Ogie Alcasid on his relationship with Regine Velasquez: "This is my last. This is it!"

"I know that buying lavish things is not practical. Pero ano ang magagawa mo kung mahal mo, di ba? Siyempre, ibibigay mo talaga ang sa tingin mo magugustuhan ng partner mo, di ba? You know, habang kaya, habang bata pa at kaya," says Ogie Alcasid about giving lavish gifts.


Ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid ang sumalang sa "Behind The Wall" segment ng Showbiz Central noong Linggo, July 4. Tulad ng nakaugalian, tatlong secret informants na close kay Ogie ang nagbato ng tanong sa kanya at sa huli ay huhulaan niya kung sino ang mga ito.

TENSION BETWEEN OGIE & JANNO. Ang unang informant ay sinasabing may kinalaman sa singing career ni Ogie. Ang tanong niya ay may kaugnayan kay Janno Gibbs. Alam daw niyang kaibigan ni Ogie si Janno noong araw pa at parang kambal nga raw sila. Pero sa history ng friendship nila, totoo ba na hanggang ngayon ay may kakaibang tension sa pagitan nila?

"Ang tanong kung may tension kami? Kung meron man siguro, sexual tension!" natatawang biro ni Ogie. "Hindi, wala na yun. Noong araw kasi, we were competitors—sa movie, karibal-karibal. Pero ngayong maso-shonda na kami, wala nang gano'n-gano'n. Si Janno, small brother nga ang turing ko diyan kaya walang tension."

SUWERTE SA MGA BABAE. "Dugo sa dugo" ang ibinigay na clue ng host na si Raymond Gutierrez sa second informant. Ang tanong niya kay Ogie, matagal na raw niyang gustong malaman kung bakit tila ang suwerte ni Ogie sa mga babae. Ang una niyang asawa ay ang dating Miss Australia na si Michelle Van Eimeren at ang girlfriend niya ngayon ay ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Kaya ang tanong: Ano ang meron si Ogie?

"Hindi ko rin alam, e," napangiting sagot ng singer. "Mahirap sagutin yun, ah. Siguro mabait lang ako at nagpapakatotoo lang siguro. Kasi, hindi naman tayo kaguwapuhan. Hindi naman tayo katangkaran.

"Siguro, I have been very blessed in a lot of things and a huge part of that is when I really met wonderful, wonderful women. And I'm pleased to say, this is my last. This is it!" sabi ni Ogie na ang tinutukoy ay ang relasyon niya kay Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUXURY CAR. Follow-up question ni Raymond, totoo bang niregaluhan siya ng luxury car ni Regine?

"May nasulat ba na ganoon?" tanong naman ni Ogie. "Ah, secret...nahiya ako. Sa kanya n'yo na lang tanungin."

Sila ba ang tipo ng mag-sweetheart who give each other lavish gifts?

"Yes," pag-amin ni Ogie. "I know that buying lavish things is not practical. Pero ano ang magagawa mo kung mahal mo, di ba? Siyempre, ibibigay mo talaga ang sa tingin mo magugustuhan ng partner mo, di ba? You know, habang kaya, habang bata pa at kaya."

SELOS FACTOR. The third informant, according to Raymond, came from different continent na sa kagustuhang malaman ang sagot kay Ogie ay nagpaunlak pa rin na mag-guest. Nang magsalita na ang third informant, Ogie asked kung bading ba ito dahil boses bading daw ito.

Ang tanong ng third informant ay kung hindi ba napipikon o naiinis si Ogie kapag nakikita niyang nakikipaghalikan si Regine sa mga leading men nito?

"Naiinggit ako, sana hinahalikan ko rin si TJ [Trinidad, Regine's leading man in Diva]!" natatawa niyang biro. "You know that's a valid question. You know, Regine has this uncanny ability that when she does that, talagang mararamdaman mo na minamahal niya yung guy. And that's because of her extreme talent as an actress and, of course, her partner. Magaling din naman si TJ. But because she's a great performer, mararamdaman mo rin naman talaga ang kilig. So, ngayon, nakilala ko na si Regine na ganyan, trabaho niya yun.

"Pero sana, payagan din niya akong makipag-lips to lips sa babae kahit hindi babae!" biro niya ulit. "But you know, really, I am so proud of her especially dito sa performance niya sa Diva, ang dami-raming nanonood and now that she's doing this with TJ, and then with Mark [Anthony Fernandez], ang galing, ang galing!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE SPECIAL INFORMANTS. Walang tumamang hula si Ogie sa tatlong special informants na nagtanong sa kanya: ang first manager at ang naka-discover sa kanyang si Arsi Baltazar, ang pamangkin niyang si Julian Alcasid, at si Regine mismo.

Si Regine ang sinabihan ni Ogie ng "bading" kaya nag-sorry siya rito sabay sabing "Hindi ka bading, Honey."

ADOPTING A CHILD. Dahil hindi nahulaan ni Ogie ang special informants, wala siyang choice kundi sagutin ang ultimate question: Totoo bang muntik na silang mag-adopt ng baby ni Regine, pero naudlot lang daw ito nang mag-leak sa press?

"Pinag-usapan ba natin yun?" tanong ni Ogie kay Regine. "Actually, no. Hindi naman namin napag-usapan formally or whatever. Maybe it is because Regine was very helpful with Jason... Kilala n'yo si Jason [ang batang bingot na lumabas sa Diva]. So, naaruga niya si Jason. Siguro parang akala nila, we are really bent on adopting a child. You know, it's not a bad idea, I think it would be nice. But I think it's a serious matter at hindi namin napag-uusapan."

May plano ba silang mag-adopt?

"Ang plano namin, meron na kaming George, hindi ba? Yung aso namin. Tapos si John. Sana, mabuo namin ang Beatles! So, hinahanap pa," sabi ni Ogie.

REGINE'S GIFT. Dahil nandun na rin lang si Regine, sinamantala na ni Raymond ang pagkakataon upang tanungin ang Asia's Songbird kung totoo nga bang binigyan niya ng luxury car si Ogie

"Hindi ko alam!" natatawang sabi ni Regine.

Ano ang occasion noong binigyan niya ng gift si Ogie?

"E, kasi minsan naman, masarap lang magbigay ng gift kahit walang okasyon," sagot ni Regine. "Kasi medyo guilty ako, hindi ko siya naaalagaan lately. Palagi akong nagte-taping. Pang-kabuhayan showcase! So, yun."

Sabi naman ni Ogie, hindi dapat alalahanin ni Regine ang bagay na 'yon dahil naiintindihan niya ang kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN