Geoff Eigenmann on his relationship with Carla Abellana: "Wala kaming itinatago."

"We're not together. It's just that, hindi na namin pinag-uusapan yun. We're happy with each other. People see that we're happy. So, yun, just leave it at that," says Geoff Eigenmann about status of relationship with Carla Abellana.


Tuwing nakakausap ng entertainment press si Geoff Eigenmann, hindi nawawala ang mga tanong sa kanya tungkol sa ka-love team at rumored girlfriend niyang si Carla Abellana. Gaya nga noong launching niya bilang first male endorser ng Ystilo Salon sa Hotel Rembrandt noong Martes, June 29, ay si Carla agad ang kinumusta ng media sa kanya.

"We're doing very well. Actually, very happy," sagot ni Geoff. "Wala naman kaming itinatago. We're not together. It's just that, hindi na namin pinag-uusapan yun. We're happy with each other. People see that we're happy. So, yun, just leave it at that.

"We're very open naman. Wala kaming itinatago. But I guess, yung closeness namin, iba na. Palagi kaming magkasama, sa show namin, kahit sa mga out-of-town shows."


GEOFF'S SURPRISE. Kinumusta naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Geoff ang nabalitaan naming sorpresa niya nang mag-birthday si Carla sa taping nila ng Basahang Ginto. (CLICK HERE to read related story.)

Hindi naman ito itinanggi ni Geoff. Sabi nga niya, "Yeah, birthday salubong lang. I prepared something during our taping noong June 12, salubong lang. String quartet."

Pantapat ba niya yun sa ginawa ni Carla na surprise dinner noong birthday naman niya?

"Hindi naman siya pantapat," sagot ni Geoff. "It just really... Actually before her birthday came along, wala akong nakaplano actually. Sobrang last minute ang mga nangyari. Happy kasi spontaneous siya, everything fell into place. Maganda yung outcome."

Hindi pa ba niya napapasagot si Carla sa mga ganoong effort niya?

Natawa ito sabay sabing, "Hindi naman gano'n yun. Kapag nanliligaw ka, you always give the best foot forward. Kapag kayo na, tuloy-tuloy pa rin yun, wala namang dapat mabago."

May birthday gift pa rin ba siyang iniabot sa dalaga?

"Wala, she's not someone who really likes receiving gifts," sabi ni Geoff. "Pero siyempre, kahit naman sino, nag-e-enjoy kapag spur of the moment. For me, hindi ko naman siya kailangang bigyan ng regalo kasi birthday niya. If I want to give her something, I'll give her something anytime I want to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga interview ni Carla, hindi naman niya itinatanggi na nanliligaw sa kanya si Geoff. Pero ayon sa young actress, ayaw niyang ilagay sa "microscope" si Geoff just because nanliligaw ito sa kanya.

Ano ang reaksiyon dito ni Geoff?

"I'm very happy. Ayaw nga niya akong baguhin at ayaw rin niya na may baguhin ako sa kanya, di ba? So, yun nga, like I've said, we're very happy on how we are now. I don't want to put a label or anything. Basta kung ano ang makita n'yo sa amin, so far, that's all you'll gonna get," saad niya.

METROSEXUAL. Flattered naman si Geoff na siya ang napiling kauna-unahang male endorser ng Ystilo Salon, na pag-aari ng actress-singer na si Vina Morales at ng kanyang brother-in-law na si Federico Moreno.

"I'm also proud na ako ang napili nila," sabi niya. "I guess, very privileged na ako ang unang napili nila. And it's really something edgy. Something different. Kasi, these days, ang lalake, expected mo na to groom as... Di ba, kapag nag-aayos ngayon, expected mo na kasing-ayos ng babae. Metrosexuality, I guess, it's very in these days."

Is he a metrosexual?

"No I'm not and it's very bottom of the list. But now, with Ystilo, I guess I can cross it and make it top of my list na in Ystilo. Of course, I love dressing up in terms of occasion naman. But I'm really laid back every day lang," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN