Toni Gonzaga downplays possibility of taking over Kris Aquino's hosting jobs

"Si Ate Kris kasi, we talk," admitted E-Live's Toni Gonzaga, but adds, "Even before she made this decision, kinausap na niya ako, si Mariel [Rodriguez] at si Bianca [Gonzalez]. Tatlo naman kami."


Isa si Toni Gonzaga sa mga napapabalitang papalit kay Kris Aquino bilang host ng The Buzz at SNN: Showbiz News Ngayon ng ABS-CBN.

Desisyon ni Kris na tumigil muna sa paghu-host ng mga talk shows habang pangulo ng Pilipinas ang kanyang kapatid na si Sen. Noynoy Aquino. Gaganapin ang presidential oath-taking sa June 30, at si Kris ay huling magbo-broadcast sa SNN on June 25, at sa The Buzz naman sa June 27.

Kahapon, May 29, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa Stars For A Cause, isang fund-raising variety show ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa entertainment plaza ng SM North EDSA, Quezon City.

AWARDS FOR HOSTING. Sinabi ni Toni na malaki ang pasasalamat niya sa nasabing grupo ng mga showbiz editors and columnists dahil sa mga awards na iginawad sa kanya noong 2006, bilang Best Female TV Host for ASAP '06, at noong 2009 bilang Best Female Showbiz-Oriented Show Host for Entertainment Live.

"Kaya ako nandito ay dahil nagpapasalamat ako sa PMPC dahil last year ay ni-recognize nila ang kakayahan at abilidad ko," masayang bungad ni Toni.

Ang pagkilalang ito ang isa sa mga rasong ibinibigay kung bakit puwedeng si Toni ang pumalit kay Kris pag binakante na ng huli ang upuan sa The Buzz at SNN.

Pero ang sabi ni Toni, "Hindi ko pa iniisip ang mga gano'ng bagay. Kasi, right now, I'm very thankful dahil pinagkakatiwalaan ako ng management sa mga shows na meron ako ngayon, kaya I'm just really thankful sa lahat ng blessings. Hindi ko iniisip masyado yung gano'n para hindi ako ma-pressure."

Ayon kay Toni, hindi lang naman siya ang blessed sa ABS-CBN, kundi marami pang kapwa niya Kapamilya.

Nasabi tuloy ng kanyang Entertainment Live co-host na si Mariel Rodriguez na kung merong isang humble na tao sa industriya, ito ay si Toni, na hindi ipinagmamayabang ang kanyang mga endorsements, investments, atbp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Mariel talaga," tumawa lang si Toni sa papuri ni Mariel. "Kasi, dito sa showbiz... it pays to be humble...

"Siyempre, masarap yung feeling na nakakatulong ka sa family mo... Maraming bagay na pangarap mo ay nakukuha mo. It inspires you to do better and to keep on learning and exploring to try new things."

TALKS WITH KRIS. Siya na nga ba ang papalit kay Kris sa mga shows na iiwanan nito?

"Ayoko pa sanang magsalita," sabi ni Toni. "May meeting... may meeting kami. Ang hirap kasi, si Ate Kris kasi, we talk. Nag-uusap kami ni Ate Kris. Even before she made this decision, kinausap na niya ako, si Mariel at si Bianca [Gonzalez]. Tatlo naman kami.

"Tinext ako ni Ate Kris. She told me something like personal, so I don't wanna really share it right now. Basta, one thing I'll say, that I will never get tired of saying this, I will always admire her for what she did to her family. Na kaya niyang i-give up ang isang bagay na mahal na mahal niya at gustong-gusto niyang gawin. Alang-alang sa pamilya niya.

"So, yun na lang muna siguro. I will have a meeting this week. And we'll see it from there."

Since nabanggit niyang nakakausap niya si Kris, gaano ba talaga sila ka-close?

"Hindi ko masabing close na Tito Boy [Abunda] closeness na meron sila. Close in a way na thankful ako na, in a way, kinu-consider niyang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Hindi lang siguro sa trabaho, but I guess with her life. The mere fact na kinunsider niya ako na gusto niya akong maging friend...

"Kasi, hindi ko naman akalaing aabot kami sa ganoong level, kasi, ever since I entered ABS-CBN, ang tingin ko talaga kay Ate Kris, reyna talaga siya ng mga talk shows. Isa siya sa mga institusyon sa ABS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It all started two years ago nung kinuha niya ang number ko. I can still remember. That's when it all started, kung anuman ang meron man kami ngayon."

BEST SHOWBIZ ADVICE. Kung sakaling siya nga ang papalit kay Kris, nagbigay na ba ito sa kanya ng payo sa pagho-host?

"Marami siyang sinabi sa akin. Hindi ko makakalimutan na sinabi niya sa akin na mahalin ko yung staff ng show... Na hindi lang ang trabaho ko ang mahalin ko, kundi yung mga katrabaho ko. Hindi lang on cam, kundi off cam. Yung staff, yung audience, fans...

"Yun yung isang bagay na nakita ko sa kanyang importanteng-importante sa industriya."

Maraming nagsasabing mas mababagay siya sa The Buzz kaysa sa SNN.

"It's a big responsibility...," umpisa ni Toni. "Walang puwedeng pumalit kay Ate Kris sa The Buzz... Kung sino man ang pupuwesto at lulugar sa The Buzz, siguro, she has to be herself lang... pero hindi niya kayang palitan si Ate Kris!"

Kung lilipat nga siya ng show, paano na ang Entertainment Live?

"E-Live will go on. Maraming changes na mangyayari in the coming days. So, abangan n'yo 'yan!" pagtatapos ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN