Kris Aquino says marriage with James Yap "is over"

"I just want to say na whatever decision I have come to, it's not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi kong ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both tried to really make this work. On my part, what I'm comfortable saying is, with finality I can say, ako sumuko na," says Kris Aquino about her marriage with James Yap.


As far as Kris Aquino is concerned, her marriage with basketball player James Yap "is over."

Ito ang isiniwalat ni Kris, 39, sa kanyang pahayag sa The Buzz kaninang hapon, June 27, na siya ring huling araw niya bilang co-host ng programa.

Binasag ni Kris ang kanyang katahimikan pagkatapos ng ilang linggong haka-haka tungkol sa totoong estado ng kanilang pagsasama ni James, 28.

Sa kanyang Twitter entry noong June 16 ay inamin ni Kris na nakaapekto sa kanilang pagsasama ang nakaraang presidential elections, kung saan ay tumakbo at nanalo ang kuya ni Kris na si Noynoy Aquino bilang Presidente.

Sa isang panayam naman noong June 22 ay kinumpirma ng kaibigan at co-host ni Kris sa The Buzz na si Boy Abunda na umalis na ng kanilang tahanan si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Baby James. (CLICK HERE to read related story.)

Pagkatapos nito ay pinili ni Kris na manahimik muna tungkol sa pinagdadaanan nila ni James. Hanggang sa magsalita nga siya kanina sa The Buzz upang ipaalam na sumuko na siya sa pagsasama nila ni James bilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa pagsasama nina Kris at James, ngunit sa pagkakataong ito ay tila wala nang balikang mangyayari.

"On my part, what I'm comfortable saying is, with finality I can say, ako sumuko na," sabi ni Kris.

Nilinaw ni Kris na hindi ito isang biglaang desisyon.

"I just want to say na whatever decision I have come to, it's not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi kong ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both tried to really make this work," pahayag niya.

Pero tumanggi nang magbigay ng detalye si Kris sa sinapit ng kanilang pagsasama ni James. Ang tanging may karapatan lamang daw na humingi ng pagpapaliwanag ay ang anak nila na si Baby James.

"Kung anuman ang dahilan why this marriage, on my part, I'm saying, is over, the only person I will owe an explanation to, and the only person who can demand from me na bakit kayo naghiwalay, is my son," saad ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "The worst thing I can do for Baby James is, when he's 7 or 8 years old, ang mahanap niya sa YouTube yung explanation kung bakit naghiwalay ang nanay at tatay niya. He deserves much more than that. He deserves to hear it only from me and only from James. Because in any separation, there are two sides to the story. And we owe it to him, James will owe it to him, that I will owe it to him to explain to him."

Pinili raw ni Kris na manahimik muna tungkol sa isyu hindi dahil sa nalalapit na inauguration ng kanyang kuya na si President-elect Noynoy Aquino sa June 30.

"My decision to keep quiet is because I asked myself 'Kapag in-explain ko kay Baby James, number one, mauunawaan ba niya ako? Number 2, rerespetuhin pa ba niya ako? At number 3, mamahalin pa ba niya ako?' At nasagot ko naman kagabi na 'yes.' I know my son will understand me, will respect me and still love me. And I feel that he will love me more, respect me more, and value me more if I keep quiet today," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos limang taon ang itinagal ng pagsasama nina Kris at James. Ikinasal ang dalawa sa isang civil ceremony sa bahay ni Boy Abunda noong July 10, 2005.

TRANSCRIPT OF KRIS'S STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ni Kris Aquino kanina sa The Buzz:

"First, I'm sorry about Tuesday [engagement in Cebu]. For so long, ilang buwan naman na nagampanan ko ang lahat ng tungkulin ko, lahat ng responsibilidad sa trabaho at sa kampanya kahit na mayroon kaming pinagdadaanan sa tahanan namin. It was a sign of weakness on my part not to show up, and I'm sorry about that. I'm sorry that you [Boy] had to be the one to answer because you felt uncomfortable making up an excuse.

"About what we've been through, I think naman Boy hindi lahat sikreto sa inyong lahat, kung ano ang mga napagdaanan namin in our married life. I think also the whole Philippines is fully aware na when my mom was alive and ngayon, my siblings have tried to bridge whatever gaps—and I mean gaps, marami na kasi. Tinry nila na tulungan kaming ayusin yung mga problema namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have not sat down [with my siblings]... lahat through text-kay Ate [Ballsy], kay Pinky. Through phone, nakausap ko si Viel. Nag-text din kami ni Noy. Siyempre sila lahat, gusto nila sana maayos pa.

"I just want to say na whatever decision I have come to, it's not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi kong ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both tried to really make this work.

"On my part, what I'm comfortable saying is, with finality I can say, ako sumuko na.

"Ang dami kong pinag-isipan kung paano ko maibabahagi sa lahat kung anong pinagdaanan namin without revealing anything painful. But there's no way of doing that.

"Last night [June 26], mga 4 in the morning, hindi ako makatulog pa. Katabi ko si Baby James, and I think he had a bad dream kasi he started to cry in his sleep. And that's when it came to me, and I'm sure lahat ng mga nanay maiintindihan ako. Kung anuman ang dahilan why this marriage, on my part, I'm saying, is over, the only person I will owe an explanation to, and the only person who can demand from me na bakit kayo naghiwalay, is my son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And kagabi, Boy, na-realize ko, the worst thing I can do for Baby James is, when he's 7 or 8 years old, ang mahanap niya sa YouTube yung explanation kung bakit naghiwalay ang nanay at tatay niya. He deserves much more than that. He deserves to hear it only from me and only from James. Because in any separation, there are two sides to the story. And we owe it to him, James will owe it to him, that I will owe it to him to explain to him.

"But I'm sure you will all understand me. My decision to keep quiet is not because on June 30 magiging presidente si Noy. My decision to keep quiet is because I asked myself 'Kapag in-explain ko kay Baby James, number one, mauunawaan ba niya ako? Number 2, rerespetuhin pa ba niya ako? At number 3, mamahalin pa ba niya ako?' At nasagot ko naman kagabi na 'yes.' I know my son will understand me, will respect me and still love me. And I feel that he will love me more, respect me more, and value me more if I keep quiet today.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I know that will leave so many unanswered questions, but those questions, only Baby James deserves to hear the answers to. Siguro, Boy, this is part of growing up. It's part of realizing that yes, I am public and I owe all of you an explanation, but apart from God, the only one I'm answerable to is kung di man mga kapatid ko e ang anak ko.

"So sana po, maiintindihan ninyo po ako na yung mga legal na aspeto ng pagsasama namin ni James, inuumpisahan na naming ayusin lahat yun. Kung anuman ang mga naging problema namin, kung anuman ang mga napag-awayan namin, kung anuman ang naganap sa tahanan namin, let it stay there. Because I'm doing this for my son, because he's only 3 years old and he really doesn't deserve na kung ano yung trials na pinagdaanan ng parents niya, kailangang ungkat-ungkatin at ulit-ulitin, 'wag na.

"Kung this will mean na maraming hindi makakaintindi sa akin or sasabihin, idya-judge ako, then let it be. I don't mind. The world can judge me. I just want my son to be able to respect me and respect his father. Because at the end of the day, ang utang namin sa kanya. Kasi ang pinakamaaapektuhan ng pangyayaring ito ang anak ko. To a certain extent, of course, it will affect Josh but it's really Baby James who will really be affected.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And maybe, yung sinasabi ng mom ko sa akin parati na, 'Krissy, love is bringing out the best in each other.' Maybe Baby James is really bringing out the best in me. And that's it, Boy. I really hope they understand that this is for my son."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN