Singer Drizzle says, "I represent yung mga taong nangangarap na hindi sumusuko."

It took the singer-songwriter four years to get her debut album made. It's titled Personal "kasi ang songs diyan parang pinagdaanan ko lahat sa buhay ko... I wanted the emotions na lumabas lahat, kumbaga walang sugarcoating. Kung ano yung nararamdaman ko, kung ano yung kailangan ng kanta, yun ang lalabas."


Napapanahon ngayong tag-ulan ang pangalan ng singer na si Drizzle. Biro nga ng PEP (Philippines Entertainment Portal) sa kanya kamakailan, nang makapanayam siya sa launching ng kanyang debut album entitled Personal sa Spicy Fingers resto-bar sa Greenbelt Makati, na tila umuulan ang blessings sa kanya ngayon.

"Ang nanay ko kasi mahilig sa nature. Yung sister ko Breezy. Actually, real name ko talaga yung Drizzle. I'm Drizzle Muniz in real life," paliwanag niya.

Ang Tagalog ng drizzle ay ambon pero higit pa raw dito ang nararamdamang kaligayahan ni Drizzle ngayon.

"Parang bagyo na nga sa pagiging happy. Masaya talaga ako kasi natupad na yung gusto ko, yung pangarap ko na magkaroon ng sariling album."

Four years ding nag-ipon si Drizzle para mai-produce niya ang sariling album. Pero malaking tulong daw ang distributor nitong Viva Records para matapos niya at mabuo ang kanyang album.

"I want to say thank you talaga sa Viva kasi sobrang laki ng itinulong nila. On a normal distribution deal, hindi ka nila tutulungan sa ibang aspects. Parang, 'Give us the CD, we'll put it on the record bars,' that's it. Pero iba ang Viva dahil sinabi nila sa akin yung mga kailangan kong gawin."

Bukod sa Viva, malaki rin ang pasasalamat ni Drizzle sa mga taong naniniwala sa talent niya, na kinabibilangan ng topnotch musicians gaya nina Nyoy Volante, Jay Durias at Freestyle, na nag-contribute at nag-arrange ng ilang kanta sa album niya.

"Alam naman nila na wala akong pambayad but they helped out, willingly and graciously. Sabi ko sa kanila, if the album sells, I'd give what is due them."

A PERSONAL ALBUM. Wala na raw ibang title na puwedeng ibigay o babagay sa kanyang album kundi ang Personal dahil pawang malalapit sa kanyang puso ang mga kantang nakapaloob dito na pinangungunahan ng remake ng "Tensionado" by Soapdish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When you listen to the album it's more of love songs. That's why Personal ang title kasi the songs were chosen by me and some were personally written by me. Lahat ng songs diyan nakaka-relate ako kasi parang pinagdaan ko lahat sa buhay ko," sabi ni Drizzle.

Bakit ang "Tensionado" ang napili niyang i-remake?

"When I recorded 'Tensionado,' I wanted all the songs in the album na parang sobrang personal, e, kaya nga yung title is Personal. I wanted the emotions na lumabas lahat, kumbaga walang sugarcoating. Kung ano yung nararamdaman ko, kung ano yung kailangan ng kanta, yun ang lalabas. So, I felt na one of the songs na pinaka-heartfelt yung 'Tensionado' na hopefully mag-translate sa mga makikinig. Sana maramdaman din nila."

Bukod sa "Tensionado," kasama rin sa album ang mga kantang "Someone New," "D2 Na Lang," "Why," "Will You be Mine," "Mr. Deadma," "Questions," "Never Too Easy," at remakes ng "Running Away" and "Secret Lovers."

Saan siya kumukuha ng inspirasyon para makapagsulat ng kanta?

"'Pag sawi ako sa puso. Mas madali kasing gumawa ng kanta pag heartbroken ka. Yung 'Why' isinulat ko yun when I was 16 years old para sa unang boyfriend ko na hiniwalayan ako."

Marami na rin daw siyang kasawiang naranasan sa pakikipagrelasyon kaya nga marami na rin siyang nai-compose na mga kanta. Pero hindi naman siya tumitigil sa pagmamahal.

"Ang tao habang may buhay may pagmamahal sa puso. Kaya you should never give up on love."

NEVER GAVE UP ON HER DREAMS. Kung tutuusin hindi na baguhan sa pagkanta si Drizzle dahil matagal na rin siyang napapanood sa live music scene doing gigs and shows with her band DNA. Naging bahagi rin siya ng 24 semifinalists ng Pinoy Idol ng GMA-7 noong 2008. Hindi nga lang siya pinalad at kasama siya sa unang apat na semifinalists na tinanggal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Text votes kasi siya, e. Wala akong maraming perang pang-text," biro ni Drizzle. "But it was a great experience to be a part of Pinoy Idol kasi sa libu-libong nag-audition, umabot ako sa ganung level ng competition."

Na-eliminate man siya, hindi tumigil sa pangangarap si Drizzle.

"Sabi ko nga I represent yung mga taong nangangarap na hindi sumusuko. I never gave up hanggang sa maabot ko yung pangarap ko na magkaroon ng album. Siyempre pangarap ko ring maibahagi sa mas maraming tao ang talento ko kaya ko ginawa ang album na ito. Sana ma-appreciate ng mga tao ang handog kong musika para sa kanila."

Mahirap ang competition sa recording at music scene ngayon. Ano ang kaibahan niya over other solo artists?

"Siguro nandun na yung fact that I do live gigs. My live shows are different. Tapos if you listen to the album, I think my songs are more heartfelt. And my goal is to entertain people."

Meron ba siyang dream collaboration?

"Yes, gusto ko si Gloc-9. Kasi tulad ko singer-songwriter din siya. Talagang hangang-hanga ako the way he writes tapos ang galing pa niyang mag-rap, di ba? Tapos si Rey Valera, idol ko kasi siya kahit nung bata pa ako. And then also, Freestyle and Side A are my friends, so gusto ko rin sila maka-collaborate. Si Ely Buendia, gusto ko rin at saka si Gary Valenciano."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN