PART II: Andrei Felix admits crying in front of Jennylyn Mercado when she broke up with him

"When she broke up with me, ang reasons niya for breaking up with me was that she wanted to focus on her career, she wanted to focus on her baby, and she wanted to, you know, she wanted to focus on a busy life. Those were her reasons," says Andrei Felix about his breakup with Jennylyn Mercado.


THE BREAKUP. Paano ba sila nag-break ni Jennylyn?

"Eto nga po, in her defense, for the record, when she broke up with me, ang reasons niya for breaking up with me was that she wanted to focus on her career, she wanted to focus on her baby, and she wanted to, you know, she wanted to focus on a busy life. Those were her reasons.

"And siyempre, malungkot para sa akin. Pero parang at that point, hindi ko maintindihan. Although some friends of mine, ang sinasabi ng mga kaibigan ko, 'Ay, parang hindi kapani-paniwala!' Na parang, 'Baka naman dahil sa iba?' Kasi they were there, nakita nila na malungkot ako.

"Sabi ko, tinatanong ko naman siya [Jennylyn], even her driver... Kasi I really wanted to fix it. And then after a week after naming maghiwalay, may best friend ako, sabi niya 'O, gusto ba daw ni Jennylyn na ayusin yung sa inyo?' Tapos she was also texting my mom, she was also constantly texting my mom.

"Parang... Kasi ang mom ko nasa States. My whole family, nasa States. So, sinasabi niya [Jennylyn] na parang nami-miss daw niya ang family ko... According to my mom ito, ha! Sabi niya, parang iyon nga po, na nami-miss niya mom ko, nami-miss niya family ko. Sabi niya, 'Tita, Drei and I broke up already,' ganyan, sabi niya."

Ano ang eksaktong senaryo ng pakikipag-break sa kanya ni Jennylyn?

"Personal po. Binisita ko siya sa bahay po, doon niya ako binreyk," sagot ni Drei.

Inamin ni Drei na umiyak siya sa harap mismo ni Jennylyn nang makipag-break ito sa kanya.

"Yes! Kasi iyakin ako, e. Pati binisita ko siya, hindi ko alam hihiwalayan niya pala ako."

Ganun niya kamahal si Jen?

"Mahal na mahal ko talaga siya," sagot niya. "Ayoko ngang magsalita, e, pero nandito na tayo, e. Hindi, kasi ganito na lang po kasimple 'yan, ha... Parang I mean, ke buntis siya o hindi nung time na naging kami, the fact na ipinaglaban... Parang kasi my family, siyempre parang yung parents ko... Naku, baka bigla akong umiyak dito...ayoko na ngang umiyak!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Drei, alam niyang minahal din siya ni Jen.

"Yeah, hindi ko naman itatanggi siguro na ano, e... Pag tinatanong ako ng mga tao, or pag sinasabi sa akin ng ibang tao na 'hindi ka niya minahal,' sabi ko, 'It's impossible, minahal din niya ako.'"

Hindi ba niya ipinaglaban ang pag-ibig niya kay Jennylyn nung nakipag-break ito sa kanya?

"Ipinaglaban ko po, honestly, believe me," sagot niya. Binanggit ko pa nga yung sinabi ni Popoy, ni John Lloyd [Cruz] sa One More Chance, sabi ko, 'Tayo na lang ulit!' Tapos sinabi ko din na... Iyak na ako nang iyak nun, sinabi ko na... Di ba, sinabi ni John Lloyd dun [sa movie] na parang, 'You had me at my best, you left me at my worst, but you chose to break my heart!' Ginamit ko yun, e. Sinabi ko yung 'you left me at my worst' kasi po my whole family is in the States, malungkot."

Ano ang naging reaksiyon ni Jennylyn?

"Naramdaman ko naman na nalulungkot din siya. Parang ang hirap magsalita," sagot niya.

THE HONG KONG TRIP. Kuwento pa ni Drei, "Even before, kasi before she went to Hong Kong [last Holy Week]... Kasi alam kong pupunta siya sa Hong Kong, kasi sinabi ng mom ko. Sinabi niya sa mom ko na 'Tita, pupunta po ako sa Hong Kong.' Sabi niya, 'Sino kasama mo?' Sabi niya, mag-isa lang siya. Sabi niya magbabakasyon siya.

"Tapos, meron pong crucial na nangyari na...basta! Parang basta may mga evidence ako, e, may mga proof ako. Kaya tinatanong ko siya, e. Nung time na nabalitaan ko na nag-Hong Kong siya, tinanong ko siya, sabi ko, 'Nag-Hong Kong ka ba?' Sabi niya, 'Yes.' Sabi ko, 'Is it true na you're with Dennis?' Tapos sabi niya, 'No!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na kami nito, hiniwalayan na niya ako. Wala pa, hindi pa lumalabas ang pictures [nina Jennylyn and Dennis] nun, ha? Hindi pa po lumalabas... Then I checked something, may tsinek ako... Well, siguro puwede ko nang sabihin, malamang pinalitan na niya ang password nun... I checked her e-mail and then..."

May nadiskubre raw si Drei na nasaktan siya nang labis. Pero ayaw nitong i-reveal kung ano iyon.

"So ayun, iyon yung panahon na sobra akong iyak nang iyak! Iyon yung umakyat ako sa building!" natatawang sabi ni Drei.

Magpapakamatay siya?

"Hindi naman, tsinek ko lang yung view. Ang ganda pala ng view ng condo ko!" biro niya.

So, inisip niyang magpakamatay noong panahon na yun?

