Rainier Castillo wants continuous work to save up for house or business

"Since naging part na ako ng TV5 last March, nagtuluy-tuloy na ang trabaho ko. May sobra na tayong naiipon ngayon kaya okey na kami ng pamilya ko. Hindi na kami namumrublema kung saan namin kukunin ang next na pambayad," says Rainier Castillo.


Pansamantalang pumalit si Rainier Castillo kay John Prats sa suspense thriller-comedy series ng TV5 na Moomoo & Me. Noong pumunta ng U.S. si John para sa ilang shows doon, kay Rainier muna ipinagkatiwala ang role na kanyang iniwan.

Natuwa naman si Rainier dahil nakadagdag daw iyon sa dalawang regular shows niya sa Kapatid network na Lokomoko U at P.O.5.

Mukhang masaya naman si Rainier nang bisitahin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa location set ng Moomoo & Me kamakailan. Busy raw siya ngayon sa bakuran ng Singko unlike noon na natetengga siya sa bahay nila.

"Mas gusto ko kasi ang ganito, yung parating may trabaho," sabi niya. "Hindi na nga ako nababakante. Masaya ako sa mga nagiging trabaho ko ngayon. Tulad nga sa P.O.5, nabigyan ako ng chance na mag-host. Never ko kasing nagawa yun, e. Sa Lokomoko U naman, katuwaan ang ginagawa namin doon. Masaya kami tuwing may taping. Ngayon nga at kahit pansamantala lang ako sa Moomoo & Me, enjoy ako katrabaho ang cast."

SAVING UP. Inamin ni Rainier na hindi siya puwedeng mabakante sa trabaho dahil breadwinner siya ng kanilang pamilya. Bukod sa araw-araw na gastusin nila ay may iba pa siyang mga personal na gastusin.

"Gusto ko kasing makaipon nang malaki," sabi niya. "May mga gusto akong maipundar. Siyempre, gusto kong makabili ng bagong bahay or mag-invest ako sa isang negosyo. Magagawa ko lang naman 'yan kapag may regular akong trabaho.

"Since naging part na ako ng TV5 last March, nagtuluy-tuloy na ang trabaho ko. May sobra na tayong naiipon ngayon kaya okey na kami ng pamilya ko. Hindi na kami namumrublema kung saan namin kukunin ang next na pambayad."

Two years ang pinirmahan na non-exclusive contract ni Rainier sa TV5. Kaya for the next two years ay may guaranteed na trabaho siya. Hindi raw tulad noong natapos ang kontrata niya sa GMA Artist Center na walang kasiguraduhang mabibigyan siya agad ng proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun lang naman ang gusto ko. Yung may trabaho agad after na matapos yung huli. Tulad nga ng sabi ko, breadwinner tayo. Hindi naman ako demanding na tao. Matiyaga nga akong naghihintay noon. Alam naman nila 'yon. Never akong nagreklamo. Pero siyempre, kailangan may gawin na tayong hakbang, di ba? Paano tayo makakaipon kung paminsan-minsan lang tayo mabigyan ng trabaho? Alam ko na naiintindihan nila 'yon," saad ng StarStruck alumnus.

NO GRUDGE. May sama ba siya ng loob sa GMA Artist Center?

"Ay, wala naman," mabilis niyang sagot. "Never naman akong nagalit or sumama ang loob sa kanila. Malaki ang respeto ko sa mga tao roon, lalo na kay Ma'am Ida [Henares]. 'Tsaka wala naman akong masamang sinabi sa kanila. Sinabi nga ng manager kong si Noel Ferrer, never burn bridges. Kasi, hindi mo masabi na baka balang-araw, kailanganin mo ang tulong nila ulit.

"Basta ako, nandoon pa rin ang respeto ko sa kanila. Habang buhay na tatanawin ko na utang na loob sa GMA-7 kung sino ako ngayon. Kung walang StarStruck ang GMA-7, walang Rainier Castillo na makikilala."

In touch pa rin ba si Rainier sa mga Kapuso friends niya?

"Oo naman. Nagkakausap pa rin kami paminsan-minsan nila Mark [Herras], Mike [Tan], Yasmien [Kurdi], Dion [Ignacio], Sheena [Halili], at yung iba kapag nagkikita-kita sa tambayan namin. Wala namang nabago. Lumipat lang ako ng TV station, pero hindi rin naman ako umalis. Happy sila na marami na akong trabaho," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN