Paulo Avelino is now getting ready to become a parent

"Ngayon, nagre-ready na rin po para maging parent. Nabigla in a way, pero naka-mindset na rin ako na maging parent. At saka, ayoko rin naman po na sa pagtanda ko, dun lang ako magta-try magkaanak. At least po ngayon, barkada po kami," says soon-to-be-dad Paulo Avelino.


Tuwing tinatanong si LJ Reyes sa kanyang Twitter account kung ano ang ipapangalan nila ng boyfriend niyang si Paulo Avelino sa kanilang baby, ang palagi lang nitong isinasagot ay meron na silang naisip pero hindi niya sinasabi kung ano.

Pero sa taping ng Panday Kids noong Miyerkules ng gabi, May 26, sa Marilao, Bulacan, maaaring dala na rin ng excitement at pagka-miss sa kanyang mag-ina ay naisiwalat ni Paulo ang name na napili nila sa kanilang magiging anak ni LJ—Ethan Akio.

"Yung Ethan po, parang brave or strong po yata ang meaning. Yung Akio naman po, I think, hero po. It's a Japanese name. Kung saan-saan po namin hinanap ang name kasi wala po kaming maisip. Hanggang sa makahanap nga po kami ng bagay," paliwanag ni Paulo sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

MISSING LJ. Matatandaang middle of April nang aminin nina Paulo at LJ na nagdadalang-tao ang huli. That time ay six months na ang ipinagbubuntis ng young actress.

Sa kasalukuyan ay nasa New York si LJ kasama ang kanyang ina at kapatid. Doon muna si LJ hanggang sa makapanganak siya sa July. Sa June, next month, naman planong sumunod ni Paulo in time for LJ's delivery.

Kahit araw-araw silang magka-text, magka-Twit at magka-Skype, sinabi ni Paulo na nami-miss pa rin niya si LJ.

"Nami-miss ko yung pagka-bubbly niya. Kung may gusto kang makausap tungkol sa politics, kung ano-ano sa buhay...masarap siyang kadiskusyunan," sabi ni Paulo.

Matatapos na ang primetime series nilang Panday Kids, pero wala pa raw siyang alam na follow-up project niya after this. Pero sasamantalahin daw ni Paulo ang pagkakataon para makasunod kay LJ sa States at maalagaan ito kahit ilang linggo lang.

"Sana nga po one month or depende po siguro kapag may work na pumasok. Pero kung sakali po, sana makasabay ko na silang umuwi dito. Pero kung hindi naman po, kahit ako na po ang mauna, susunod na lang po sila. Baka after two months pa raw po kasi para maibiyahe ang bata," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero siniguro ni Paulo na makaka-attend siya ng Uncut fashion show ng Bench sa Araneta Coliseum on July 2. Isa si Paulo sa celebrity endorsers ng Bench at ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na niya ito.

NO REGRETS. Samu't sari ang naging reaction at opinion nang umamin sina Paulo at LJ na malapit na silang maging magulang. May mga nagsasabing baka maging negatibo ang epekto nito dahil nagsisimula pa lamang gumanda ang career ni Paulosa Kapuso network. Pero naging matapang ang magkasintahan sa pagharap sa kinasuungan nilang sitwasyon.

Ayon pa kay Paulo, wala silang pinagsisisihan sa ginawa nilang pag-amin.

"Tamang-tama lang po. 'Sakto lang po noong time na sinabi namin. Wala na rin po sa stage na nahihirapan siya, so para happy na lahat ng steps. Wala na pong stress. Wala na pong iniintindi, yung baby na lang," nakangiti niyang pahayag.

Nagsi-sink in na ba sa kanya yung reality na magiging daddy na siya?

"Medyo, medyo po!" natatawa niyang sagot. "Medyo marami na nga pong binabasang books about parenting, about baby."

Sa palagay niya, magiging anong klaseng daddy siya?

"Hindi ko po alam sa ngayon. Pero siyempre po, gusto ko rin po maging best na daddy. Best na parent para sa anak ko at kay LJ," sagot ni Paulo.

Pagkatapos manganak ni LJ, kasunod na rin ba sa plano nila ang pagpapakasal, lalo pa nga't tila naiplano na rin nila na ang magiging binyag ay dito pa rin sa Pilipinas gaganapin?

"Sa ngayon, concentrate po kami sa baby," sabi niya. "In the future, malalaman n'yo rin naman po if ever man. Sa ngayon, baby pa lang po muna. Siguro po, hihintayin lang na lumaki-laki ng konti."

Two semesters na lang daw ang kulang ni LJ para maka-graduate siya, kaya naman pinayuhan daw ito ni Paulo na tapusin ang kanyang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sayang din naman po kasi two semesters na lang siya. So, sabi ko, while she's getting back in shape, puwedeng mag-study muna po," sabi ni Paulo.

IMPACT ON PAULO'S CAREER. Tinanong ng PEP si Paulo kung may nakikita o nararamdaman siyang epekto—positive or negative man—ng pag-amin nila ni LJ sa kanyang career.

"So far, hindi ko pa po nararamdaman, e," nakangiti niyang sagot. "Pero actually, nagtatanong po lagi kung nasaan si LJ. Kung lalake ba or babae ang baby. Puro sa baby actually. Pero wala pa naman po akong nararamdaman na naging impact sa career ko in a major way.

"Actually, kahit simpleng buhay, okay na rin. Basta mabuhay lang. Mapag-aral nang mabuti ang baby. Kumbaga, mapakain nang mabuti."

Dahil sa tinuran ni Paulo, may mga nag-comment kung siya raw ba ang naririnig na nagsasalita dahil para bigla siyang nag-mature at nag-iba ang outlook sa buhay.

Pero hindi ba niya nararamdaman na parang "forced responsibility" ang nangyari sa kanya?

"Hindi naman. Kasi noong nangyari, parang bigla na lang napunta sa flow lahat ng bagay. Ngayon, nagre-ready na rin po para maging parent. Nabigla in a way, pero naka-mindset na rin ako na maging parent. At saka, ayoko rin naman po na sa pagtanda ko, dun lang ako magta-try magkaanak. At least po ngayon, barkada po kami," pahayag ni Paulo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN