Marco Alcaraz and Precious Lara Quigaman deny rift with manager was caused by Lara

Precious Lara Quigaman (right) says the breakup of the talent-manager relationship between boyfriend Marco Alcaraz (left) and Arnold Vegafria had nothing to do with her. "Wala naman dapat na maging issue sa amin ni Arnold. Kasi ano ba dapat ang meron, di ba? So wala talaga. Kung anuman yung mga lumalabas na bali-balita, hinahayaan na lang namin lumagpas. We just ignore it."


Game sa lahat ng mga palaro sa Lago del Rey Summer Aquafest na ginaganap sa Camsur Watersports Complex (CWC) sa Camarines Sur ang magkasintahang Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz. Nasa Purple Team si Lara habang nasa Orange Team naman si Marco.

Matapos ang unang araw ng pakikipagkarera, basaan, tulakan, at pagtatampisaw sa putikan sa ilang palaro ng Aquafest, pagre-relax naman sa dinner ang ginawa ng mga CWC guests bandang kinagabihan. Sa pagkakataong ito nagpaunlak ng interview sina Lara at Marco sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Unang tanong ng PEP ay kung may katotohanan ang usap-usapan na secretly married na ang dalawa abroad.

"Katulad ng lagi naming sinasabi... hindi kami magpapakasal sa ibang bansa. Unang-una, mahal. Pangalawa, nandito ang mga pamilya namin. So, parang, anong point na magpakasal pa kami dun, secretly pa, di ba? So, kung magpapakasal man kami, hindi na namin isisikreto, " sagot ni Lara.

Natural lang naman na mapag-usapan ng mga magkakasintahan ang bagay na 'yon once in a while. Pero ayon kay Marco, sa ngayon ay kinikilala pa nila ang isa't isa.

"Siguro in the future," ani Marco tungkol sa pagpapakasal. "Right now nasa ano pa lang kami, first base ng relationship. So, enjoy, getting to know better yung isa't isa. Yung family namin.

"Siyempre, paminsan-minsan, nagpa-pop sa utak. Kasi lahat naman tayo may plans for the future. Napag-uusapan randomly."

This year lang nagsimulang umamin sina Lara at Marco na sila na nga ay magkasintahan. Although last year, lumalabas-labas na rin daw sila. Paano nga ba nagsimula ang relasyon nila?

"When she was still in Wowowee and That's My Doc, I used to watch her. Hindi ako masyadong nanonood ng TV, pero pag yung show na yun, nanonood ako," pauna ni Marco. "Luckily, close kami ni Valerie Concepcion, and I tried to get her [Lara's] number. Kaya lang, at first hesistant si Valerie, kasi nga Lara's in a relationship then. So, nagsimula ako sa pa-quotes-quotes. Minsan, nakaka-reply siya. Then nung nag-break na sila ng ex niya, naging madalas na yung reply niya. Then, yun... nag-meet na kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi raw dapat isipin na niligawan at napasagot ni Marco si Lara through text.

"Hindi naman. Pero dun lang naman talaga nag-i-start. Yung pagiging friends muna, then pa-text-text, hanggang sa pumupunta na siya sa bahay, nagkikita kami. 'Tapos lumalabas na kami..." kuwento naman ni Lara.

MANAGER BLUES. Tinanong ng PEP ang naging isyu ni Marco sa kanyang former manager na si Arnold Vegafria. Ayon sa mga lumabas na usap-usapan, nagsimula raw ang conflict sa pagitan nila nang ma-pull out si Marco sa upcoming Marian Rivera-Dingdong Dantes TV project na Endless Love.

"Actually, I was just having a pictorial for Endless Love and all, then inside lang, e. May mga nagsasabi lang sa akin, nagkukuwento na natanggal daw [yung role ko]. Pero di ko talaga alam kung ano ang nangyari... internal lang sa GMA. Pero ang good thing lang, sabi ng new manager ko ngayon, si Noel Ferrer, I'm doing it. So pagdating nina Marian at Dingdong, yun nga, diretso na 'ko sa taping," paliwanag ni Marco.

Pero usap-usapan din na si Lara raw talaga ang dahilan ng pagkakalabuan nina Marco at Arnold. Sa pagkakataong ito, ipinasa ni Marco ang pagsagot sa kanyang "tsong"—term of endearment ng dalawa sa isa't isa.

"Wala naman dapat na maging issue sa amin ni Arnold. Kasi ano ba dapat ang meron, di ba? So wala talaga. Kung anuman yung mga lumalabas na bali-balita, hinahayaan na lang namin lumagpas. We just ignore it," sagot ni Lara.

Kumusta naman si Noel Ferrer bilang bagong manager ni Marco?

"Si Sir Noel, so supportive. Hindi siya nagpa-promise ng any projects, basta... he's trying to help me lang with GMA kasi, di ba, I have a contract [with GMA-7]. So he's the one talking to GMA and at the same time, [help with] some movies..." pahayag ni Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa projects na trinabaho ni Noel Ferrer for Marco ay ang indie movie na Muli. Kasama niya sa pelikula ang mga mahuhusay na aktor na sina Sid Lucero at ang nagbabalik-pelikula na si Cogie Domingo.

Papel ng isang New People's Army member ang gaganapin ni Marco sa pelikulang ididirek ni Adolf Alix.

"NPA ako rito, kami ni Sid Lucero, at madidiskubre ko na gay person pala siya. So gusto ko siyang maalis sa kilusan."

OPINION ON WOWOWEE SITUATION. Hiningan ng PEP ng opinyon si Lara tungkol sa mga kaganapan ngayon sa Wowowee. Co-host siya noon ng ABS-CBN afternoon show at nagkaroon ng issue ang pagkakatanggal niya dito noong 2008, dahil diumano sa pagdadala niya ng boyfriend sa show.

"I think... mahirap kasi talaga on my part to say anything. Pero unang-una, sa lahat ng nangyari, it's just right na lahat tayo, dahil sa pagkakamali natin, we will learn from it. So si Kuya Willie [Revillame], dahil dun sa outburst niya, dahil sa hindi niya napigilan ang pagsasalita niya, he's learning something from it now.

"Nakakalungkot, kasi alam naman natin na marami ang nagmamahal kay Kuya Willie, pero there's a reason for everything and there's a time for everything. And si Kuya Willie, siguro he just needs some rest and at the same time, makahanap ng ibang host for the show."

AN EXHAUSTING ROLE. Sa ngayon, isang kontrabida ang role ni Lara sa Precious Hearts Romances Presents: Impostor. Natutuwa ang 2005 Miss International na bahagi siya ng cast dahil sa mataas na ratings nito. Masaya rin daw siya sa role niya bilang kontrabida, kahit na nahihirapan siya.

"Mas nahihirapan ako kesa nung mabait ako. Kasi pag mabait ako, okey lang yung mga pakiramdam mo. Pero pag galit ka kasi, kailangan maghalungkat ka ng mga feeling na galit, ng bitterness, ng hurt, para mailabas mong lahat yun. So parang mas nakakapagod, mas exhausting yung trabaho kasi lagi kang masama ang loob."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman daw todo-todong kontrabida ang papel niya sa show. Meron daw mangyayaring twist na hindi niya puwedeng i-reveal pa sa ngayon.

"Basta, marami pang mangyayari," pahayag pa ni Lara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN