Anne Curtis on rumored boyfriend Erwan Heussaff: "As of now, we're both taking our time."

"Kasi kapag European, walang 'sinasagot na kita.' Pero eventually, I guess it will become official," says Anne Curtis about the status of her relationship with Erwan Heussaff (inset).


Tinatawanan na lang daw ngayon nina Anne Curtis at Richard Gutierrez ang mga away-bati moments nila noong sila pa. Kahit na yung mga isyung lumabas sa kanila noon, tulad ng kissing video nila na nag-circulate sa cell phones at Internet, ay pinagtatawana na lang nila ngayon.

"Yung video na yun, it's something we can laugh about. Wala lang, natatawa na lang kami. At that time, we're both in love with each other pa," sabi ni Anne sa press conference ng In Your Eyes sa Annabel's restaurant noong Sabado, July 3.

Bagamat inamin nina Anne at Richard na sila nga ang nasa kissing video na yun, itinanggi nila ang kumalat ding tsismis noon na kesyo may nakakita sa kanilang naghahalikan sa Baclaran church.

FIRST MOVIE TOGETHER. Nagkasama na sila noon sa ilang TV shows ng GMA-7, tulad ng Beh Bote Nga at Luv 2 Luv, ang In Your Eyes ang first movie together nina Anne at Richard.

"Hindi talaga, e. Siguro kasi, ang tagal nilang inaano na mag-movie kami. Ang tagal! So, finally, noong natuloy... Nagkikita naman kasi kami ni Chard, same group of friends kami. So, hindi talaga awkward."

Matagal na silang wala. May naging kanya-kanya na rin silang karelasyon. But working together now, hindi ba nag-cross sa mind nila na baka sila pa rin pala sa bandang huli?

"Hindi siguro, kasi siguro we remain friends," sabi ni Anne. "Siguro it would have been different kung talagang no contact at all, tapos biglang nagsama. Pero dahil present pa rin kami sa life namin...

"Na-witness niya noong kami pa ni Sam [Milby]. Na-witness ko rin noong sila ni George [Georgina Wilson] na barkada ko. So, parang hindi talaga. Pero nagre-reminisce kami, pero nakakatawa na lang. Yung mga away namin, paano kami nag-meet, ganyan."

Pero ayon kay Anne, malaki na ang ipinagbago ng dati niyang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, I'm happy to say that Richard has matured. Of course naman, noong makilala ko siya, fresh na fresh siya. At siya rin naman, sinasabi niya sa akin how matured I am now. Sinasabi niya na dati, 'Ang hilig mong gumimik, ganyan-ganyan.' That was the time when I was young. Every night, go!" natatawa niyang kuwento.

RUMORED BOYFRIEND. Isa si Anne sa mga celebrity na nanood sa Bench denim and underwear fashion show na Uncut last Friday, July 2, sa Araneta Coliseum. Kasama niya that night ang isang guwapong lalake na napag-alaman naming rumored boyfriend niya—ang Filipino-French businessman and model na si Erwan Heusaff. Matagal na ring nali-link si Anne sa kapatid na lalake ng kaibigan niyang si Solenn Heusaff.

Nang kumustahin si Anne ng entertainment press about the guy, mabilis ang naging tugon nito: "Kung nakita n'yo, basta kung nakita n'yo, yun na yun. Sinabi ko naman na dati naman na kami."

Mukhang relaxed nga siya ngayon at mukhang at peace din?

"Yes," nakangiti naman niyang sabi. "Hindi relax dahil sa work, kasi tuloy-tuloy ang shooting...Green Rose, tapos commercials. In terms of work, hindi. Pero masaya, masaya naman kasi ako sa ginagawa ko."

Sa lovelife, quiet lang din siya kahit alam ng lahat that she's dating someone.

"Yeah, kasi parang hindi ko itinatago. I mean, I guess that's it kapag non-showbiz ang dine-date mo, di ba?"

Although hindi niya itinatago ang relationship nila ni Erwan—na hindi niya binanggit ang pangalan throughout the interview—hindi raw niya ito isasama sa premiere night ng movie nila bilang respeto kay Richard.

"Hindi siguro, respect na lang sa leading man, di ba?" sabi niya.

Pero ano na nga ba ang estado ng relasyon nila ni Erwan, ligawan stage pa ba o sinagot na niya?

Napahinto at napaisip si Anne bago sumagot. Aniya, "Wala...hindi... Kasi kapag European, walang 'sinasagot na kita.' Pero eventually, I guess it will become official. But as of now, we're both taking our time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN