Lea Salonga sees a bit of herself in Charice Pempengco

"It happened to her at around the same age na nangyari sa akin yung Miss Saigon. I was 18 and now she's 18, and she's exploding all over the world, which is fantastic for her. I kind of see myself a little bit, pero siyempre, sa ibang larangan naman ng showbiz. Now, hers is really with music, me naman is on music/theater," says Lea Salonga about Charice Pempengco.


"Momentous occasion" ang description ni John "Sweet" Lapus sa pagkakasalang ng world-class artist na si Lea Salonga sa kanyang "Don't Lie To Me" segment sa Showbiz Central last Sunday, July 4. Sa bihirang pagkakataon nga ay napapayag si Lea na maupo sa lie-detector test at sagutin ng mga kontrobersiyal na isyu.

Dagdag pa ni Sweet, na halatang masayang-masaya noong hapong yun, magandang advance birthday gift para sa kanya ang pagge-guest ng international singer. Bukas, July 9, ang birthday ni Sweet.

CHARICE. Ang unang tanong ni Sweet kay Lea ay may kaugnayan sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Charice Pempengco sa international music scene. Tipong "reflection" daw ng naging tagumpay ni Lea ang nangyayari ngayon sa career ni Charice. Okey lang ba kay Lea na ikinukumpara si Charice sa kanya?

"Yes" ang sagot ni Lea at sumang-ayon naman sa kanya ang lie detector at "Truth" ang lumabas.

Sweet asked Lea kung nagkaroon na ba sila ng chance na mag-meet ni Charice?

"Yes, we've worked a couple of times. Oo, magaling na magaling talaga siya," sagot naman ng Tony Award-winning actress-singer.

Naaalala ba ni Lea ang sarili niya kay Charice ngayon?

"Yes, when I was a little girl," sagot niya. "It happened to her at around the same age na nangyari sa akin yung Miss Saigon. I was 18 and now she's 18, and she's exploding all over the world which is fantastic for her. I kind of see myself a little bit, pero siyempre, sa ibang larangan naman ng showbiz. Now, hers is really with music, me naman is on music/theater."

Ayon kay Sweet, nananawagan ang mga fans na sana ay magkaroon sila ng concert ni Charice sa Pilipinas.

"That would be awesome," sabi ni Lea. "Hindi nga lang ako marunong magbirit. Pero sige, pipilitin ko ang sarili ko."

HERBERT BAUTISTA. Alam naman ng marami na isa si Lea sa original members ng That's Entertainment, kung saan kabilang siya sa Thursday group. Noong mga panahong 'yon ay usung-uso ang mga loveteams. Totoo ba na during those times, naging sila ng ngayon ay Mayor na ng Quezon City na si Herbert Bautista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No" ang sagot ni Lea at "Truth" na naman ang naging resulta.

Ayon kay Lea, magka-love team lang daw talaga sila ni Mayor Bistek noong panahong 'yon, pero inamin niyang nanligaw ito sa kanya. "But I'm not interested at that time with anybody," dagdag niya.

Hindi kaya natakot noon si Herbert sa mommy ni Lea na si Mrs. Ligaya Salonga?

Umiling ng ilang beses si Lea sabay sabing, "Walang takot yun sa nanay ko. What I'm saying is, he was never intimidated with my mom or anything like that. But it just never happened."

Nagkikita pa ba sila ni Mayor Herbert?

"Nagte-text minsan. Noong nanalo siyang Mayor ng Quezon City, tinext ko. Nag-congratulate ako," sagot ni Lea.

AGA MUHLACH. Na-link din si Lea noon sa matinee idol na si Aga Muhlach, na nakasama niya sa dalawang pelikula—Bakit Labis Kitang Mahal (1992) at Sana Maulit Muli (1995). Naging mag-on ba sila ni Aga noon?

"No" ulit ang sagot ni Lea, pero this time ay "Lie" ang lumabas na resulta. Dahil dito ay walang nagawa si Sweet kundi sayawin ang kanyang "buwis-buhay dance."

Hirit ni John, umapela raw si Lea dahil "Lie" ang naging result.

"Malay ko ba!" ang nangingiti namang sagot ni Lea.

Kung si Herbert ay inamin niyang nanligaw sa kanya, si Aga ba ay nanligaw rin?

"Hindi rin," tanggi ni Lea. "I think we worked really well as actors. At that time kasi, when we were doing Sana Maulit Muli, he was nursing a broken heart from one girl. And then, he was with another girl again at that time when we got together again in Manila."

Flashback naman ni Sweet, parang naaalala raw niya na manliligaw na sana si Aga kay Lea, pero nakilala ng aktor ang dating Miss Universe na si Dayanara Torres.

"Malay ko ba! Wala akong alam sa private life niya. Hindi ko siya tinatanong," reaksiyon ni Lea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What about a movie with Aga Muhlach again?

"I would love one," sambit ni Lea.

Sabi naman ni Sweet, wala raw masamang anggulo si Aga, lahat ay guwapo.

"Walang anggulong masama," pagsang-ayon naman ni Lea. "At habang tumatanda, gumuguwapo."

Follow-up pa ni Sweet kay Lea, crush nga ba niya ang lead singer ng The Dawn na si Jet Pangan noong araw?

"Jet Pangan? Oh yes, absolutely!" pag-amin naman ni Lea.

Hirit naman ni Sweet kay Lea, parang crush na rin daw pala siya ni Lea bilang sinasabing kamukha niya si Jet. Pero hindi pumayag si Lea at sinabi nitong "hindi rin" nang natatawa.

On July 24 ay magsisimula na sa Cultural Center of the Philippines ang pagtatanghal ng sikat at award-winning musical na Cats, kung saan gumaganap si Lea bilang Grizabella. Si Lea lamang ang Filipino sa cast.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN