Vice Ganda recalls talking to a political endorser who is not a registered voter

May 7, 2016
<p>Vice Ganda recalls talking to a political endorser who is not a registered voter. He said on his Twitter account, "May kilala ko nagendorse pa. Napanood ko sa tv. Nung tinanong ko kung rehistrado sya. Ang sagot "Hindi!" sabay tawa. Haaayyy nakakasad."<

Nagbigay rin ng paalala ang comedian-TV host na si Vice Ganda tungkol sa magaganap na presidential elections sa Lunes, May 9.

Sa kanyang tweets ngayon hapon, May 7, ay mas nag-focus siya sa pagpapaalala sa mga taong mahilig magbigay ng opinyon sa social media.

Sinabi niyang sana raw ay talagang makaboto ang mga ito at hindi puro daldal lamang.

Sa isang tweet naman niya, ibinahagi ni Vice na may kakilala siyang nag-eendorso ng isang pulitiko subalit hindi naman registered voter.

Sa huli ay sinabi ni Vice na mahalaga ang magiging boto ng bawat isa sa Lunes.

Isa si Vice sa mga nagpapahayag ng opinyon sa social media tungkol sa kanyang pananaw sa eleksyon.

Isang pruweba na rito ay nang kanyang sabihing hindi siya na-impress sa mga naging sagot ng mga presidential candidates noong huling #PiliPinasDebates2016 na naganap noong April 24.

Read: Vice Ganda unimpressed by answers at presidential debate

Sa ngayon ay wala pang nababanggit ang It’s Showtime host tungkol sa kanyang mga sinusuportahan at ibobotong kandidato sa darating na eleksyon.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Vice Ganda
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Vice Ganda recalls talking to a political endorser who is not a registered voter. He said on his Twitter account, "May kilala ko nagendorse pa. Napanood ko sa tv. Nung tinanong ko kung rehistrado sya. Ang sagot "Hindi!" sabay tawa. Haaayyy nakakasad."<
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results