Dingdong Dantes says rating has never been an issue to him

by Rose Garcia
Jun 24, 2010
"Magmula noong mag-Marimar ako, never naging issue sa sarili ko ang rating. If one said, let it get into my system, medyo magiging conscious na ako diyan. Baka yung mismong main obligation ko, which is magampanan ang character ko, e, makalimutan ko dahil worried lang ako sa aesthetic ng rating. Hindi ko na naging ugali yun magmula noong 2007. So, I would like to stick to that kind of working attitude," says Dingdong Dantes.

Parehong Pinoy adaptation ng sikat na Koreanovelas ang magkasunod na project ni Dingdong Dantes sa GMA-7. Mula sa Stairway to Heaven with Rhian Ramos, ang Endless Love naman ang ginagawa ngayon ni Dingdong kung saan kapareha niyang muli ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera.

Kaya naman itinuturing ni Dingdong na isang malaking challenge ang pagganap niya bilang Johnny sa Pinoy version ng Endless Love. Una itong ginampanan ng Korean actor na si Song Seung Heun, na isa rin sa mga artista ng upcoming Koreanovela na East of Eden na ipalalabas sa Kapuso network.

"Mas challenging din siya sa akin dahil dikit na dikit, sobra," sambit ni Dingdong. "Pero siyempre, nababalanse siya dahil then again, bago ang aming director [Mac Alejandre]. Kumbaga, iba rin ang atake niya. Iba rin ang guidance niya kung paano lumabas ang show. Iba rin ang interpretation ko at interpretation ng batang Johnny [Kristoffer Martin] kasi it says a lot. Kung i-compare mo rin sa dati which we cannot avoid, kanya-kanyang interpretasyon 'yan and I will pick it up from there."

Continue reading below ↓

Nakusap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang piling press na naiwan kagabi, June 23, sa SM Megamall Cinema 1, kung saan ginawa ang special screening ng pilot episode ng Endless Love. Hindi na kasi dumiretso ang aktor sa isang restaurant sa Megamall din kung saan nagkaroon ng one-on-one interview ang ibang mga cast members sa press.

MUCH-AWAITED TELESERYE. Marami ang na-impress sa pagganap ni Dingdong bilang Cholo sa Stairway to Heaven. Sa palagay kaya niya ay garantisadong mas marami ang magkakagusto sa pagganap niya ngayon bilang Johnny sa Endless Love, lalo na't kasama na naman niya si Marian?

"Hindi siya guarantee," sabi ng 29-year-old actor. "Pero isa lang guarantee rito, yung dedication namin sa trabaho namin. Especially kami as individuals. It's because ayoko rin namang mag-bank sa ganoon na baka sabihin, dapat mas maganda ito dahil kami talaga off-cam. Hindi, e.

"Unang-una, mas naniniwala kami sa material. At sa amin as individuals, kapag sinabi mong ito ang kailangang gawin for the role, talagang sineseryoso namin siya. And I think, that's one thing na nagustuhan ko rin sa kanya [Marian] is because talagang sineseryoso niya ang mga bagay na ganito, and this is just one example."

Continue reading below ↓

Ang Endless Love na yata ang isa sa much-anticipated and much-awaited na teleserye ng Kapuso network this year. In fact, last year pa lamang ay nababalita at nasusulat na ang muling pagsasama nina Dingdong at Marian sa TV, after Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, sa isa sa mga highest-rating Korean soaps na ipinalabas sa Pilipinas.

May pressure ba silang napi-feel na heto't ipalalabas na ang Endless Love?

"Meron, e," pag-amin ni Dingdong. "Pero sa ngayon, gaya ng sabi ko, nauna ang mga bata. Malaking bagay na doon kami kumuha ng mga tips, e. Kasi sa totoo lang, kaunti pa lang din ang mga nakukunan sa amin na may dialogues. Kagabi, medyo meron, pero hindi nga lang naipalabas. Kasi lalabas din kami towards the end of week one pa."

Ano naman ang reaksiyon niya na marami na ang nag-aabang sa Endless Love, na ipalalabas na simula sa Lunes, June 28?

Continue reading below ↓

"Hindi... Kasi, parang palagi namang sinasabi yun, e. In every project, sinasabing 'this is the best so far, this is the most expensive.' And then, when something new comes again, they will say 'this is the most expensive, better from the previous one.' So, siyempre, it's part of evolution lang din that we produce better show as we go along. Pero siyempre, medyo lang ngayon dahil matagal siya nasabi, last year pa. Siguro, isa lang sa mga dahilan yun and the fact na nagiging exciting lang din because of the network war," saad ni Dingdong.

Ano ang masasabi niya pagkatapos niyang mapanood ang pilot episode ng Endless Love?

"It sets the mood, the tone, and the plot very well sa umpisa pa lang," ani Dingdong. "Kumbaga, noong napanood mo, alam na alam mo na talaga kung ano ang mangyayari sa istorya. Malinaw na kung ano ang magiging direksiyon. Alam mo ang magiging intensiyon ng mga artista. So, madali siyang sundan at swak na swak sa panlasa ng Filipino na mahilig sa soap opera."

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Dingdong, sinabi naman sa kanila na magiging faithful ang Pinoy version sa Korean version.

Apektado rin ba siya sa magiging rating ng bagong programa nila ni Marian?

"Magmula noong mag-Marimar ako, never naging issue sa sarili ko ang rating," sagot niya. "If one said, let it get into my system, medyo magiging conscious na ako diyan. Baka yung mismong main obligation ko, which is magampanan ang character ko, e, makalimutan ko dahil worried lang ako sa aesthetic ng rating. Hindi ko na naging ugali yun magmula noong 2007. So, I would like to stick to that kind of working attitude."

LAST TELESERYE TOGETHER? Ang Endless Love ang unang TV project nina Dingdong at Marian na very open na sila sa kanilang relasyon. Sa tingin ba ni Dingdong ay may advantage ang pagiging open nila sa pagganap nila ng kanilang roles ngayon?

"Ako, naniniwala ako na nasa material pa rin yun. Kumbaga, kahit gaano pa kami ka-okay off screen kung hindi naman kami nakaka-deliver on screen, e, ibang usapan na 'yan. Parang double-edge sword. Puwedeng maging sobrang advantage sa 'yo, puwedeng maging sobrang disadvantage sa 'yo. Dapat, it should work to our advantage. And so far, ganoon siya and I'd like to keep it that way."

Continue reading below ↓

Although it is too early to say dahil magsisimula pa lang ang Endless Love, may mga balita na kasing lumalabas na ito na talaga ang huling seryeng pagsasamahan nina Dingdong at Marian. Kung masusundan man na sila pa rin ang magkapareha, baka matatagalan na naman uli.

Ano ang masasabi niya sa bagay na 'yun?

"It's possible. It's possible," sagot ni Dingdong. "Pero ako, I always like to treat my project as if it's my last. If ever, ang bilis din naman ng evolution sa lahat ng bagay, kahit sa atin sa entertainment industry. For all you know, iba na naman ang uso and we'll be seeing each other again in a different type of show. I mean, we don't know. Yung importante, i-maximize na lang namin ang huli...gaya nga ng sabi nila. But of course, with the hope also that this won't be the last."

Sa nakaraang 60th anniversary celebration ng GMA-7 sa Araneta Coliseum noong June 18 ay very evident ang pagka-miss sa kanila ng mga tao dahil ang dance number nila ang isa sa most applauded. (CLICK HERE to view photos.)

Continue reading below ↓

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Hindi ko naman kasi nakita rin ang performance ng iba bukod sa opening," pauna ni Dingdong. "Kung performance ang pagbabasehan, e, siguro, I guess, sa amin, it's kind of exciting because it entailed yung mga stunts na medyo delikado.

"So, baka kung audience ka rin, magugulat ka rin, di ba? I can only speak on our behalf. Hindi ko naman nakita ang iba. Mapapanood ko pa lang ang buong show sa Linggo [June 27]."

DENNIS TRILLO. Tinanong din ng PEP si Dingdong kung ano ang reaction niya na si Dennis Trillo, as Andrew, ang magiging ka-love triangle nila ni Marian dito sa Endless Love.

"Maganda yun, kasi sina Dennis at Marian, may rapport na silang dalawa at talagang nagkasama na sila sa maraming pelikula, more than two TV shows. So, kumbaga sa tiwala na lang, sabihin na natin, I don't think there could be anyone else that suits the role to be Marian's partner, but Dennis," saad ni Dingdong

Continue reading below ↓

Puwedeng sabihin na kay Dennis niya puwedeng ipagkatiwala si Marian?

"Parang ganoon," nakangiti niyang sagot

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Magmula noong mag-Marimar ako, never naging issue sa sarili ko ang rating. If one said, let it get into my system, medyo magiging conscious na ako diyan. Baka yung mismong main obligation ko, which is magampanan ang character ko, e, makalimutan ko dahil worried lang ako sa aesthetic ng rating. Hindi ko na naging ugali yun magmula noong 2007. So, I would like to stick to that kind of working attitude," says Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results