"Hindi naman po. At that point, kasi isipin mo naman, wala pamilya mo dito, wala magulang mo dito, wala mga kapatid mo, tapos...Hindi, kasi at that point, lost talaga ako nun. Hindi ko alam ang iisipin ko. Kasi tinanong ko siya [Jennylyn], sabi niya, hindi naman daw and naniwala ako. Hanggang sa kahuli-hulihan, e, naniwala ako.

"Alas-sais pa ng umaga yun, hindi pa ako natutulog nun, e... Grabe, grabe yun! Pero okay na ako ngayon. Kita naman ninyo, masaya na ako ngayon. Hindi na ako iiyak ngayon. Honestly, okay na ako ngayon," paniniguro niya.

Ano ang naging reaksiyon niya nang malaman niya na sina Jennylyn at Dennis na pala?

"Natawa nga ako nung nalaman ko nga 'yan. Sabi ko pa sa kanya [Jennylyn] nung umiiyak ako, sabi ko, 'Kung totoo man yung sa inyo, hindi ka mahal niyan, hindi mo mahal 'yan!' Siyempre nasabi ko out of ano... Sabi ko, 'Tayo na lang ulit!' Umiiyak ako nun," kuwento niya.

Ano ang isinagot sa kanya ni Jennylyn?

"Wala, hindi na siya sumagot."

THE PAIN HAS LESSENED. Wala na siyang sakit na nararamdaman ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I guess naman yung sakit, hindi naman natin masasabi na mawawala agad yun. Pero I think it's less now," sabi ni Drei.

Galit?

"Hindi mo naman maiiwasan yun."

Ano ang ginagawa niya para makapag-move on?

"You know, what keeps me distracted are my friends, my loved ones. And I heard that you know my family's coming back, my dad and my mom. Not for that reason ha, kasi may wedding din. And at the same time, they also wanted to check on me kasi siyempre, kinabahan din sila."

Walang nililigawan si Drei ngayon?

"Wala po, honestly," sagot niya.

Ilang months na silang wala ni Jennylyn?

"We broke up mga mid-March, late March, before nung Hong Kong trip," sagot ni Drei.

May communication pa ba sila ni Jennylyn?

"Honestly, wala na. Tine-text ko siya, hindi siya nagre-reply, dati pa. Tinext ko siya nung Mother's Day, ginreet ko, tinext ko siya."

Bakit nag-e-effort pa rin siya to communicate with Jennnylyn?

"Kasi out of respect, e. I wanted to greet her mom, I wanted to greet her. I wanted to greet her a happy birthday. Kasi po para sa akin naman, hindi siya kung sino lang na babae. Minahal ko siya, sobra!" paliwanag niya.

Halimbawang makaharap niya si Jen, ano ang sasabihin niya dito?

"'Sana maging masaya ka.' Iyon ang sinasabi ko sa kanya. Sabi ko 'Sana maging masaya ka.' Sabi ko, 'I always pray and hope for you happiness.'"

Kung si Dennis ang makaharap niya, ano ang sasabihin niya?

"Since hindi ko naman talaga siya ka-close, sasabihin ko lang, 'Bro, Dennis, alagaan mo si Jen.' You know kasi... I mean, ako, hindi naman ako perpektong tao. I know I've had...I've also had my faults. 'But I just hope that, you know, you take care of her, and AJ. I hope you just really take good care of her and make her happy. And love her with respect and sincerely.' Don't just love a person, you have to respect a person and also you have to love a person with respect and sincerity. Kasi those are, for me, iyon ang mga importanteng mga words na dapat na kadikit ng love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO CHANCE OF GETTING BACK. Kung sakaling hindi magtagal ang relasyon nina Jennylyn at Dennis, at bumalik sa kanya si Jennylyn, tatanggapin niya ba itong muli?

"Siguro if you ask me that last month, mga a month ago, I'd say yes," sagot ni Drei.

Pero ngayon?

"Hindi ko pa alam, hindi ko alam. Hindi ko masagot 'yan ng oo o hindi. Pero for one, my family is gonna really, you know, react. Kasi alam nila ang pinagdaanan ko, e, alam nila yung lungkot na pinagdaanan ko. Sila mismo, pati ang mga kaibigan ko, ang magsasabi na huwag na."

Pero kung siya mismo ang magdedesisyon?

"Masaya kasi ako ngayon, e. Masaya talaga ako, e, you know."

Ayaw na niya if ever dumating ang pagkakataon na maging sila ulit ni Jennylyn?

"Hindi ko po alam, hindi ko po talaga alam."

Pero kung last month, oo ang magiging sagot niya?

"Kasi kilala ko ang sarili ko, e. Feeling ko kaya kong sabihing hindi, pero feeling ko, baka pag dumating yung time na ano... Pero 'yon nga, sabi ko, gusto ko munang pahalagahan ang sarili ko."

Ayaw raw muna ni Drei na umibig muli.

"Honestly, wala akong ano... And siyempre may mga crush ako, ganyan, pero ayoko muna, e. Parang ayoko na muna. Focus muna ako sa trabaho. Trabaho na lang muna, kung ano ang dumating."

Ayon kay Drei, busy rin siya sa career niya ngayon.

"I'm very busy with mga hosting events," sabi niya.

Pero wala pa raw siyang projects sa home network niya, ang ABS-CBN.

"Wala pa po. So far, I've been talking with the management, with Star Magic, and they have plans naman daw. Tinanong nila ako kung ano ang gusto ko, sumayaw or kumanta sa ASAP. Sabi ko kay Mr. M [Johnny Manahan], 'Kayo na po ang bahala, kung saan sa tingin ninyo. And then I'll tell you kung saan ako mas kumportable.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Bukas ang PEP sa panig ni Jennylyn at maging ni Dennis kung sakaling gusto nilang magsalita kaugnay ng mga naging pahayag ni Andrei.)


Click here to read PART I.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN