Actor Gardo Versoza hosts celebrity cooking show on TV5

Gardo Versoza has ventured into hosting via TV5's cooking show, Celebrity Cook-Off, which will begin on July 11. This is the first time that the former sexy actor will host a TV show.


Katatapos lang ng pictorial ni Gardo Versoza para sa bago niyang show sa TV5, ang Celebrity Cook-Off, nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Rockwell Power Plant Mall. Sa Sunday, July 11, starting at 11 a.m., ang initial airing ng bagong cooking show kung saan si Gardo ang main host, with comedienne Wilma Doesnt bilang co-host.

"Cooking contest siya, actually," bungad ni Gardo. "Ang kaibhan, yung mga hindi marunong magluto ang magiging contestants. Basta mahilig magluto at kumain na showbiz personality, at gustong mag-experiment ng recipe nila, puwedeng sumali. Masaya 'to!"

Bukod sa pagiging aktor, ngayon lang masusubukan ni Gardo ang maging television host kaya labis siyang natutuwa.

"Meron nang actor-slash-TV host na maikakabit sa name niya," nakangiting saad din ng girlfriend niyang si Ivy Vicencio, na kasama ni Gardo nang ma-interview ng PEP.

Over late lunch at Via Mare, nagkuwento pa si Gardo ng tungkol sa kasalukuyan niyang mga kaabalahan.

"Itong Celebrity Cook-Off sa TV5 at yung Green Rose, bagong teleserye ng ABS-CBN," banggit ni Gardo sa dalawang bago niyang shows. "Tapos, biglaan akong tinawagan para sa Agimat... Bianong Bulag episode. Si Jason Abalos ang Bianong Bulag, yung papel noon ni Ramon Revilla Sr."

Kaarawan ni Gardo sa July 8, Thursday, at para sa kanya, magandang birthday gift ang mga bagong shows na dumating.

"Siyempre, sobrang thankful tayo sa panibagong blessings na ito. Kailangan lang pagbutihin ang trabaho. Forty-one [years old] na ako. Hindi na tayo bumabata, kaya dapat lang magtrabaho pa nang husto," sabi niya.

GREEN ROSE. Nauna nang bahagya ang preparasyon ni Gardo para sa Celebrity Cook-Off dahil na-move ang taping schedule niya sa Green Rose, na dapat daw ay noong July 5 pa nagsimula. At the time of our interview, naghihintay pa si Gardo ng pasabi mula sa Dos.

Samantala, tuluy-tuloy naman ang out-of-town tapings niya para sa Agimat series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Exciting ito, kasi action naman. May pagka-kontrabida uli ang role ko na dati ko nang ginagawa," sabi niya. "Parang breather din, pagkatapos ng pagda-drama, sa Rubi. August pa matatapos 'yon [Rubi], pero tapos na namin ang taping ng buong series."

Sa Green Rose, na isa uling local TV adaptation ng sikat na Kore novela, ginagampanan ni Gardo ang papel ng isang opisyal ng kumpanya. Vice president ang character ni Gardo, at pumapangalawa sa posisyon ng tauhang ginagampanan ni Ricardo Cepeda.

"Si Ricardo yung presidente ng kumpanya, na daddy ni Anne Curtis," banggit ni Gardo, na itinuloy na ang pagkukuwento. "E, si Anne, nagtatrabaho din sa company na 'yon, pero she has to start from the bottom, sa rank-and-file. Gusto ng daddy niya, ma-experience muna niya ang mababang position to get to the top."

Ang leading man ni Anne sa Green Rose ay si Jericho Rosales.

"Si Echo, nasa mababang position din, at may ambisyon na umangat sa kumpanya," banggit pa ni Gardo. "Now, hindi sila magkasundo ni Anne. Lagi pa silang magkakabanggaan, mag-aaway. Not knowing na she's the daughter of the company's big boss. Kaya kuwela yung romance angle sa story."

Pero hanggang dito lang ang puwedeng i-share ni Gardo tungkol sa Green Rose.

"Hindi ko rin alam ang mga susunod pang mangyayari!" natawa siya. "Basta, maganda 'yang bagong series na 'yan, kaya excited din akong mag-taping."

Gardo regretted na hindi niya puwedeng matanggap ang isa pang offer mula naman sa GMA-7.

"Sitcom sana 'yon, in-offer sa akin pagkatapos kong mag-tape ng lahat ng eksena sa Rubi," sabi ni Gardo. "E, ang sa akin naman, mahalaga yung loyalty. Wala naman akong contract sa ABS-CBN, pero bina-value rin natin yung importance na ibinibigay ng Dos. Kaya hindi ko natanggap yung sa Channel 7, kasi magkakatapat yung sitcom at yung ilang weeks pang natitira sa Rubi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON DIRECTING. Bukod sa pag-arte at bagong career na paghu-host sa TV, malaon na ring pinaplano ni Gardo ang seryosong pagpasok sa isang business. Aniya'y bilang fallback sakaling hindi na siya in-demand sa showbiz.

"Sana matuloy. Food business ang gusto ko," banggit niya.

Little did he know na darating ang offer na mag-host siya ng isang cooking show sa telebisyon. Likas na mahilig magluto ang premyadong aktor. At lagi niyang ipinagluluto ang kanyang mommy na si Mrs. Baby Polintan, na kasama niya sa bahay.

Nag-try na ring mag-workshop si Gardo para sa pagdidirek ng pelikula at sabi niya'y itutuloy pa rin niya ang kanyang balak.

"Inaaral ko pa rin. Nawala nga lang si Kuya Joven [Velasco]," sabi ni Gardo. Si Velasco ang namayapang actor-director, na nakilala sa teatro (PETA alumnus) at nagsilbing facilitator ni Gardo sa ginawang workshop on directing.

"Itutuloy ko 'yon, tapos, dun natin ilalabas yung mga bitterness natin..." sabi pa ni Gardo, sa tonong nagbibiro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN