Jopay Paguia says quitting SexBomb has nothing to do with her lovelife

by Rommel R. Llanes
Jun 8, 2010
"Labas yun sa desisyon ko na hindi na mag-renew ng contract. Kumbaga, ang tagal na nung lovelife na 'yan, so hindi puwedeng gawing rason, di ba? At hindi ko naman yun ginawang rason para sa work ko," says Jopay Paguia about quitting SexBomb.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating SexBomb member na si Jopay Paguia sa dressing room ng TV5 bago siya sumalang as guest sa showbiz talk show na Paparazzi last Saturday, June 5. "Dati" dahil umalis na nga si Jopay sa nabanggit na grupo na mina-manage ni Joy Cancio ng Focus E Inc.

Bakit nga ba nagdesisyon si Jopay na umalis sa SexBomb?

"Tapos na po yung contract ko," simpleng sagot niya.

Nagsimula raw ang huling kontrata ni Jopay kay Joy Cancio noong January 2009 at natapos January this year. Yearly ang pagre-renew ni Jopay sa Focus E; sampung taon na siyang naging member ng SexBomb.

Ang isa pang rason ng pag-alis ni Jopay sa SexBomb ay dahil mas gusto nitong asikasuhin ang kanyang mga negosyo.

"Yes po, pet shop sa Quezon City...sa may Galas, Balic-Balic. Tapos, meron ding mga food carts kaya kailangan talagang mag- focus," sabi niya.

Continue reading below ↓

LEAVING JOY. Hindi naman daw nahirapan si Jopay na magpaalam kay Joy.

"Ano, e, madali namang kausap si Ate Joy. Madali naman siyang kausap, so naintindihan naman niya. At may magandang rason naman ako kung bakit, kung bakit kailangang hindi na mag-renew. Naintindihan niya ako."

Pinayagan agad siya?

"Yes...yes or no lang, ganun."

Walang pigilan?

"Wala, basta ang ano lang niya, pag kailangan lang ang tulong niya, nandiyan lang siya, ganyan-ganyan. Iyon lang."

Walang iyakan?

"E, naiiyak ako. Pero kumbaga, choice ko naman ito."

Ano ang mensahe ni Jopay kay Joy?

"Thank you sa lahat. Kumbaga, parang open pa rin naman siya na kung gusto ko namang bumalik, wala namang problema sa kanya. So, thank you kasi sobrang lawak niya, sobrang naiintindihan niya ako. Hindi lang ako kundi pati na yung ibang kagrupo ko na talagang gusto nang mag-solo, di ba? Sa sobrang dami namin kasi, parang mahihirapan talaga si Ate Joy na i-focus yung sarili niya sa mga talents niya na gustong mag-solo o kung anong gustong gawin sa buhay.

"Sobrang saludo ako sa lahat ng mga ginawa niyang paghihirap para sa SexBomb, kasi isa ako sa mga pioneers sa grupo. Sobrang alam ko yung mga pinagdaanan ni Ate Joy. Kahit kung anumang mga paninira sa kanya dati, alam naman din namin... Kaya niya yun, lalo ngayon may grupo na naman siya. Kaya niya yun. Thank you, thank you sa lahat," pahayag ni Jopay.

Kahit konti, wala silang samaan ng loob?

"Wala, wala, zero, wala talaga."

Magkaibigan pa rin sila?

"Oo, okay pa rin kami."

After ni Jopay ay sunud-sunod na ring nagsialis ang ilan pang members ng SexBomb tulad nina Evette Pabalan, Danielle Ramirez, Cynthia Yapchingco, Jackie Rivas at Shane Gonzales.

"Kasi ang alam ko, nag-end na rin ang contract nila," banggit ni Jopay. "So, gusto nilang mag-grow up, mag-solo bilang artists. Na, as in talaga, na mag-iba naman, na maiba sa pagsasayaw. Gusto nilang ma-achieve yung parang bilang aktres. So, sa tingin ko, okay naman 'yon. Kasi sabi ko, pag-isipan nilang mabuti. E, hindi na nga sila nag- renew, so napag-isipan nilang mabuti."

Continue reading below ↓

Hindi ba siya nagdalawang-isip na lisanin ang SexBomb?

"Ano kasi, e, matagal na. Kasi kumbaga, parang talagang nag-focus talaga ako sa business. Kasi ang hirap, e. Okay lang yung ganito, pa-guest-guest, kung meron konting mga ano, kunwari serye, okay lang din naman."

So this time, makikilala na siya bilang si Jopay Paguia na solo artist at hindi na bilang SexBomb member?

"Yes," nakangiti naman niyang pagsang-ayon.

NO WEDDING PLANS YET. Nilinaw ni Jopay na hindi ang lovelife niya ang rason sa pagtiwalag niya sa grupo. May balita kasing magpapakasal na sila diumano ng boyfriend niya of five years na si Joshua Zamora ng Maneouvres.

"A, hindi! Dahil sa pag-alis ko?" tanggi niya. "A, hindi, hindi ano yun, labas yun sa desisyon ko na hindi na mag-renew ng contract. Kumbaga, ang tagal na nung lovelife na 'yan, so hindi puwedeng gawing rason, di ba? At hindi ko naman yun ginawang rason para sa work ko."

Continue reading below ↓

Bakit laging napapabalitang ikakasal na sila?

"Palagi namang ganun."

Wala pa ba talaga silang plano na magpakasal?

"Wala pa, wala pang plano. Madami pa kaming kailangang gawin, tapusin, ganun."

Wala rin naman daw problema kay Jopay kahit may pinakasalan na si Joshua dati.

"Annulled na po siya, last year...alam ko last year pa," sabi niya.

So, wala nang sagabal?

"Wala na at ano naman, e, naging smooth naman yung proseso ng annulment. So, wala namang problema."

Hindi ba siya naiinip na hindi pa sila nagpapakasal?

"Naku, hindi naman ako naiinip diyan, hindi ako naiinip. Kumbaga, parang okay lang kung hindi muna...hindi muna talaga. So, kailangan munang i-prioritize ang mga dapat unahin."

This year or kahit next year ay wala pa rin daw silang plano. So, mahaba ang pagpaplano?

"Mahaba, oo, wala pa. Kung iisipin mong bigla, e, di okay, di ba? Pero sa ngayon, wala pa. Hindi pa umaano sa amin ang mga planning-planning na 'yan."

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Labas yun sa desisyon ko na hindi na mag-renew ng contract. Kumbaga, ang tagal na nung lovelife na 'yan, so hindi puwedeng gawing rason, di ba? At hindi ko naman yun ginawang rason para sa work ko," says Jopay Paguia about quitting SexBomb.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results