Cogie Domingo insists he never became dependent on drugs

"Hindi naman po ako dumaan sa ganong time na nagda-drugs. Siyempre, may na-try rin ako. Pero alam mo yun, hindi naman ako naging dependent or anything. Siguro yung mga bad habit ko dati, yung mga ugali ko dati, palaging late!" says Cogie Domingo.


Sa pagbabalik-showbiz ng young actor na si Cogie Domingo ay kaakibat nito agad ang mga kontrobersiya tungkol sa kanya.

May apat na taon ding nawala sa sirkulasyon si Cogie. Pero ano nga ba ang pinagkaabalahan niya noong mga panahong wala siya sa limelight?

"Homeboy lang. More time sa family and friends. Simple lang. Tahimik lang ang buhay ko," sagot niya sa panayam sa kanya ng Startalk.

Pero sa kabila ng sinabing tahimik na buhay ni Cogie habang wala siya sa limelight, matatandaang nasangkot ang pangalan niya bandang September 2009 sa diumano'y pakikipagmabutihan niya sa kinakasama noon ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na si Che Tiongson.

Pero mabilis namang sinagot ang isyu na ito ng ama ni Cogie na si Atty. Rod Domingo. Ayon dito, walang katotohanan ang mga paratang sa kanyang anak kasabay ng pagsasabi nitong malaki ang respeto ni Cogie kay Gov. Singson.

Pero kumusta na nga ba si Cogie after all the issues?

"Okey na po talaga lahat ngayon. Ayos na po ngayon at ayoko na pong pag-usapan. Ayoko na pong balikan," sagot ng nagbabalik na aktor.

FAMILY BUSINESS. Ayon kay Cogie, ang pag-aasikaso ng family business nila ang isa sa dahilan ng pagkawala niya sa showbiz. Pero gaano katotoo na tila naubos ang kanilang kayamanan dahil sa mga taong nanloko sa kanila?

Kung matatandaan, nakipagsosyo ang mommy ni Cogie kay Direk Gil Portes para sa pag-produce ng pelikulang Mourning Girls noong 2005. Sa tatlong milyon daw na ibinigay ng ina ni Cogie, wala raw bumalik dito na kahit ano. Even after maipalabas na ang movie after a year, wala pa rin daw ibinabalik na pera sa kanila ang direktor.

Ayon pa rin sa report ng Startalk, nabalitaan daw ng ama ni Cogie na naibenta ng director ang movie sa international market, pero wala pa rin daw itong naiabot na parte sa ina ni Cogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Cogie rito?

"Hindi ko naman sinasabi totally na naghihirap or ano. Nandun pa rin ang isinampang kaso kay Direk Gil Portes. Yung One Shopping Plaza, wala na rin po ngayon. Ang mommy ko po, siya po ang naloko. Hindi ako. Ako lang po ang nagtrabaho. Kasama rin po ako dun sa naloko," saad niya.

DRUG ISSUE. May balita rin na nalulong daw sa drugs si Cogie kung kaya't napabayaan nito ang showbiz career.

"Hindi naman po ako dumaan sa ganong time na nagda-drugs. Siyempre, may na-try rin ako. Pero alam mo yun, hindi naman ako naging dependent or anything. Siguro yung mga bad habit ko dati, yung mga ugali ko dati, palaging late!" natatawa niyang sabi.

Sa pagbabalik ni Cogie sa showbiz, isang indie film ang una niyang gagawin, ang Muli. Isang closet gay lawyer ang gagampanan ni Cogie rito and his role will require a kissing scene with his co-star, Sid Lucero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN