Dennis Trillo does not mind playing second lead to Dingdong and Marian in Endless Love

"Marami ring na-in love sa character niya. Kumbaga, nahati yung mga tao, meron para kay Johnny at meron para kay Andrew. Kaya mabigat ito para sa akin dahil kailangan kong ma-maintain yung effect na yun dito sa Pinoy version ng Endless Love. Yun ang mabigat na part para sa akin para mas galingan ko and mas mahalin din nila yung Andrew na ipapakita ko," says Dennis Trillo about his role in Endless Love.


Walang problema kay Dennis Trillo kung second lead man ang role niya bilang Andrew sa Kapuso remake ng hit Koreanovela na Endless Love, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Mapapanood na ito simula sa Lunes, June 28, sa GMA Telebabad.

Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Dennis over dinner sa Barrio Fiesta restaurant pagkatapos ng red carpet premiere at press launch ng Endless Love sa SM Megamall Cinema 1 last June 23. Ang tungkol sa pagiging second lead nga ang kaagad naming inusisa sa kanya.

"Okay lang, walang problema doon," sambit ng aktor. "Kasi yung role ni Andrew, sobrang importante yun sa pagmamahalan nina Jenny [Marian] at Johnny [Dingdong]. Kung walang Andrew, walang Endless Love. At sabi ko nga sa mga sumubaybay talaga nung original na Koreanovela, talagang marami ring nagmahal sa character ni Andrew, e. Kahit ako nung mapanood ko yun, wala akong pag-aalinlangan na tanggapin ito kahit second lead man yung role ko. Ang importante, yung laman ng role at kung gaano siya kaimportante dun sa buong istorya."

Gaano kabigat yung role niya rito?

"Mabigat na mabigat," sagot ni Dennis. "Kasi ayon sa mga reviews, yung Endless Love kasi napanood ko siya, yung mga kaibigan kong nakapanood, yung iba mas nagustuhan pa yung role ni Andrew. Marami ring na-in love sa character niya. Kumbaga, nahati yung mga tao, meron para kay Johnny at meron para kay Andrew. Kaya mabigat ito para sa akin dahil kailangan kong ma-maintain yung effect na yun dito sa Pinoy version ng Endless Love. Yun ang mabigat na part para sa akin para mas galingan ko and mas mahalin din nila yung Andrew na ipapakita ko."


WORKING WITH MARIAN & DINGDONG. Hindi na rin inaalala ni Dennis kung may mga fans man ng love team nina Marian at Dingdong na magre-react na magiging third party siya dahil sa pananaw nga ng ilan siya ang "pinaka-safe" na aktor para sa love triangle na ito. Lalo pa nga't iisa lang ang manager nila ni Marian na si Popoy Caritativo at okay naman sila sa isa't isa ni Dingdong. Kaya walang selosang puwedeng pagmulan ng di-pagkakaunawaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa tingin ko, magiging madali na para sa aming tatlo na magtrabaho na magkakasama. We are all professional actors and I believe na isa lang ang goal namin at iyon ay mapaganda ang Endless Love. Siguro ang hirap na mararanasan namin ay kung paano namin magagampanan nang maayos ang mga roles na ibinigay sa amin," saad niya.

May kissing scene ba sila ni Marian?

"Noong una naming pagtatagpo, in-attempt ko siyang halikan kaya akala niya sa umpisa masama akong tao. But in the end, pinagsisihan ko naman yun kaya nagbago rin ang tingin niya sa akin. Wala pa kaming nakukunang kissing scene, pero sa itatakbo ng story, hindi puwedeng wala, e," paliwanag niya.

Wala namang problema kina Marian at Dennis ang mga intimate scenes dahil magkaibigan nga sila kaya walang malisya ito sa kanila.

"At saka nagawa na rin namin dati yung mga ganung eksena sa Darna dati," sabi niya. "Sa movies na ginawa namin, meron din. So, siguro dito hindi rin naman magiging problema yun. Sigurado namang maiintindihan din ni Dingdong yung mga eksenang gagawin namin. Siyempre gusto rin naman namin na mapaganda ang mga eksena namin. Kaya pag kinakailangan na magkaroon ng ganung eksena at sa tingin namin yun ang dapat gawin hindi rin maganda na marami kaming limitations. Dahil hindi namin magagawa kung ano yung gusto naming gawin."

JENNYLYN MERCADO. Natawa naman si Dennis nang biruin siya ng mga press na tila hindi raw yata siya makahiwalay sa pangalang Jenny. Sa Endless Love daw kasi ay Jenny ang pangalan ng karakter ni Marian, habang sa totoong buhay naman ay malapit ang puso niya sa babaeng nagngangalang Jennylyn.

Sa tingin niya ba si Jennylyn na ang kanyang endless love?

"Well, ilang buwan pa lang naman kaming magkakilala. Ngayon nagkakakilanlan pa rin kami, e. Eto yung stage na getting-to-know pa rin ito para sa amin. Siguro masyadong maaga para masabi ko na siya na talaga. Pero masaya ako sa nangyayari sa pagsasamahan namin," sabi ni Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wife material ba si Jennylyn?

"Oo naman," sagot ng aktor. "Kasi sa nakikita ko, sobrang maalaga siya. Magaling siyang mag-alaga sa anak niya. Magaling siyang makisama sa mga kaibigan ko, sa pamilya ko. Marunong din siya at sanay siya sa trabaho, maabilidad siya, kaya oo naman."

E, siya ba'y masasabi niyang husband-material siya?

"Oo naman. Pag ang kasama mo ganun, wife-material, pipilitin mong maging ganun din dahil hindi puwedeng mas lumamang siya. Kailangan pantay lahat ng output n'yo, ng ginagawa n'yo para mas maging smooth ang pagsasamahan, di ba?"

Matapos ang deklarasyon niyang ito, posible kayang sumunod na ring pag-usapan ang kasalan?

"Naku, matagal pa po 'yan. Matagal pa," smabit ni Dennis. "Ngayon masyado pang maaga para masabi ko yun."

Isang factor ba kaya sila nag-click ni Jennylyn dahil pareho na silang may anak?

"Isang factor yun, oo. Yung pagkakaroon namin ng anak, naging paraan yun para mas maging mature kami pareho sa pag-iisip, sa pagmamahal. And yung mga pinagdaanan din namin sa buhay hindi rin biro, e. Iyon talagang nakatulong yun para mas maging buo yung pagsasamahan namin."


JEN IS OKAY WITH CARLENE. Sa isang interview kay Carlene Aguilar, nanay ng anak ni Dennis na si Calix, sinabi ng beauty queen turned actress na para magkasundo sila ni Dennis kailangan aprubado sa kanya ang magiging girlfriend ng aktor. Totoo ba ito?

"Malaking bagay yun na okay sa kanya. Kasi nanay siya ng anak ko. And kapag ayaw niya yung karelasyon ko, e, di magkakaproblema kami doon. And ayoko ring magkaproblema kami dahil ayokong magkaproblema rin kami ng anak ko," saad ni Dennis.

Ito raw siguro ang dahilan kaya hindi naging maayos ang relasyon niya noon kay Cristine Reyes dahil una pa man ay ayaw na rito ni Carlene. Unlike kay Jennylyn ngayon na wala namang iku-complain si Carlene kaya smooth lang ang relationship nina Dennis at Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagpapasalamat din ako na kahit papaano okay sa kanya si Jen and wala kaming namumuong problema magmula noong magkasama kami."

Wala rin daw problema kay Carlene pati ang pakikipaglaro ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz kay Calix.

"Okay nga. Silang dalawa, okay sila. Parang nagpaplano nga silang lumabas minsan na magkakasama kami. Kasi minsan pag pumupunta ako kina Jen, dinadala ko si Calix. Tapos si AJ, isinasama ni Jen sa bahay. Naglalaro sila. Masaya naman."

NO LQ. Samantala, pinabulaanan naman ni Dennis ang intrigang may tampuhan o lover's quarrel daw na nagaganap sa pagitan nila ni Jennylyn ngayon. May lumabas din kasing tsismis na kapansin-pansin daw silang dalawa ni Jennylyn na tila cold ang pakikitungo sa isa't isa sa Party Pilipinas last Sunday, June 20. Nagkaroon ba sila ng tampuhan?

"Wala, wala. Okay na okay kami. Pinupuntahan ko pa nga siya sa dressing room dahil masama ang pakiramdam niya noon. Dinalhan ko siya ng gamot. Okay kami," diin niya.

So, hindi totoong pinagseselosan mo raw si Rocco Nacino, na umano'y hindi niya rin pinapansin sa Party Pilipinas?

"Pinagselosan? May ganung isyu ba? Wala namang dahilan para pagselosan ko si Rocco. Okay kami ni Rocco. Nagbabatian kami sa Party Pilipinas," sagot ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN