Enzo Pineda takes over from Mark Herras as Ynna Asistio's love interest in Diva

Enzo plays Luke, the new guy Ynna's character falls for. Will Mark Herras get jealous? Enzo says Ynna's rumored boyfriend has nothing to worry about. "Alam po naman ni Mark kung sino talaga ang love ko, si Sarah [Lahbati]."


Happy si Enzo Pineda nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment writers sa pocket interview na itinawag para sa kanya ng GMA Artist Center sa Souvenir Room ng GMA Network Center Annex last Wednesday, May 26.

Bakit nga hindi, sunud-sunod ang mga blessings na dumarating ngayon sa First Prince ng StarStruck V. Napapanood na siya sa kantaserye ni Regine Velasquez na Diva bilang kapalit ni Mark Herras as the sweetheart of Ynna Asistio. Kailangan na kasing umalis muna ni Mark dahil bukas, May 31, ay umpisa na ng bago nitong soap, ang Langit sa Piling Mo, katambal si Heart Evangelista.

Hindi naman kaya pagselosan siya ni Mark na rumored boyfriend ni Ynna?

"Hindi po magseselos si Mark," nakangiting sagot ni Enzo. "Friends po kami simula pa nang magkasama kami sa pagsayaw sa Party Pilipinas. Ynna is a friend na rin po since nagkasama na kami during the 'Dream Flick' acting challenge namin sa StarStruck V noon. Happy po lamang ako na sa akin ibinigay ang role ni Mark, but I will be playing the role of Luke, at mai-in love din kami ni Vanessa [Ynna] sa story. 'Saka alam po naman ni Mark kung sino talaga ang love ko, si Sarah [Lahbati, StarStruck V Ultimate Female winner)."

BUSY AND FIT. Last week, nagkasunud-sunod ang taping ni Enzo. Nauna ang dating game show na Take Me Out kunsaan ang napili niyang ka-date ay si Jhenn Oliver, isang fashion model na six years older sa kanya.

"Sana po ay panoorin din nila sa Sunday [May 30] ang Show Me Da Manny, after ng Mel & Joey, na special guests po kami ni Sarah na mag-sweetheart na nagtanan at napunta sa bahay ni Manny [Pacquiao]. Natuwa nga po kami ni Sarah dahil first taping day ulit iyon ni Tito Manny after niyang manalo as congressman ng Saranggani at kami pa ang guests, with Iza Calzado."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sunud-sunod din ang pictorial ni Enzo sa mga glossy magazines na kasama sina Steven Silva, Rocco Nacino, Princess Snell, Dex Quindoza at Jackie Rice.

Pinansin ng PEP ang ganda ng katawan niya ngayon. May pinaghahandaan ba siya?

"Yes, po. Kasama kami sa fashion show ng Bench. Nag-go see po ako noong isang araw sa Bench, kasama ko ang co-GMA Artist Center talent na si Victor Aliwalas. Sa July 2, rarampa rin po kami nina Steven, Sarah, Diva [Montelaba] at Rocco.

"Kaya kapag wala po akong taping, three times a week akong nagwu-work out. May personal trainer din po ako ng muay thai, boxing at swimming. Gusto ko pong maging physically fit ako kahit marami akong ginagawa."

INTRIGUE. Tuloy pa rin ang intriga kay Enzo tungkol sa kanyang gender identity at may nagsabi pang si Rocco raw mismo ang nagkakalat noon.

"Hindi po ako naniniwala na sinabi iyon ni Rocco. Kami po kasi sa StarStruck V, very close sa isa't isa, friends kami at lalo na po sina Rocco at Steven, talagang friends kami at halos laging magkakasama. Siguro po may hindi natutuwa sa nararating na namin and I can't always please everybody.

"Basta ako po, sinusunod ko ang advice ng daddy ko, na I just do my best. Dapat daw ako laging mag-improve dahil tandaan ko na laging may bagong darating pagkatapos namin.

"Kaya, kung may bago po sa akin, kumakanta na ako ngayon sa mga mall shows namin, hindi lamang ako basta sumasayaw. Ito po naman talaga ang gusto ko. Nasa high school pa lamang ako, gusto ko na ang performing arts, pero wala po lamang akong drive na ituloy ito, kaya after high school, nag-enrol na ako ng entrepreneurial management sa University of Asia and the Pacific. Gusto ko pong mag-business after ng college, pero dumating nga po ang StarStruck V at nag-join ako after payagan ako ng parents ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SOMETHING NEW. Ano pa ang nabago sa kanya ngayong nasa showbiz na siya?

"Hindi na po ako humihingi ng allowance ngayon sa mommy ko," sagot ni Enzo. "Lahat po ng ginagastos ko, mula na sa natatanggap kong talent fee. Masarap po ang feeling na hindi na ako umaasa sa kanila."

May nami-miss ba naman siya ngayon?

"Siguro po iyong hindi na ako maka-spend ng enough time sa mga friends ko, nami-miss ko na rin sila. Pero very supportive po naman sila, lagi nila akong binabati kapag napapanood nila ako sa TV.

"Ang daddy ko, kapag pareho kaming hindi busy, joyride kami, kahit saan lamang kami nagpupunta, bonding namin. Si Mommy, ganoon pa rin siya, lagi niyang tsini-check ang gamit ko, para wala akong maiwanan sa mga kailangan kong dalhin sa taping o pictorial ko."

Sa ngayon, he's working under Dominic Zapata na kilalang masayahin sa set. Paano kung makapagtrabaho siya sa ilalim ng isang direktor na mahilig magmura at isa siya sa mapagalitan nito?

"Siguro po, kung mali ang ginawa ko, okey lamang sa akin. Puwede ko rin pong maging motivation iyon para pagbutihin ko ang ginagawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN