Michael V denies blind item about a popular TV host-comedian being pirated to host Wowowee

"Kapag ayoko na, ayoko na. Kapag nakikita kong hindi naman naggo-grow ang aking artistic ability, ang aking career as an artist, parang ano pa ang saysay, di ba? Kung wala na akong naitutulong sa audience ko, it's time to stop," says Michael V (in character as Bianca for Hole in the Wall.)


"Na naman?" ang natatawang sagot ni Michael V nang sabihin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na may itatanong kami sa kanya tungkol sa isang blind item na mukhang siya ang tinutukoy. Nakausap namin si Bitoy, palayaw ng comedian, sa presscon ng bagong season ng Hole in the Wall last Tuesday, June 29, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Naka-costume pa nga si Bitoy bilang si Bianca, ang K-pop fan at interpreter ng character ni Ogie Alcasid bilang si Kim Min Yung.

Aware na pala si Bitoy sa blind item tungkol sa isang sikat na host-comedian na plano raw i-pirate ng kabilang network para maging host ng Wowowee.

Tanong agad ni Bitoy, "Kay Willie [Revillame] 'yan? Naku, 'yan nga ang pinag-uusapan namin kanina."

Parang siya kasi ang tinutukoy sa blind item?

"Ako nga rin ang naisip ko noong mabasa ko!" natatawang sabi niya. "Pero the thing is, walang deal at all because I was in the States for one month. Pagbalik ko rito, saka lumabas yun... Wala akong maisip kung hindi ako. Kaya tinanong ko nga ang sarili ko noong mabasa ko, 'Ako ba'y ito?'"

Na-connect din niya ang clues na nasa blind item?

"Oo, e. Tom comic, kabilang channel, tapos welcoming something. Parang pagbabalik. Kaya lang, wala naman," sabi ni Bitoy.

Dagdag niya, "Kung ako man yung tinutukoy, mali. Hindi ako yun."

"ISANG MALAKING PAGKAKAMALI." Paano kung may ganoon ngang plano ang ABS-CBN?

"Kung may ganoon, e, flattered ako!" natatawa niyang sabi. "Unang-una pati, isang malaking pagkakamali yung itatapat ako sa isang show na katapat ng Eat Bulaga!. Naku, hinding-hindi ko gagawin sa Eat Bulaga! 'yan, kahit kailan."

Even if the price is right?

"Naku, kahit sa hinagap, hindi ko gagawin 'yan," ulit ni Bitoy.

So, hindi kayang bilhin ang loyalty ng isang Michael V?

"Especially sa Eat Bulaga!. Sa network, siyempre, especially nga ang Eat Bulaga!."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal na rin namang may bulung-bulungan na gusto siyang i-pirate o pina-pirate siya ng kabilang network. Pero ano nga ba ang totoo rito?

"Well, there were rumors. But since wala namang nakikipag-usap sa akin, puro hearsay, kaya ang hirap ikumpirma kasi wala naman," sabi niya.

Hindi kaya gano'n ka-strong ang conviction niya na hindi siya mapa-pirate at mananatili siyang loyal Kapuso dahil wala pa namang direct or formal offer sa kanya?

"Posible!" tawa niya. "Hintayin natin, hintayin natin. Pero yung sinasabi na for Wowowee, definitely no. Kahit magkano ang i-offer n'yo sa akin."

Dagdag niya, "At this point, hindi ko masasabi kasi, as you can see, I have my hands full. Dito pa lang sa mga projects na hinahawakan ko, Bubble Gang, Pepito Manaloto... Hindi mo na nga iko-consider yung Hole in the Wall at saka Eat Bulaga!, kasi hindi naman ganoon kahirap gawin ang mga ito. Hindi naman ganoon katagal gawin. Pero kahit sa Bubble Gang lang at Pepito Manaloto lang, puno na ang kamay ko."

Since sa Bubble Gang siya nagsimula sa GMA-7 kaya magpi-fifteen years na rin siya bilang Kapuso. Meron kayang puwedeng sumira ng 15 years na yun?

"Wala, wala...sarili ko na lang siguro ang sisira no'n kung saka-sakali," sagot ni Bitoy. "Kung magkaroon ako ng fatigue. Not just with the network but with working per se. Kasi, I have the tendency to be like that. Kapag ayoko na, ayoko na. Kapag nakikita kong hindi naman naggo-grow ang aking artistic ability, ang aking career as an artist, parang ano pa ang saysay, di ba? Kung wala na akong naitutulong sa audience ko, it's time to stop."

POLITICAL BELIEFS. Matagal nang magkaibigan si Michael V at ang kanyang kasama sa Hole in the Wall at Bubble Gang na si Ogie Alcasid. Pero pagdating sa kanilang political beliefs ay tila nagkakaiba sila. Last presidential elections, inendorso ni Bitoy si Senator Manny Villar samantalang si Ogie naman ay naging ardent supporter ng nanalong si Noynoy Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Do their political beliefs get in the way of their friendship?

"A, hindi, hindi," sagot ni Bitoy. "Umpisa pa nga lang, naglolokohan na kami. Like, 'O, kapag nanalo si Villar, huwag mo kaming kalimutan, ha?' Tapos ako, sabi ko, 'O, kapag nanalo si Noynoy, 'wag mo kong kakalimutan, ha?' Ganoon.

"Hindi naman nagiging conflict of interest or beliefs in the system. Kasi, pareho naman kaming ang objectives namin ay mabuting Pilipinas. So, pareho ro'n. At yung mga kandidato naman namin, parehong yun ang gusto. Nagkataon lang na iisa lang ang posisyon sa pagka-Presidente, at nagkataong yun ay napunta kay Noynoy."

Wala naman daw siyang nakikitang problema kung hindi man ang kandidato niya ang nanalo sa nakaraang eleksyon. Lalo na raw sa katulad niyang hindi naman nagpabayad para mang-endorse ng kandidato.

"Napatunayan nga rin ni Ogie yun na walang ibinayad sa akin si Villar kahit isang kusing. Isang jacket lang yata ang ibinigay sa akin. Kasi, unang-una, hindi ko naman ibinebenta ang suporta ko. In a way, ngayong hindi siya nanalo, natutuwa rin ako sa naging desisyon ko na hindi tumanggap," sabi niya.

Pero aware si Bitoy na may impression na malaking pera ang ibinayad sa mga artistang nag-endorse kay Sen. Villar noon.

"Alam ni Senator na sa iba, parang kailangan, e. Sa akin, ipinaalam ko agad during the second meeting, 'Hindi n'yo kailangang mag-alala. Wholeheartedly, susuportahan ko kayo, no matter what,'" saad ni Bitoy.

Kaya wala raw sa kanya yung guilt sa mga akusasyon na pera lang ang katapat ng pag-eendorso ng mga artista sa mga pulitiko. Biro namin sa kanya, hindi na kasi niya kailangan ng pera dahil mayaman na siya.

"Oo, e," sakay naman ni Bitoy.

Pero aniya, "Yes and no. Yes, kasi talaga namang ano na, e, nabubuhay naman ako nang maayos."

THIRD SEASON OF HOLE IN THE WALL. Muli namang nagbabalik sina Bitoy at Ogie sa Hole in the Wall. Kahit pangatlong season na nila ito, excited pa rin daw si Michael para rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Itong Hole in the Wall, parang playground sa amin ito—literally and figuratively. At do'n sa mga writers and creative groups. Hindi lang sa aming mga talents, pati sa mga contestants. Isang malaking-malaking playground ito na puwede kang magbasa. At ilang show ba ang nakikita mong puwede kang magbasa sa set?" sabi niya.

Every week, magpapalit daw sila ng characters ni Ogie na ipo-portray, hindi gaya noon na Yaya and Angelina lang ang ginampanan nilang characters.

WAVEBOARDING. Palagi rin daw bitbit ni Ogie ang kanyang waveboard sa set ng Hole in the Wall, kahit na medyo delikado rin ito.

"Kahit saan, palagi ko siyang dala. During taping," sabi niya. "Marami na ang nadidisgrasya. May mga namatay na using the waveboard. At may na-receive nga akong e-mail na nagsasabing huwag ko siyang i-endorse. Hindi ko naman siya ineendorso. And another thing, hindi ko naman ginagamit yung waveboard na yun na hindi ka naka-safety gears. Gagamitin mo lang yun na nakaayos ka. Meron kang proper equipment, proper venue. Kasi, madalas ganoon ang nangyayari. Nagwe-waveboarding nang walang protection, sa kalye."

Siya naman daw, kung saan wide ang space, do'n daw siya naglalaro.

"Oo, kung saan maluwag, safe, walang sasakyan na puwedeng bumangga sa 'yo, walang crack. At saka kung may bago kang iisipin na tricks or ia-attempt, dapat naka-helmet ka, wearing your proper shoes. At saka yung waveboard mo, dapat yung original. Kasi yung umiilaw ang gulong, parang delikado yun. Kasi umaandar ka, biglang matatanggal yung gulong. Maling-mali," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN