Former Miss Mauritius Viveka Babajee commits suicide in India

by Jojo Gabinete
Jun 26, 2010
Viveka Babajee, who represented Mauritius in the 1994 Miss Universe beauty pageant held here in the Philippines, was found dead in her apartment in Mumbai, India.

Sumakabilang-buhay kahapon, June 25, sa edad na 37 ang former Miss Mauritius na si Viveka Babajee. Kilalang-kilala ng mga Pinoy si Viveka dahil siya ang naging representative ng Mauritius sa 1994 Miss Universe beauty pageant na ginanap dito sa Pilipinas.

Natagpuan na nakabitin mula sa isang ceiling fan ang lifeless body ni Viveka sa kanyang apartment sa Khar, Mumbai, India. Ayon sa mga pulis, depression ang dahilan ng pagpapakamatay ni Viveka at isang suicide note ang nakita sa kanyang bahay.

Mula sa Mauritius nag-migrate si Viveka sa India at dito siya nakilala bilang isang successful model at part-time fashion coordinator. Lumabas siya sa mga Bollywood films mula 2000 hanggang 2004.

Sa report ng mga pulis, nagduda ang mga kapitbahay ni Viveka dahil nakaamoy sila ng gas mula sa apartment ng biktima at hindi nito binubuksan ang pinto, sa kabila ng paulit-ulit na pagpindot nila sa kanyang doorbell.

Humingi ng tulong sa pulis ang mga nag-aalalang kapitbahay. Ang bangkay ni Viveka na nakasabit mula sa ceiling fan ang bumulaga sa mga pulis nang sapilitan nilang buksan ang pinto ng apartment.

Continue reading below ↓

Naging kontrobersiyal si Viveka nang masangkot ito sa 1994 Manila Film Festival scam at sa kanyang classic line na " Take it! Take it!"

Nagpaabot ng pakikiramay si Lolit Solis sa mga naulila ng dating beauty queen. Nakaramdam ng lungkot ang controbersyal na talent manager na umaming siya ang mastermind ng scam, nang malaman nito ang trahedya, dahil kahit sandali, naging bahagi si Viveka ng kanyang buhay noong 1994.

Read Next
Read More Stories About
Viveka Babajee
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Viveka Babajee, who represented Mauritius in the 1994 Miss Universe beauty pageant held here in the Philippines, was found dead in her apartment in Mumbai, India.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results