Gelli de Belen reveals birthday gift of husband Ariel Rivera: "Libro! 101 Ways to Spoil Your Husband!"

101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg"> 101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg"> 101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg">

101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg"> 101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg"> 101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg"> 101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg">

"Hindi talaga siya gift. Alam n'yo, kahit naman ibinigay niya sa akin, wala naman sa akin yun. Basta may sasakyan ako na papuntang trabaho, kasya ang gamit, okey na ako!" says Gelli de Belen about the Nissan Patrol that her husband Ariel Rivera gave two weeks before her birthday.


Last May 25 ay nag-celebrate ng kanyang 37th birthday si Gelli de Belen.

Inintriga si Gelli ng PEP (Philippine Entertainment Press) at iba pang entertainment press na bumista sa taping ng Panday Kids last Thursday, May 27—'yon bang bagong white Nissan Patrol na gamit niya ang naging birthday gift sa kanya ng asawang si Ariel Rivera?

"Hindi naman. Hindi talaga siya gift. Alam n'yo, kahit naman ibinigay niya sa akin, wala naman sa akin yun. Basta may sasakyan ako na papuntang trabaho, kasya ang gamit, okey na ako!" natatawang sabi ni Gelli.

Two weeks before her birthday pa raw nang ibigay ni Ariel ang sasakyan sa kanya. Pero natatawa itong nagkuwento sa talagang birthday gift ng asawa sa kanya sa mismong birthday niya.

"Hay, naku, binigyan niya ako ng regalo! Yun pala, noong isang araw, nagtatawag siya kay Janice [de Belen] at saka kay Carmina [Villarroel] at saka sa nanay ko kung ano raw ang gift na ibibigay niya sa akin. Hindi rin nila alam. Kasi kahit ako noong tinatanong nila ako, sabi ko, hindi ko rin alam. Wala akong gusto. At saka bilang hapong-hapo nga ako dahil dito sa Panday Kids na patapos na, at ang dami-dami naming taping at kagagaling ko lang ng Singapore for Zooperstars. So, hilong-hilo talaga ako kaya kapag tinatanong nila ako, 'Anong gusto mong gift?' hindi ko talaga alam, wala akong maisip. So, si Ariel, nagkusang-loob. Lumabas siya kasama ang mga bata [Joaqui and Julio]. Binilhan nila ako ng gift.

"So, ano raw ang gift? Nilabas. Iniabot. Libro! 101 Ways to Spoil Your Husband! Tapos tawa sila nang tawang tatlo, silang mag-aama! Sabi ko, 'Para sa akin ba talaga 'to?' Wala raw silang mahanap na gift. Hirap na hirap daw siyang maghanap, so yun ang binili nila. Kalurkey!" natatawang kuwento ni Gelli.

Biro naman namin kay Gelli, ibig sabihin, hindi niya kasi ini-spoil si Ariel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa ba? Kulang pa pala!" natatawa pa rin niyang sagot. "Di bale, sa birthday niya, maghanda siya sa gift ko, 101 Ways to Spoil Your Wife! Hahanapin ko talaga 'yan!"

Twelve years na raw silang kasal ni Ariel. Pero kung isasama sa bilang ang limang taon na magkasintahan pa lamang sila, nasa 17 years of togetherness na raw sila.

"Akalain mo yun? Sabi ko nga, 'Honey, almost half of my life,'" nakangiting sabi ni Gelli.

LAST WEEK OF PANDAY KIDS. Final week na ng Panday Kids ngayon. Sa taping nga nito ay naabutan namin si Gelli na naka-costume pa. Bilang nanay ni Buboy Villar ang role na ginagampanan ni Gelli sa naturang fantaserye ng GMA-7.

How does she feel na final taping na niya noong makausap siya ng PEP?

"Natutuwa dahil hindi na ako masyadong mapupuyat, pero nalulungkot dahil, siyempre, parang nasanay na ako na magkakasama kami. Nagkakapuyatan na. Sa tagal-tagal na kung anu't ano na ang nalaman namin sa isa't isa. Pero wala, e...it happens, that's what it is," sabi niya.

Na-enjoy naman daw niya ang ginawang fantaserye kahit matagal bago siya nagbalik sa pag-arte nang full-time.

Gusto ba niyang fantaserye pa rin ang next project niya?

"Puwede rin," mabilis niyang sagot. "January kami nag-start mag-taping, pero ang bilis din pala, 'no? Heto, June na. Akalain mo yun?"

May follow-up project na ba siya sa Kapuso network?

"Wala pa. Hayaan mo muna sila. Okey lang ako!" natatawa niyang sabi.

Pero kung si Gelli raw ang tatanungin, type niyang mag-host muli. In fact, open siya kahit isang showbiz talk show.

"Kasi, hindi ko naman kailangan na... Di ba, may mga paraan para mag-interview? May mga paraan para malaman ang mga katotohanan. Pero, bahala na. Hindi ko rin masabi sa inyo. Pero wala namang offer na showbiz talk show."

INDIE FILMS. In terms of movies, halos hindi na matandaan ni Gelli kung anong huling pelikula ang nagawa niya. Kung ito ba yung Walang Katumbas ang Dugo with Richard Gomez and Mark Anthony Fernandez o yung Ikaw Pala ang Mahal Ko with Ariel, lalo pa't parehong 1997 pa nang ipalabas ang dalawang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero gusto pa rin daw niyang gumawa ng movie basta maganda ang material. Open din siya sa independent films. In fact, bago mamatay ang dating manager niya na si Douglas Quijano, may nakaplano na raw sanang indie film sa kanya, hindi lang ito natuloy.

"Hindi ko lang alam kung nagawa nila. Hindi ko alam kung natuloy or hindi. Dapat two years ago pa yun. I was supposed to be a midwife in the story.

Dagdag niya, "Actually, open naman ako. But if ever I'll make one, gusto ko sana yung maganda talaga. It doesn't matter kung indie or mainstream. It doesn't matter basta maganda yung role."

SEXY MOMMY. Thirty-seven years old na ang TV host-actress, pero tila sanay na siya sa mga naririnig na comments na mukha siyang mas bata kesa sa kanyang tunay na edad. Maaaring dahil napanatili niya ang pagiging slim ng kanyang katawan.

Kahit seksing-seksi pa rin si Gelli hanggang ngayon, never siyang tumanggap ng role na kailangan niyang mag-two-piece or magpa-sexy. Pero nauuso ngayon ang pagpo-pose ng mga aktres na ina sa men's magazines. Na-offer na ba siya to pose for a men's magazine?

"Ay, hindi, ayokong makita ng mga anak ko yun," mabilis niyang sagot.

Hindi siya proud na kahit mommy na siya of two boys ay sexy pa rin siya?

"Proud ako, pero hayaan mo na lang na maging proud ako. Kasi, di ba? Ayoko. Ayokong makita ng mga anak ko. Tutuksuhin sila sa eskuwela. Hindi pa sila ready sa gano'n," paliwanag ni Gelli.

Hindi dahil ayaw ni Ariel?

"I'm sure hindi niya type," sagot niya. "Pero more than him, yung mga anak ko. Mga lalake pa naman. Ayokong matukso sila sa school. Hindi nila kailangang pagdaanan yun. Masyado pa silang bata.

"Siguro kapag 30 years old na sila, baka, ewan ko lang!" biro ni Gelli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg"> 101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg"> 101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg">


101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg"> 101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg"> 101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg"> 101 Ways to Spoil Your Husband!"" data-url="https://www.pep.ph/news/25743/gelli-de-belen-reveals-birthday-gift-of-husband-ariel-rivera-libro-101-ways-to-spoil-your-husband" data-desc="But Ariel already gave Gelli a Nissan Patrol two weeks before her birthday." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/9f4acc6f8.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN