Maxene Magalona shows JC Tiuseco everything's cool through Tweetbiz phone chat

The two former close friends finally get to talk via live phone patch interview on QTV-11's showbiz talk show Tweetbiz.


Taliwas sa mga balita na hindi pa nag-uusap sina Maxene Magalona at JC Tiuseco matapos ang umano'y "falling-out" nila, napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nakapag-usap na pala ang dalawa last May 25 through live phone patch interview sa showbiz program ng QTV-11 na Tweetbiz.

Noong gabing special guest host ng Tweetbiz si Maxene, ni-live phone patch si JC at hindi na nakaiwas ang binata sa mga tanong tungkol sa dati niyang ka-love team. Hindi alam ni JC na nasa set pala si Maxene.

"Okay naman ako," ang sagot ni JC sa host na si Tim Yap nang tanungin siya kung naka-move on na siya kay Maxene.

Lingid sa kaalaman ni JC, nakikinig si Maxene sa mga sagot niya.

Dahil matagal na ngang huling mag-usap sina JC at Maxene, binigyan sila ng Tweetbiz ng pagkakataon na magkausap sa telepono.

Noong una'y pinahulaan pa ni Maxene kay JC kung sino siya. Sabi ni Maxene, "Hindi mo na ako kilala?"

Nang magkaalaman na, agad namang nagkumustahan ang dalawa. Binati ni Maxene si JC sa kanyang bagong soap sa GMA-7, Langit Sa Piling Mo.

Nang hingan naman si JC ng message para kay Maxene, sabi nito, "Good luck sa soap niya." Nakatakda rin kasing magbida si Maxene sa bagong Kapuso soap na Bakit Kay Tagal ng Sandali?

Mabilis namang sumingit si Maxene ng, "'Niya?' Parang wala naman tayong pinagsamahan."

Dagdag pa ni Maxene, "Hello daw sabi ni Mama [Pia Magalona]."

Ayon kay Maxene, mabuti na raw yung okay sila ni JC dahil hindi maiiwasang magkikita sila ulit, lalo na't iisang istasyon lang ang pinagtratrabahuan nila at iisang mundo lang ang ginagalawan nila, ang showbiz.

Ginawa raw ni Maxene na makipag-usap para ipakita sa mga tao na walang problema sa pagitan nila ni JC.

Nang tanungin si JC kung sino ang itinuturing niyang langit sa piling niya ngayon, walang maisagot ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO PROBLEM WITH JC. Nakausap ng PEP si Maxene para hingan ng dagdag na paglilinaw sa nangyaring pag-uusap nila ni JC on the air. Ano ang pakiramdam niya sa muli nilang pag-uusap?

"Okay naman," sambit ni Maxene. "Siyempre, kahit papaano nakaka-miss din yung dati naming samahan, kami nina Rich [Asuncion], Glaiza [de Castro]... We just really lost contact after so long. Pero yun nga sa Tweetbiz, at least masaya naman na nagkaroon na kami ng kumustahan after so long. And I'm sure naman... hindi lang kasi kami nagkakasama ulit sa mga guestings, ganyan. I'm sure sa next time na magkasama kami makakapag-usap kami to do some catching up, parang ganun."

Marami kasi ang nagtataka, noong magka-love team sila, sobrang sweet sila sa isa't isa at laging nakikitang magkasama. Tapos bigla na lang nawala ang closeness na yun. Ano ba ang naging problema?

"Wala naman naging problema talaga. We just decided to take separate paths professionally para sa career namin. Kaya we decided na huwag na lang i-keep yung closeness para hindi rin mahirap for us. But I do admit na naging close talaga kami, sobrang close. Naging busy lang talaga kami. Pero walang problema. Okay kami," paglilinaw ni Maxene.

Hindi na ba puwedeng maibalik yung dati nilang closeness?

"Siguro soon pero huwag muna ngayon, kasi kakagaling lang namin sa love team na magkasunod na dalawang show. In the future siguro kung magkatrabaho ulit kami, baka sakaling mabalik naman yung closeness. Puwede naman, e. I'm not closing my doors naman."

May paliwanag din si Maxene tungkol sa umano'y pakikialam daw ng Mommy Pia niya para buwagin ang love team nila ni JC.

"Hindi naman sa buwagin. Ang gusto lang ni Mama is huwag akong matali sa isang ka-love team. Gusto niyang maipareha naman ako sa iba kasi it's for my own good also. It's part of my career growth kumbaga. Hindi naman sa ayaw ni Mama kay JC. I'm sure dadating din yung time na magsasama ulit kami sa isang project. Lately kasi nakasunud-sunod na yung projects namin ni JC together. And I understand kung ano ang gustong mangyari ni Mama sa career ko. Gusto ko lang i-clear na kung sakali mang mangialam si Mama may karapatan naman siya because she's my mom, at the same time she's also my manager. Yung kay JC pinag-usapan namin yun and I agree with her. Si Mama only got good intentions for me and my career."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW LEADING MAN. Sa bagong soap ni Maxene na Bakit Kay Tagal ng Sandali?, ang bagong leading man niya ay ang StarStruck 2 Ultimate Male Survivor na si Mike Tan.

"I'm very, very excited kasi si Mike matagal-tagal na rin siya dito sa showbiz pero hindi pa nabibigyan ng magandang role, I mean yung lead role. Kaya now na, mabibigyan siya with me. It's very, very exciting na makita kung ano yung puwedeng i-offer sa mga tao ng love team namin."

First time daw nilang magkakatrabaho.

"As in kahit na sa ibang shows dati never ko siyang nakatrabaho na kaibigan o kaya ganyan. First time ito."

FILLING MS. DINA'S SHOES. Excited si Maxene sa Bakit Kay Tagal ng Sandali? dahil bida ulit siya rito. Nag-start na raw sila ng taping last Thursday, May 27, sa Tagaytay. Pero hindi pa alam ni Maxene kung kailan ang airing nito.

"On June 3 hanggang June 6 nasa Malaysia kami kaya exciting. Bongga talaga."

Ano ang role niya sa soap?

"Ako si Nina, yung dating ginanapan ni Ms. Dina Bonnevie doon sa original movie [1990]. So, yung role ko dito, I'm a physical therapist na walang kaya. Tapos I'm gonna be working for Ian Veneracion. Ang boyfriend ko si Mike Tan. Si Pauleen [Luna] naman ang anak ni Ian Veneracion. Si Pauleen ang kontrabida rito."

May pressure ba na dating role ni Dina Bonnevie ang gagampanan niya?

"Siyempre, forever na nandiyan 'yan na you always have to live up to the expectations of the fans of the original movie, kung sino man ang nakapanood na ng original movie. Siyempre, iku-compare at iku-compare yan. Pero siyempre ang pressure it's different, kasi ang past two Sine Novelas ko sa GMA was Ms. Sharon Cuneta's movie. This time it's Ms. Dina Bonnevie, na alam naman natin na meron konting taray, may konting angas yung character ni Ms. Dina Bonnevie. So, I have to change it up a bit. Kasi yung kay Ms. Sharon before laging inaapi, kinakawawa. This time iba yung kailangan kong gawin. Ang gusto ko lang naman talaga is not to imitate the original actress but to put a bit of twist to it, as well as gawin ko siyang iba, hindi yung saktong-sakto. Yun ang challenge doon. Oo, may pressure pero ayoko na lang isipin para magawa ko nang tama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY TO TRY TALK-SHOW HOSTING. Tinanong ng PEP kay Maxene, ano ang feeling na makapag-host ng isang showbiz talk show gaya ng Tweetbiz?

"Ang saya, sobrang saya. Dati kasi na-try ko na ring mag-host, like dati sa SOP paminsan-minsan. Pero first time ko nga na mag-host ng showbiz talk show dito sa Tweetbiz. Ibang-iba kasi tsikahan lang kayo. Nanonood naman kasi ako ng Tweetbiz, so alam ko na kung ano yung ginagawa sa show. Tuwang-tuwa naman ako na ako yung first celebrity guest co-host nila. Nag-enjoy talaga ako kasi madaldal talaga ako, e, at hindi ako nauubusan ng mga tsika."

Willing ba siyang bumalik sa Tweetbiz kung mabibigyan ulit ng pagkakataon?

"Oo naman, kasi nakakapagod din yung kakaiyak sa dramarama. I'm not complaining, gusto ko ang ginagawa ko sa mga soap ko. Pero it's refreshing to try something new. So, parang breaker ko ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN