Daiana Menezes is reportedly being eyed for a Bollywood movie

Jun 15, 2010
Brazilian TV personality Daiana Menezes is reportedly being eyed by an Indian producer to star in a Bollywood movie to be shot in India and other parts of the world. In case her management accepts the offer, Daiana has to stay in India for one year and this will definitely affect her showbiz career here in the Philippines.

Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, June 15, over the phone ang manager ni Daiana Menezes na si Diane Zoleta ng Star Models Agency.

Ayon kay Diane, may offer ang isang Indian producer ng Bollywood para maging lead star ang Brazilian TV personality sa isang pelikulang gagawin sa India na mala-Lord of the Rings at Narnia ang tema.

Malaki raw ang offer kay Daina at talagang ipinahanap pa raw ito ng Indian producer sa isang casting director at kinontak pa ang mother agency ni Daiana sa Brazil. Nakita raw kasi ng producer sa YouTube ang video clips ni Daiana sa Eat Bulaga! at ang isang shampoo commercial na ginawa nito.

Isang e-mail daw ang ipinadala ng casting director. Ayon sa manager ni Daiana, masyadong detalyado ang sulat na naglalaman ng offer kay Daiana at mga kundisyon at requirements sa paggawa ng naturang pelikula.

Under negotiation pa ito hanggang ngayon dahil hindi pa makapag- decide ang manager ni Daiana kung tatangapin ang offer dahil may kaakibat itong isang malaking career move para sa Brazilian star. Ito ay ang mag-relocate o manirahan si Daiana sa India sa loob ng isang buong taon.

Continue reading below ↓

Bago kasi ang actual shooting ng movie, if ever gagawin nga ito ni Daiana, may mga workshops at training pa muna na ipapagawa sa kanya. Then after the shoot, kailangan namang mamalagi ni Daiana sa India para sa promotion ng pelikula.

At ang hindi lamang sa India ang location ng pelikula; may mga eksenang kukunan din daw sa U.S, Tokyo, Japan, at Bangkok, Thailand.

Kaya ang balak ni Diane, kapag nakipag-usap na raw siya sa Indian producer, hihiling siya ng compromise na kung maaari ay three weeks a month lang si Daiana sa India at ang natitirang pang isang linggo ay igugugol ni Daiana sa kanyang showbiz career dito sa Pilipinas.

Aminado ang manager ni Daiana na malaki at very tempting ang offer. Nagdadalawang-isip nga lang siya dahil sa malaking adjustment na mangyayari sa kanyang alaga.

"Malaki ang offer na talent fee kay Daiana, as in malaki talaga. Pero ang iniisip namin, yung long-term adjustment, yung long term na plano for her career. Paano pag hindi siya nag-click doon after the movie, e, di another na pagsisimula na naman?

Continue reading below ↓

"At saka mahal na mahal na ni Daiana ang career niya dito sa Pilipinas, kaya hindi niya matatalikuran nang ganun-ganun na lang, na isang taon siyang mawawala? Kaya gusto naming magkaroon ng compromise na hindi magsa-suffer ang career dito ni Daiana sa Pilipinas. And definitely, hindi iiwan ni Daiana ang Eat Bulaga!, mahal na mahal niya ang show at ang mga kasama niya doon," sabi ni Diane.

Regular co-host si Daiana sa Eat Bulaga! ng GMA-7 at may sitcom din siya sa TV5, Ang Darling Kong Aswang with Vic Sotto. Bukod pa rito ang iba pa niyang work commitments sa Pilipinas.

Read Next
Read More Stories About
Daiana Menezes, Eat Bulaga!
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brazilian TV personality Daiana Menezes is reportedly being eyed by an Indian producer to star in a Bollywood movie to be shot in India and other parts of the world. In case her management accepts the offer, Daiana has to stay in India for one year and this will definitely affect her showbiz career here in the Philippines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results