James Yap to wife Kris Aquino: "It's final, ipaglalaban ko ang pagsasama ng pamilya natin."

"Kris, marami na tayong pinagdaanan na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na parang tunay na anak na ang turing ko," says James Yap to wife Kris Aquino, following the latter's announcement that they are already separated.


Pagkatapos ng ilang araw na pananahimik ay nagsalita na rin sa wakas ang basketball player na si James Yap tungkol sa naging pahayag ng kanyang misis na si Kris Aquino sa The Buzz noong Linggo, June 27. Ayon kay Kris, ay sumusuko na siya at sa kanyang parte ay tapos na ang kanilang pagsasama ni James. (CLICK HERE to read related story.)

Pero sa statement na ipinadala ni James sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, sinabi nitong ipaglalaban niya na "mapanatiling buo" ang pamilya nila ni Kris "anuman ang mangyari."

Ayon pa kay James, "Alam ko walang pamilyang hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Marami na kaming dinaanang pagsubok ni Kris before and I don't think na ngayon pa kami susuko."

Nilinaw rin ni James na "walang third party" sa pakikipaghiwalay sa kanya ni Kris, bagamat hindi sinabi ng PBA player ang dahilan ng panibagong gusot na ito sa pagsasama nila ng female TV host.

Umaasa rin daw si James na "darating ang tamang panahon na maaayos ang lahat" sa pagitan nila ng asawa.

Ipinaliwanag din ni James na pinili niyang manahimik muna bilang paggalang sa kanyang bayaw at bagong Presidente ng Pilipinas na si Noynoy Aquino.

"Ever since naman, never n'yo akong naringgan ng kung-anu-ano tungkol sa relasyon namin ni Kris. Gusto ko talagang i-save ang pagsasama namin dahil, siyempre, may anak kami at hindi biro ang halos anim na taon naming pagsasama," sabi ng 28-year-old shooting guard ng Derby Ace.

Tungkol naman sa hindi niya pagdalo sa inauguration ni President Noynoy, sinabi niyang nagkausap at nag-text siya rito at naiintindihan naman daw siya nito.

Dagdag ni James, "Ayokong makadagdag pa sa napakalaking problema na kakaharapin niya bilang bagong Presidente ng ating bansa."

Isa pa raw dahilan kung bakit ipaglalaban ni James ang pagsasama nila ni Kris ay dahil sa pangako niya sa ina nito na si dating Pangulong Cory Aquino na hindi niya pababayaan ang kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na aalagaan ko si Kris, si Josh at si Baby James. Nangako rin kami ni Kris sa harap ni Mom Cory na hindi kami maghihiwalay," sabi niya.

Alam din daw ni James na mahirap para sa anak nila ni Kris na si Baby James ang pangyayaring ito, "pero alam kong darating ang panahon na maiintindihan niya ang sitwasyon."

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si James para sa anak na si Baby James at kay Kris.

Aniya, "Baby James, ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa pamilya natin. Gusto kong mapanatiling buo ang pamilya natin. Kris, marami na tayong pinagdaanan na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na parang tunay na anak na ang turing ko. Inuulit ko, it's final, ipaglalaban ko ang pagsasama ng pamilya natin. At sa tulong ng Diyos, alam kong malalampasan natin ang pagsubok na ito!"

JAMES YAP'S STATEMENT. Narito ang kabuuan ng statement ni James Yap, na ipinadala ng co-manager niyang si Edgar Tan sa PEP through e-mail:

"It's final. Ipaglalaban ko na mapanatiling buo ang pamilya namin ni Kris anuman ang mangyari. Alam ko walang pamilyang hindi dumaan sa ganitong pagsubok. Marami na kaming dinaanang pagsubok ni Kris before and I don't think na ngayon pa kami susuko. Gusto kong linawin na walang third party na dahilan kung bakit siya nakikipaghiwalay sa akin pero umaasa pa rin ako na darating ang tamang panahon na maaayos ang lahat.

"Marami nang lumabas na mga balita at mas pinili ko na manahimik muna dahil bilang paggalang sa ating bagong Presidente Noynoy Aquino. Ever since naman, never nyo akong naringgan ng kung-anu-ano tungkol sa relasyon namin ni Kris. Gusto ko talagang i-save ang pagsasama namin dahil syempre, may anak kami at hindi biro ang halos anim na taon naming pagsasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mi nagtatanong din tungkol sa hindi ko pagsipot sa inaguration ni President Noynoy Aquino. Nagkausap kami at nag-text ako kay President Noynoy at naiintindihan niya ako. Ayokong makadagdag pa sa napakalaking problema na kakaharapin niya bilang bagong presidente ng ating bansa.

"At isa pa, nangako ako kay Mom Cory na hindi ko pababayaan ang pamilya namin. Na-aalagaan ko si Kris, si Josh at si Baby James. Nangako rin kami ni Kris sa harap ni Mom Cory na hindi kami maghihiwalay.

"Alam kong mahirap para sa anak ko ang nangyayaring ito sa amin ng Mama niya pero alam kong darating ang panahon na maiintindihan niya ang situwasyon, may tamang oras at panahon ang lahat.

"Baby James, ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa pamilya natin. Gusto kong mapanatiling buo ang pamilya natin. Kris, marami na tayong pinagdaanan na mas mabigat na problema pa rito pero hindi talaga ako bumitaw. Nanahimik ako palagi bilang respeto sa pamilya natin na hanggang sa ngayon ay gusto ko pa ring manatiling buo. Mahal na mahal ko kayo ng anak ko, pati na si Josh na parang tunay na anak na ang turing ko. Inuulit ko, it's final, ipaglalaban ko ang pagsasama ng pamilya natin. At sa tulong ng Diyos, alam kong malalampasan natin ang pagsubok na ito!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN