Vina Morales on Cedric Lee: "Kung nandiyan siya, okay. Kung wala siya, okay lang din."

"I'm peaceful in a way na parang mas magaan ang buhay ko ngayon that I have Ceana. Mas blessed ako. Nakita n'yo naman ang work ko ngayon, nagpapasalamat ako na maraming dumarating na mga projects. At the same time, siguro yung kabuuan ko, mas nakumpleto dahil sa anak ko. Siguro yun yun. With or without lovelife, parang sa tingin ko, mas ang buhay ko ngayon ay may saysay. Kailangan kong pag-igihan para sa anak ko," says Vina Morales.


Si Vina Morales ang isa sa naging moderator ng launching ni Geoff Eigenmann bilang first male endorser ng Ystilo Salon last Tuesday, June 29, sa Hotel Rembrandt. Si Vina kasi ang may-ari ng naturang salon kasama ang kanyang bayaw na si Federico Moreno, adopted son ni German "Kuya Germs" Moreno.

Bagamat para kay Geoff talaga ang presscon, hindi pa rin nakaligtas si Vina sa ilang pang-iintriga ng entertainment press.

Bakit daw isang Kapuso ang napili nitong mag-endorse ng Ystilo at hindi isang Kapamilya since pareho silang taga-ABS-CBN ng kapatid niyang si Shaina Magdayao?

"Walang intriga, wala... We just believe that he's [Geoff] really the best endorser that we can have for Ystilo Salon," nakangiting sagot ni Vina.

JOHN LLOYD & SHAINA. May magtanong din kung posible kayang maging endorser ng Ystilo Salon ang boyfriend ni Shaina na si John Lloyd Cruz.

"Uy, can we keep John Lloyd out naman?" pakiusap ni Vina. "Parang ang hirap naman kasi, siyempre, di ba? I don't want to be in a position to comment on anything. But I really... Ako, I'm beginning to like him. Mabait siyang talaga. Yun lang ang masasabi ko. He's always welcome in Ystilo, of course."

Hindi raw napanood ni Vina ang interview ni John Lloyd sa The Buzz kung saan inamin ng aktor ang relasyon nito kay Shaina. Pero plano raw niya itong panoorin sa Internet. (CLICK HERE to read related story.)

Paliwanag ni Vina, "Kasi, I just want to give respect to both of them, especially also to Shaina, kasi hindi pa naman siya nagsasalita. Ako lang, para sa akin, I didn't see it. Hindi ko napanood. I just heard it from people and I was asked through text kung ano ang comment ko. I just said na, ever since I've known John Lloyd, hindi siya vocal pagdating sa relationship niya and I really respect him for that. I'm sure lahat naman kami, gusto namin ng privacy kahit papaano, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But this time, sa sinabi niya, I really don't know what it is, papanoorin ko na lang sa Internet. Hindi ko pa napapanood, honestly. So, sa ngayon, thankful lang ako na yun ang sinabi niya. And I'm happy for Shaina. Kasi, di ba, bilang kapatid, gusto ko ma-make sure na talagang mahal siya ng tao. Yun lang naman."

Napag-usapan na ba nila ito ni Shaina?

"Puwedeng yun na lang ang puwede kong sagutin?" nakangiti niyang sabi. And then she explained, "I think, the best person for you to ask and to answer this is my sister talaga."

Pero siya, bilang ate ni Shaina, nakausap na ba niya si John Lloyd?

"I don't think we need to talk about something kasi wala naman kaming dapat pag-usapan. Basta ako, happy ako at mataas ang respeto ko sa kanya," sagot ni Vina.

May mga advice ba siya sa kapatid especially when it comes to love and relationship?

"Maski naman with or without John Lloyd, ang payo ko palagi sa kanya is to take care of herself. Kasi lahat naman tayo dumaraan sa pag-ibig, di ba? O kaya masasaktan tayo, iibig tayong muli. Ganoon naman talaga ang buhay, trial and error. Or minsan, talagang magiging happy ka at the end. So, hindi natin masabi, kanya-kanya tayong journey. I guess you just have to be strong all the time. Basta nandirito kami para sa kanya. But it's not all about John Lloyd, maski anong mangyari sa buhay niya, in general."

When it comes to Ruffa Gutierrez, na na-link din kay John Lloyd, mas lalong ayaw nang mag-comment ni Vina. "Kumare ko pa rin siya as always, forever and ever!" natatawa niyang sabi about Ruffa.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vina kung hindi ba siya nasaktan sa naging pahayag ni Ruffa na nag-overlap diumano ang relasyon niya kay John Lloyd at sa relasyon ni Shaina sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala po akong naririnig," sagot ni Vina. "Ako'y galing ng Bantayan Island at yun po ay napakalayo. So, hindi ko alam ang mga news regarding whatever issue. Yun lang ang alam ko about John Lloyd."

MORE MEANINGFUL LIFE. Nang tungkol na sa sarili niya ang napag-usapan at pinansin na mas blooming siya ngayon, tila nakahinga nang maluwag si Vina.

"'Yan, masasagot ko 'yan, dahil po 'yan sa Ystilo Salon!" natatawa niyang sabi.

Dagdag niya, "I'm peaceful in a way na parang mas magaan ang buhay ko ngayon that I have Ceana. Mas blessed ako. Nakita n'yo naman ang work ko ngayon, nagpapasalamat ako na maraming dumarating na mga projects. At the same time, siguro yung kabuuan ko, mas nakumpleto dahil sa anak ko. Siguro yun yun. With or without lovelife, parang sa tingin ko, mas ang buhay ko ngayon ay may saysay. Kailangan kong pag-igihan para sa anak ko."

Si Ceana ay anak ni Vina sa businessman na si Cedric Lee.

Pagdating naman sa time management, mas mahirap para sa kanyang hatiin ang oras niya kaya mas madalas ay isinasama niya ang anak sa trabaho.

"Kaya lang minsan, kapag hindi kakayanin, kung meron man akong extra time, I'd rather spend it with her than going out with my friends unlike before. Nabago na ang lifestyle ko talaga. At saka, kapag may mga free time akong ganyan, either I'll spend it with family, with Ceana, rather than going out of town, going out with friends, yung mga gano'n," sabi niya.

Kumusta na sila ngayon ni Cedric?

"Okey kami," sagot ni Vina. "Ever since naman, there's always ups and down in any relationship, di ba? But we'll see to it that everything will be fine. Everything will be smooth for Ceana. Dapat gano'n naman talaga.

"And you know, in every relationship, may away-bati 'yan, di ba? So, hindi natin alam kung hanggang saan ba ang pagbabati at pag-aaway. Kasi, you cannot put your sentences with a period. Kasi, ang buhay natin, umiikot lang. Sasabihin ko ngayon magkaaway kami, pero magbabati rin kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayong magkabati kami, I'm sure baka meron din kaming mga misunderstanding sa mga darating na panahon. Ganoon lang talaga ang buhay. Basta ako ngayon, I just take it lightly. Basta ang para sa akin, kung nandiyan man siya, okay. Kung wala man siya, okay lang din. Kaya siguro mas okay ako now. But we're very okay, Ced and I are very okay."

Nakikita rin ba niya ang possibility of having another baby?

"Of course, of course!" bulalas ni Vina. "That's one of my prayers din, di ba? Ako, thankful na ako that I was given a chance to be a mom, to experience motherhood. Ang wish ko pa rin, kung mabibigyan pa ako ng isa or dalawa, magpapasalamat ako. Pero, hindi ko yata kakayanin ang tatlo pa or apat, dyusko! Pero kung may maibibigay pa rin, wala akong magagawa. But I'm praying pa rin for one or two more in the future."

Napabalita noon na hiwalay na sila ni Cedric. So, sila pa ba hanggang ngayon?

"Sa amin kasi, mahirap magsalita about my relationship. Unang-una, hindi naman siya artista. Pangalawa, away-bati kami na hindi ko na mabilang sa kamay ko at sa toes, fingers ko. I just leave it up to God kung saan ba kami dadalhin pagdating sa aming relasyon," makahulugang sagot ni Vina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN