Arci Muñoz says she'll be cordial if she meets ex-boyfriend Kean Cipriano again

"If ever naman na aksidente ko siyang masasalubong, babatiin ko naman siya, e. Hindi ako bastos para dedmahin siya. I believe na kung maganda ang pakitungo mo sa isang tao, maganda rin ang ibabalik niya sa iyo," said Arci who got snubbed by former boyfriend Kean during an Earth Day event last April.


Isa si Arci Muñoz sa mga biglang nawala pagkatapos ng press launch ng bagong Kapuso drama na Langit sa Piling Mo noong Tuesday, May 25 sa Studio 5 ng GMA-7 Network Center. Inakala tuloy ng ilang entertainment press, umiiwas na si Arci na matanong tungkol sa ex-boyfriend niyang si Kean Cipriano.

Nakausap namin si Arci kamakailan at nag-sorry ito sa bigla niyang pagkawala sa naturang press launch. Nahihiya nga raw siya sa buong staff ng series at pati na sa entertainment press pero may mahalagang lakad daw kasi siya noong gabing iyon.

"Hindi naman ako umiiwas sa press. It's just that may importanteng lakad talaga ako na sumabay sa press launch. Akala ko kasi maagang magsa-start ang press launch para may time pa akong makipagkuwentuhan sa press. Kaso, late na kasing nag-start at tinatawagan na ako ng mga kausap ko. E, sa malayong lugar pa iyon kaya nagmadalali akong umalis after the press launch.

"Nagpaalam naman ako sa staff ng LSPM. I really liked to stay pero importante talaga yung nilakad ko. Kaya ipaabot n'yo na lang sa ibang press na I am very sorry. Nagkapatung-patong lang ang mga lakad ko that night," pakiusap pa ni Arci.

SNUBBING INCIDENT. Okey naman daw sa kanya na tanungin siya tungkol kay Kean.

"I can talk about him naman kung may magtanong sa akin. Hindi po ako iiwas sa mga ganyang questions. Pero hindi ko naman siya sisiraan. It's true naman na we had something pero something went wrong kaya natapos na. I've moved on. Mabilis din naman ako naka-recover.

"I'm dating now and I am very happy with my life. Hindi taga-showbiz or rakista ang dine-date ko ngayon. Actually, iba-iba sila para naman may variety, di ba? We usually go out to dinner or watch a show or movie. Hanggang doon muna kasi nga may bagong trabaho na naman tayo kaya focus ako sa work ngayon," diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na ba sila nagkita uli ni Kean after noong eksenang isnaban na nangyari sa SMX Convention Center noong April? (CLICK HERE for related article.)

"Ay, hindi na po. More than a month na yung incident na iyon, di ba? So never pa kami nagko-cross ng landas after that. Balita ko kasi ay busy siya sa TV show niya, which is good naman.

"If ever naman na aksidente ko siyang masasalubong, babatiin ko naman siya, e. Hindi ako bastos para dedmahin siya. I believe na kung maganda ang pakitungo mo sa isang tao, maganda rin ang ibabalik niya sa iyo," ngiti pa ni Arci.

GIVING HEART A HARD TIME. As always ay kontrabida si Arci sa Langit sa Piling Mo. Bilang si Melanie, siya ang magpapahirap kay Marj (Heart Evangelista) na bagong salta sa airlines na pinagtatrabahuan niya.

"This is not the first time na kontrabida ako kay Heart. I was her kontrabida in Ngayon at Kailanman. Kaya sanay na si Heart sa mga gagawin ko sa kanya," tawa pa ni Arci.

"But, of course, acting lang lahat. Kasi nga iisa na lang ang manager namin ni Heart, si Tita Annabelle [Rama]. Kaya kailangan hanggang acting lang kami."

Ayon kay Arci, okey na kaeksena si Heart dahil wala raw itong reklamo kapag ang eksena ay inaapi-api at sinasaktan siya.

"Game siya. Hindi siya yung maarteng kasama. Like noong time ng Ngayon at Kailanman, nahihiya akong sampal-sampalin siya or itulak-tulak siya. Kasi nga hindi pa kami close. Pero siya ang nagsasabing gawin ko ang dapat para raw ma-feel niya ang eksena.

"Kaya minsan tinototoo ko ang pananakit sa kanya, pero after naman nagsu-sorry ako. Sinasabi lang naman niya na she's okay and it's all work. After nga magkukuwentuhan na kami na parang walang nangyari. Kaya Heart is okay to work with. She's very professional and mahusay siyang artista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal nga raw na hindi nakagawa ng drama series si Arci after ng Ngayon at Kailanman. Naging guest lang siya sa mga series na Full House, Ikaw Sana at Diva, at nag-host ng sarili segment sa StarStruck V.

"Matagal nga akong walang regular na series, e. Naging abala ako noon sa StarStruck V. Na-miss na raw nila ang pagkokontrabida ko kaya very thankful ako sa GMA-7 at nabigyan ako ng role sa Langit sa Piling Mo. Makikita na naman nila ang mga nanlilisik kong mga mata!" sabay tawa niya.

MEAN GIRLS. Happy rin si Arci para sa kaibigan niyang si Vaness del Moral dahil ka-level na raw nila si Iwa Moto sa pagiging kontrabida sa TV series. Si Vaness ang kontrabida ni Carla Abellana sa Basahang Ginto.

"I told Vaness na sobra akong masaya for her kasi nga heto na ang role na dapat niyang pahalagahan talaga. It's a big break for her and I know na kaya niya ito.

"Masipag kasi 'yang si Vaness. Any role na ibigay mo sa kanya, pinag-aaralan niya talaga. She doesn't take things for granted. Kaya sobrang natuwa nga siya at naiyak pa noong ibigay sa kanya ang role sa Basahang Ginto as the kontrabida of Carla Abellana.

"Kaya pare-pareho na kami nila Vaness at Iwa na mga mean girls ng mga bidang babae sa GMA-7. Pero hanggang sa TV lang kami kontrabida. In real life, sobra ang pagpapa-sweet namin," pagtatapos ni Arci Munoz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN