Kris Aquino on James Yap's no-show at inauguration: "Baka inisip din niya na ibigay ang araw na ito kay Noy."

"Kahit hindi naging maganda ang ending namin, masasabi naman siguro ni James na naging mabuting bayaw sa kanya si Noy," said Kris Aquino, at the swearing in of brother Benigno "Noynoy" Aquino III as President of the Philippines last June 30.


Sa inauguration ng bagong Pangulo ng Pilipinas na si President Noynoy Aquino noong June 30, marami ang nagtanong kung bakit wala si James Yap sa isa sa pinakaimportanteng okasyon sa buhay ng mga Aquino at ng bansa.

Prior to the inauguration, nakapagbitiw ng salita si James sa isang interview na darating siya. Walang makapagsabi noong araw na 'yon kung bakit "no-show" ang PBA player at mister ni Kris Aquino.

Kinabukasan, July 1, nagpadala ng official statement si James sa pamamagitan ng isa niyang manager na si Edgar Tan sa PEP (Philippine Entertainment Portal) through e-mail. Dito nakasaad na ipaglalaban daw ni James ang marriage nila ni Kris at may pangako raw siya sa namayapang biyenan na si dating Pangulong Corazon Aquino na aalagaan ang kanyang pamilya.

Right after the inauguration, nakuhanan ng Startalk ng statement si Kris hinggil sa mga naglabasang ispekulasyon na baka raw pinagbawalan niya ang estranged husband na pumunta sa okasyon. Ipinalabas ng Startalk ang taped segment na ito kahapon, July 3.

Ayon kay Kris, "Hindi ko naman siya pinagbawalan. Hindi na kami nagko-communicate. Baka naman inisip din niya, on his own, na huwag nang makadagdag sa gulo at ibigay ang araw na ito kay Noy."

Dugtong pa ni Kris, "Kahit hindi naging maganda ang ending namin, masasabi naman siguro ni James na naging mabuting bayaw sa kanya si Noy."

BALLSY STILL BELIEVES. Naniniwala naman si Kris na sa panahong ito, nandiyan ang mga kapatid niya na napagkukuhanan niya ng suporta.

"I know I can lean on them. Puwede akong sumandal sa pamilya ko, sa oras ng mga pagbabago sa pamilya namin."

Sa ngayon, wala pang sagot si Kris sa official statement ni James. Pero ang mga kapatid ni Kris katulad ni Ballsy Cruz na nakausap din ng Startalk at the inauguration sa Quirino Grandstand ay nagpahayag ng suporta at umaasang magkakaayos din ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ballsy, "Siyempre, lahat kami sinusuportahan siya. At saka, iniintindi rin namin. As she said, dalawa naman sila, iniintindi namin silang dalawa."

Sa tanong kung sa palagay niya maaayos pa nina Kris at James ang gusot nila ngayon, mabilis ang naging tugon ni Ballsy: "Oo naman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN