.' I think she's an underrated singer. But if given a chance to, you know, she's... Kasi mas kilala siyang artista, pero ang galing niyang kumanta. In my opinion, maganda ang boses niya," saad ni Andrei.

Bakit hindi niya niligawan si Jennylyn noong hindi pa ito buntis?

"Nung time na yun talaga, friends lang kami. Kasi nung time na yun, may girlfriend ako, may boyfriend din siya," paliwanag niya.

After two years ng pagkakaroon ng relasyon, bakit sila naghiwalay? Si Jennylyn ba ang nakipag-break?

"I think iyon naman ang lumalabas. Ayoko kasing magsalita, e. Well, definitely it's not my decision, it didn't come from me," pag-amin ni Drei.

May third party?

"Ang hirap kasi magsalita, e. Ang hirap magsalita, ayokong magsalita," iwas niya.

DENNIS TRILLO. Balitang may relasyon ngayon sina Jennylyn at Dennis Trillo. Diretsong tanong kay Drei, inagaw ba sa kanya ni Dennis si Jennylyn?

"Ah, hindi. Ano kasi...hindi. I don't wanna put it that way, ayokong... Hindi ko alam," sagot niya.

Sila pa ba ni Jennylyn noong naging close ang young actress at si Dennis?

"Yes. Kasi they were still doing the show, e," ani Andrei, na ang tinutukoy ay ang afternoon soap nina Jennylyn at Dennis na Gumapang Ka Sa Lusak.

Hindi ba niya inaway si Dennis?

"No, because I trusted her;" sagot ni Drei. "Ang dapat ko namang kausapin, hindi si Dennis, siya [Jennylyn] e. So, siya po ang tinanong ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Drei, baka raw hindi alam ni Dennis na sila pa ni Jennylyn that time dahil dinedenay nga nila ang kanilang relasyon.

"I guess so, 'yon na rin ang inisip ko, e," sabi ni Drei. "Kasi I know the guy also, kilala ko din siya. Nakita ko din siya nung nag-present siya minsan sa MYX Music Awards. Tapos in-invite ko din siyang maging guest sa radio show ko, si Dennis. A long time ago, mga last year. And... He admits naman na we're friends, e. I mean, hindi kami close but we know each other by acquaintance."

Nilinaw naman ni Drei na hindi siya galit kay Jennylyn o maging kay Dennis.

"Wala naman ako sigurong karapatan na magalit. Hindi naman ako puwedeng magalit kasi... Ang hirap kasing magsalita, e," sabi niya.

Ang malinaw, hindi raw si Drei ang nakipaghiwalay kay Jennylyn.

"Hindi po ako, hindi po ako. Siyempre ayokong maghiwalay kami. Bakit ako iiyak kung gusto kong maghiwalay kami?" saad niya.

Iniwanan ba siya ni Jennylyn in favor of Dennis?

"Hindi ko alam, e, hindi ko alam," tila naguguluhang sagot ni Drei. "Kung ganun ang tingin ninyo. Pero kasi... Eto na lang, in her defense, ayoko naman siyang maging masama, ayoko. Kasi tapos na, e, parang there's no... Masaya na siya, masaya na sila.

"Pero may katangahan akong ginawa. Tinext ko siya nung birthday ko [May 22], pero hindi nag-reply. Sabi ko lang, parang, 'Hindi mo man lang ako ginreet.' Hindi, kasi medyo malungkot ako nun, e. Sabi ko, 'Greet mo naman ako, parang wala tayong pinagsamahan,'" natatawang kuwento ni Drei.

Click here to read Part 2.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN