Claudine Barretto on husband Raymart Santiago: "Hindi perfect ang relationship namin. Nagkakaproblema rin kami."

"Every time na may trials sa buhay namin, mas nagiging magkakampi kami. For some reason, we always try to see yung maganda sa part ng pinakapangit kahit na sobrang liit na lang yun. Do'n na lang kami nagre-rely sa faith namin," says Claudine Barretto about her relationship with husband Raymart Santiago.


Ni-review pa raw ni Claudine Barretto ang nagawa niyang movies na may love scenes para lang hindi magkaroon ng pagkakapareho sa ginawa nilang love scene ni Richard Gutierrez sa In Your Eyes (co-production ng Viva Films at GMA Films).

Sabi ni Claudine during the movie's press conference at Annabel's restaurant last Saturday, July 3, wala siyang problema doing love scenes. "I know I'm a Christian. Work yun, e. Hindi naman baboy. Hindi naman siya malaswang tingnan," saad niya.

Wala naman daw competition sa kanila ng isa pa nilang co-star sa movie na si Anne Curtis pagdating sa love scenes.

"Yung sa kanila [Anne and Richard], more of playful na young love na... mapusok ba ang tawag do'n? Kumbaga, walang responsibility. Wala silang iniisip. Kumbaga ako, ang iniisip ko palagi, si Anne. Ang dami kong baggage na karga-karga. So, parang yung sa amin naman ni Chard na love scene is more passionate, mas may love, may intense. Yung sa kanila, mas wild na laro na makikita sa character," paglalarawan ni Claudine.

THE PRESSURE IS ON. Aminado si Claudine na may mga nagawa na siyang pelikula noon na may temang magkapatid na na-in love sa isang babae/lalaki, tulad Kailangan Kita at Dubai. Pero may tiwala raw siya sa director ng movie na si Mac Alejandre at sa writer na si Keiko Aquino na malaki ang kaibahan ng In Your Eyes from her previous movies na may halos ganun ding tema.

Paliwanag niya, "Kasi, when I do movie, yung trust ko sa director, talagang lahat! Buong buhay ko ita-trust ko sa director. Ganoon ako na-train. Kapag sinabing love scene, hindi na ako magtatanong kung ano. Ie-explain ko lang na, 'Direk, hindi ba kapareho?' kapag may na-feel ako na kapareho sa ganyan. But you know, si Keiko Aquino has been my writer since Mula sa Puso at Walang Kapalit. Talagang naka-ano si Direk Mac at Keiko for this. So, makikita mo talaga na ibang-iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ang hirap ng buhay ngayon, di ba?" patuloy niya. "I always tell Keiko and everybody na kailangan may touch tayo ng dati. Yung gusto ng audience. Alam na nila yung timplang yun, e. But at the same time, kailangan nating maghain ng bago. Every movie talaga is a challenge. Every movie talaga scares me to death... Scoring, iniisip ko na. Kaya kahit yung [drama] anthology ko, nahihirapan ako. Kasi yung utak ko talaga, do'n nakatutok the whole time. Even dito, parang yun ang iniisip ko."

Pero aminado si Claudine na may pressure sa part niya, lalo pa nga't parang comeback movie niya ang In Your Eyes. Ang huling pelikula na nagawa niya ay ang Sukob noong 2006 pa with Kris Aquino.

"Sobra, sobra! Yung pressure, hanggang leeg ko na!" natatawa niyang sabi.

Kaya kahit tatlo silang bida ng pelikula, hindi raw niya ikinakaila ang pressure na napi-feel niya.

"Actually, lahat naman ng movie na ginagawa ko, yung pressure, iba, di ba? Sabi ko nga, ang pelikula kasi, hit and miss lang 'yan. Hindi ka puwedeng magsabi ng, 'O sige, okey ngayon.' It's not like teleserye na kapag bumaba this week, bawi tayo next week, or next month or sa ibang episode.

"Pero kapag pelikula kasi, kung ano na yung nandoon, yun na yun. Tapos, makikita mo yun sa DVD, di ba? So, yung pressure, nando'n talaga. Kaya the whole time, I was telling Anne, 'Alam ko na magagaling kayo, but you have to make it better,'" saad ng award-winning actress.

DRAMA ANTHOLOGY. Pinalinaw naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine ang lumabas na balita na mawawala na sa ere ang weekly drama anthology niya sa GMA-7, na mabilis namang itinanggi ng network. (CLICK HERE to read related story.)

"Yes, itinanggi rin nila. GMA right away called SK [Shirley Kwan, Claudine's co-manager] and they were requesting for a meeting. E, may sakit si Santino [Claudine's son] noong araw na yun. Tapos, galing pa ako sa pictorial ng In Your Eyes also. E, yung meeting would have been mga 12 or one or two ng madaling-araw. Ganoon sila magpatawag ng meeting para lang to assure me na kung ano yung lumalabas, na hindi totoo yun at ide-deny nila. Kung masaya ba ako and what's their plan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FAITH IN MARRIAGE. Naiintriga rin ngayon ang pagsasama nila ng mister niyang si Raymart Santiago, na kesyo may problema raw sila at hindi raw sila nag-uusap. Ano ang masasabi ni Claudine dito?

"We've been praying about that," aniya. "At saka sabi nila, sa Christian kasi, when you keep saying and saying and you don't [refute] it, power of the tongue yun, e. Kaya every time, I ask about it, or si Raymart, kahit nagte-taping kami, we pray and we [refute] kung anuman, saan nanggagaling 'yan."

Pero wala ba talagang anumang problema sa kanilang mag-asawa ngayon?

"No, I swear to God... Mali!" natawa niyang sabi. "But alam ng Diyos, wala talaga."

Do they just laugh about it?

"Tinatawanan man namin, pero noong una kong nalaman, ha—saan nanggaling yun? Tapos yun, inisip ko, baka nga kasi may movie or baka dahil dumalaw ako sa Diva [GMA-7 primetime show]. But this is long before na nga. Like what you said, bago pa lang akong umalis ng Amerika."

Kasama kasi sa cast ng Diva, na pinagbibidahan ni Regine Velasquez, ang dating boyfriend ni Claudine na si Mark Anthony Fernandez.

"Pero alam n'yo," patuloy ni Claudine, "ako kasi, very transparent akong tao. I'm not saying na perfect. Hindi perfect ang relationship namin. Nagkakaproblema rin kami. Pero kapag tinitingnan namin ang problema naming mag-asawa as compared sa problema ng iba, as in wala.

"At napansin ko kay Raymart... Lord please, huwag naman sana, pero every time na may trials sa buhay namin, mas nagiging magkakampi kami. For some reason, we always try to see yung maganda sa part ng pinakapangit kahit na sobrang liit na lang yun. Do'n na lang kami nagre-rely sa faith namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN