StarStruck V's Sarah, Steven, Enzo, and Diva are the featured stars in next episode of Lovebug

(From left) Diva Montelaba, Sarah Lahbati, Steven Silva, and Enzo Pineda star in the "Exchange of Heart" episode of Lovebug, the weekly drama anthology of GMA-7.


Umalis kahapon ng madaling-araw (4:30 a.m.), July 6, papuntang Camiguin Island ang StarStruck V finalists na sina Steven Silva, Sarah Lahbati, Enzo Pineda, at Diva Montelaba para sa taping ng "Exchange of Hearts" episode ng Lovebug.

Hindi kasama sa cast ang isa pang Final 5 ng StarStruck V na si Rocco Nacino dahil ibang episode ang gagawin nito sa Lovebug, kung saan si Lovi Poe ang katambal niya at kukunan ito sa Cambodia.

Si Andoy Ranay ang direktor ng "Exchange of Heart" episode, pagkatapos mag-beg off muna ni Direk Mark Reyes dahil siya ang magdidirek ng "Back to the Movies" episode ng Party Pilipinas sa Sunday, July 11, at kailangan niyang paghandaan ito.

A day before their flight, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang select members of the press sina Steven, Sarah, Enzo, at Diva sa pictorial nila for Lovebug last Monday, July 5, sa 4th floor ng GMA Annex Building.

SARAH LAHBATI. Aminado ni Sarah na may pressure sa kanya ang first acting project niya sa GMA-7. Although last Saturday, July 3, siya ang tampok sa episode na "Dangerous Charade" sa Maynila, katambal si Enrique Gil na talent ng Star Magic.

Inilarawan din ni Sarah ang role niya sa "Exchange of Heart."

"Ako po rito si Rachel at mommy ko si Rio Locsin. Napanood ko na po siya at nakita ko kung gaano siya kahusay umarte," umpisa ni Sarah. "Simple girl lang po ako rito, in love kay Emil [Enzo], pero gusto ni Mommy para sa akin si Tim [Steven], isang tour guide sa Camiguin."

Puyat pa si Sarah nang makausap namin dahil umaga na raw silang natapos ng shooting para sa unang movie niya, ang White House ng Regal Films, sa Tanay, Rizal.

Dagdag niya, "Halos wala pa po akong tulog dahil nag-shoot din kami ng trailblazer ng Lovebug bago kami pumunta rito for pictorial."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansin namin na parang hindi sila nagkikibuan ni Enzo, magkagalit ba sila?

"Hindi naman po," sabi ni Sarah. "Medyo may tampo lang po ako dahil hindi siya sumama sa aming manood ng premiere night ng Eclipse. Dapat po kasi, kaming taga-StarStruck V ang manonood. Pero okey na po, valid po naman ang reason niya, may taping po kasi siya ng Diva noon."

Naikuwento rin ni Sarah sa PEP na umuwi muna sa Switzerland ang mommy niya para dalawin ang daddy niya. Tulad ni Sarah, nami-miss na rin nito ang kanyang ama. Iuuwi na rin daw ng mommy niya ang iba pa niyang gamit doon. Every day naman daw ay nakakapag-usap sila ng ama dahil bumili na rin ito ng Blackberry phone.

Masaya rin si Sarah na bilang endorser ng Bench, tumatanggap siya ng P15,000 worth of gift certificates kaya ibinibili raw niya ito ng products ng Bench na maitatago niya o puwede niyang ipanregalo sa family and friends niya.

Dream pa rin ni Sarah na makatambal si Richard Gutierrez at makasama sa isang soap si Christopher de Leon.

STEVEN SILVA. "Isa po akong tour guide sa story, ako si Tim. Si Diva po ang talagang love ko rito, pero si Sarah ang childhood friend ko at siya lagi ang kasama ko dahil ako ang gusto ng mommy niya para sa kanya," paglalarawan naman ni Steven sa kanyang role.

Ano ang pakiramdam na may project na rin siyang gagawin sa GMA-7, na acting na talaga?

"I'm excited but at the same time, scared," sagot ng StarStruck V male winner. "Binabasa ko mabuti ang script, I can memorize din the Tagalog dialogue, I put notes sa mga actions na gagawin ko. And I thank Diva, she helped me in the script. Siya po tumutulong sa akin sa mga Tagalog words. I ask her the meaning of the word so I can understand."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman sila ni Diva?

"During our StarStruck V days, I like her. But after the reality search, good friends pa rin kami," sabi niya.

From 1 to 10, anong level na ang relasyon nila ni Diva?

"Level 8 po," at natawa si Steven nang sabihin naming mataas na iyon.

Hanggang July 9 pa ang taping nila ng "Exchange of Heart" sa Camiguin, pero mauunang umuwi si Steven sa tatlo niyang kasama.

Paliwanag niya, "I have to leave early of July 9. May flight po ako for Los Angeles, California on that day for GMA Pinoy TV show. Kami nina Jay-R, Rhian [Ramos], Aljur [Abrenica], at Kris [Bernal] ang magkakasama. I have another show in San Francisco, California on July 17, iba naman kasama ko.

"I'm so happy, I can go to Sacramento [his hometown] to visit my parents and meet my friends. Di pa ako nakabalik after my last GMA Pinoy TV there. I can promote Lovebug also, as it will be shown starting on Sunday, July 18," sabi ni Steven.

ENZO PINEDA. Masayang-masaya naman si Enzo dahil bukod sa Lovebug ay tuloy pa rin ang pagte-taping niya ng kantaseryeng Diva as the new love interest ni Ynna Asistio. Regular performer din siya sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas.

Ano ang feeling na heto at tuluy-tuloy nang natutupad ang kanyang dream to be an actor?

"I feel very blessed po at mas natsa-challenge ako ngayong marami akong trabaho," nakangiting sabi ni Enzo.

Nabanggit niya rin sa PEP na pagbalik nila mula sa Camiguin ay magsisimula na siyang mag-taping para sa bagong sitcom ng GMA-7 na Kaya ng Powers, kasama ang ka-batch niya sa StarStruck V na sina Steven at Rocco. Tampok din dito sina Joey Marquez, Rufa Mae Quinto, Gelli de Belen, Rhian Ramos, at Sheena Halili mula sa direksyon ni Uro dela Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino siya sa Lovebug?

"Ako po si Emil, isang jologs, kanto boy, na laging nangangailangan ng pera. Pero malalaman po na mas deeper ang character ko. Gusto ko pong maging in character kaya hindi muna ako magsi-shave ng chin ko mamayang gabi para tomorrow morning, tumubo na ito," sabi ni Enzo.

Hindi ba siya nanghinayang na hindi natuloy abroad ang taping nila ng Lovebug?

"Okey lang po sa akin na hindi kami natuloy. Mas maganda rin po na marating namin ang iba't ibang lugar sa Pilipinas. Ngayon lang po ako makapupunta sa Camiguin Island na sabi nila matamis daw ang lanzones."

Kumusta sila ni Sarah?

"Medyo hindi po kami masyadong nagkakasama ngayon dahil pareho naman kaming naging busy. Pero sa Bench fashion show, magkasama po kami," sabi ng binata.

DIVA MONTELABA. Si Diva naman ay si Barbie, girlfriend ni Tim (Steven) pero magiging love interest ni Emil (Enzo).

"Mahirap lang po ako at ampon ng isang bakla," sabi ni Diva tungkol sa kanyang role. "Since hindi nga namin makasama ang mga love namin, magdi-decide kami ni Emil na sundan sina Rachel (Sarah) at Tim sa Camiguin. Love square po kami, pero tuwing magkasama kami ni Emil, lagi kaming nagtatalo, nag-aaway. Hindi kami magkasundo sa gusto naming gawin."

Thankful si Diva dahil endorser na rin siya ng Flawless, Skechers, at pipirma pa siya ng contract niya sa Bench.

Kumusta naman ang lola niya?

"Naoperahan na po siya sa left breast at benign naman po. Kaya po labis ang pasasalamat namin sa Wish Ko Lang dahil sila po nagpaopera sa kanya. Nakatira po ngayon sa akin ang lola ko at inaalagaan namin ni Mama," saad niya.

Hindi ba siya na-disappoint na dapat ay sa abroad ang taping nila ng Lovebug?

"Okey lang po, kasi nag-apply pa lang ako ng passport ko. Saka kahit po taga-Visayas ako, hindi pa rin ako nakapunta sa Camiguin Island kaya first time ko rin po mararating yun. Sana nga po ay may lanzones na, para makapag-uwi kami rito," asam ni Diva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN