Gabby Concepcion on seeing Lolit Solis again: "Time has its way of curing and healing."

It's been 16 years since the 1994 Manila filmfest scam, but Lolit showed Gabby that everything's now all right between them by cadging a thousand bucks from the actor. It made Gabby happily feel like he never left.


Ikinatuwa ni Gabby Concepcion ang pagdalo ng dati niyang manager na si Lolit Solis sa presscon para sa kanyang upcoming two-night concert on July 2-3 sa Music Musem na Gabby'ng K Ganda with special guests K Brosas and Vice Ganda. Ang concert ay produced by Front Media Entertainment.

"Nagulat nga ako nandito siya, e. Noong bagong dating ako noon, nagkita na kami. Natutuwa nga ako nandito siya, all-out support sa akin," sabi ni Gabby nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ginanap noong June 19, sa Congo Grille restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Nagbatian, nagbesohan at nagyakapan sina Gabby at Lolit, patunay na kinalimutan na nila ang mga pangit na nangyari sa kanila in the past. Matatandaang hindi maayos ang propesyonal na paghihiwalay nila bilang talent at manager matapos ang 1994 Manila Film Festival scandal kung saan napalitan ang pangalan ng winners for Best Actor at Best Actress. Nadawit sina Gabby at Lolit sa scam, pero inako ni Lolit ang pagiging mastermind nito.

CHANCE ENCOUNTER. Nagsimula ang reconciliation nina Gabby at Lolit sa isang chance encounter sa Las Vegas kung saan naharbatan pa ni Lolit si Gabby ng $100 matapos ang kanilang pagbabati. Noong 2006 pa ito, nang matalo ni Manny Pacquiao ang Mexican boxer na si Erik Morales at nagkita sa victory party ang talent manager at ang kanyang dating alaga.

Ano ang feeling na wala nang tensyon sa pagitan nila ni Manay Lolit?

"Maganda naman yung samahan namin ni Nanay Lolit maski noong araw, e. Siyempre kailangan ko lang magpunta ng Amerika dahil maraming nangyari. Pero nandun yung seed, e. Genuine naman yung feelings namin para sa isa't isa, e. So, time has its way of curing and healing. This is the result of that."

LIKE A MOTHER. Ano ang memorable things kay Manay Lolit na hindi niya makalimutan hanggang ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Marami naman. Well, maalaga siya, ganun. Kung ano ang gagawin ng nanay, ganun siya."

Totoo bang si Lolit ang nag-udyok sa kanya na kumanta?

"Oo, si Nanay Lolit matagal na niya akong pinapakanta sa mga promo ng pelikula namin. Nag-aaway nga kami dati kasi ayokong kumanta, e. Hindi naman ako marunong kumanta. Sabi niya, 'Hindi, hindi, maganda boses mo.' Siyempre, komo't nanay, lahat ng nakikita niya sa iyo maganda."

Iimbitahin niya ba si Lolit sa concert?

"Oo, kung gusto niyang pumunta."

Siyempre, during the presscon ay hindi rin nakalimutang harbatan ni Manay Lolit si Gabby. At inabutan naman siya ng actor-singer ng P1,000 na pang-gasolina raw niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN