Katrina Halili after sex-video scandal will no longer guest in sitcoms

"Kahit sinasabi ng mga tao na wala na yun, oo, wala na, pero hindi na po ako kumportable talaga. Pero okey naman po ako. Parang ang pangit lang po na ganun ang isyu ko, tapos makikita n'yo ako nagpapatawa sa sitcom. Nakikipaglaro ng pula-puti. Ako mismo, parang hindi ko gusto ang makikita ko sa sarili ko kung ganoon ako sa TV," says Katrina Halili about being uncomfortable doing sitcoms.


"It's all in the bangs!" nakangiting sagot ni Katrina Halili sa tanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung may challenge pa ba sa kanya ang role niya sa Langit Sa Piling Mo kung saan magiging kontrabida siya kay Heart Evangelista.

Nakilala si Katrina bilang primera kontrabida sa ilang Kapuso shows tulad ng Marimar, Darna, at Rosalinda. Kaya parang easy na lang sa kanya ang mga ganitong klase ng role na sa ibang artista ay ikaka-challenge nila nang husto.

Pero may style daw si Katrina na sa bawat serye na ginagawa niya, she makes sure na iba ang mapapanood na itsura niya.

"Actually, ang pinaghahandaan ko talaga, yung look," sabi niya. "Yung acting kasi, hindi ko naman sa inaano na mani na lang, pero feeling ko, nadadala kasi yung acting kung ano ang suot mo, ano ang look mo. Tapos, yung character ko naman dito sa Langit Sa Piling Mo na peg ko, banat lang palagi ang buhok."

Nakausap ng PEP si Katrina during the press conference of Langit Sa Piling Mo last Tuesday, May 25, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Anak ng may-ari ng Eagle Airways ang role ni Katrina sa bagong primetime series na ito ng GMA-7, na magsisimula nang umere sa Lunes, May 31. First time niyang magkokontrabida kay Heart.

Kumusta naman sila ni Heart?

"Okey naman po, mabait naman po siya. Very approachable. Nagkakausap, nagkakakuwentuhan naman po kami," sabi ni Katrina.

MARK HERRAS. Sa trailer pa lamang ng Langit Sa Piling Mo ay ipinapakita na may mga love scene sila ni Mark Herras. Bigla tuloy nag-flashback ang ilan sa entertainment press na noong araw, especially after ng kanilang StarStruck days, ay muntik na silang magkaroon ng romantic relationship. Kaso lang, binasted niya si Mark, di ba?

"Ay, hindi po, hindi naman!" natawang sabi ni Katrina. "Hindi ko naman po siya binasted. Dyusko, biruan lang yun! Huwag kayong ganyan!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nila napagkukuwentuhan ni Mark ang "past," lalo pa nga't ang dami nilang intimate scenes dito sa bago nilang serye?

"Kapag nagte-take naman po kami ni Mark, ibang character po ako. Kaya hindi ko na po alam ang isasagot sa mga tanong n'yo kasi wala na po tayo sa take. Hindi na po ako in character," palusot niya.

Hindi ba siya nahihiritan ni Mark na, 'Ikaw kasi, binasted mo ako?"

"Wala! Wala pong gano'n. Tropa kami nun. Tropa. One of the boys ako, e," nakangiti niyang sabi.

NO TO COMMITMENT. Kumusta na sila ni Kris Lawrence na balitang naging boyfriend niya?

"Si Kris, nandiyan pa rin...as a friend," sagot ni Katrina. "Ayoko ng commitment. Kasi, feeling ko, mamadaliin ko ba ang buhay ko? Next time na 'yan. Di ba, parang 'eto ang chance ko na magtrabaho para sa sarili ko. After nito, wala na, mag-aasawa ka na. Mag-aalaga ka ng mga anak mo. Ito na ang buhay ko, so panghahawakan ko muna."

Feeling niya ba ay second chance talaga ito para sa kanya?

"Oo, feeling ko," aniya. "Iga-grab ko muna ang opportunity na hawakan ko muna ang sarili ko. Na pagtrabahuhan ko muna. Na yung mga ginagastos ko, pagtrabahuhan ko. Next time, wala na. Dun ka na sa pag-aasawa at pag-aalaga sa mga anak."

HAS SHE MOVED ON? Base sa aura at pakikiharap ni Katrina sa entertainment press during the press conference of Langit Sa Piling Mo, masasabing malaki na ang improvement na nakikita sa kanya mula nang masangkot siya sa sex-video scandal nila ni Hayden Kho. Mas relaxed at tila naka-move on na siya sa parteng yun sa buhay niya.

"Nakapag-move on? Well, hindi ko rin po masasabing nakapag-move on kasi hindi pa nga po tapos. Siyempre, paulit-ulit ko na naaano, di ba? Siyempre, sa kaso ko rin, paulit-ulit din po," paglilinaw ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, feeling ko nga po," patuloy niya, "hindi na magiging okay kasi hindi na nga po ako okay. Like, nili-limit ko na lahat ng guesting ko. Mas gusto ko na soap na lang. Ayoko na ng mga guesting tulad ng sitcom. Hindi na po ako kumportable.

"Kahit sinasabi ng mga tao na wala na yun, oo, wala na, pero hindi na po ako kumportable talaga. Pero okey naman po ako. Parang ang pangit lang po na ganun ang isyu ko, tapos makikita n'yo ako nagpapatawa sa sitcom. Nakikipaglaro ng pula-puti. Ako mismo, parang hindi ko gusto ang makikita ko sa sarili ko kung ganoon ako sa TV."

Looking back, wala ba siyang nararamdamang pagsisisi na itinuloy niya ang kaso against Hayden? Na lumaban pa siya unlike other girls na may gano'n ding karanasan o nasa parehong sitwasyon pero piniling manahimik na lang?

"Wala po," mabilis niyang sagot. "Siguro mas magsisisi po ako kung hindi ako lumaban. Na ano po 'to, bangungot? Na hahayaan kong ganunin ako? Na habambuhay akong tahimik? Habambuhay na walang sagot sa tanong ko, di ba? At saka, sa guwapo niyang [Hayden] yun, marami siyang maloloko, 'no!"

Sa mga babaeng mas pinili na lang na manahimik at hindi lumaban, ano ang masasabi niya?

"Ayoko naman pong mag-comment sa mga taong nanahimik, di ba? Respetuhin po natin ang desisyon nila. Siyempre, hindi naman po natin alam kung ano ang mga reason nila. Basta po ako, hindi ko po talaga kayang mangyari na gawin niya yun ulit sa iba. Kaya sinugal ko pong talaga ang trabaho ko noon," saad niya.

Ano naman ang masasabi niya sa balitang nagkabalikan na si Hayden at si Dra. Vicki Belo?

"No comment. Happy na ako kung sila man. Gift ko na sa kanila yun," maikli niyang tugon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN