Kim Chiu denies exchanging text messages with Aljur Abrenica

"Ako, gustung-gusto ko ang ginagawa ko, gustung-gusto ko ang umarte. And thankful ako sa ABS kasi binibigyan nila ako lagi ng magagandang projects tulad nga mga teleseryes na nagawa ko. Dun ko kasi nailalabas yung emosyon. Parang magaan na sa akin ang umarte, nasanay na ako," says Kim Chiu.


Sa nakaraang presscon para sa 100 Most Beautiful Stars ng YES! magazine ay nagkatagpo ang Kapamilya star na si Kim Chiu at ang Kapuso love team na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Sina Aljur at Kris ang sinasabing counterpart ng tambalan nina Kim at Gerald Anderson sa ABS-CBN.

Sa panayam ng media kay Aljur, inamin nito ang kanyang paghanga kay Kim, na siyang itinanghal na Most Beautiful Star ng YES! ngayong taon. May balita ring nagkapalitan daw ng numbers at nagte-textan na raw ang dalawa.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kim sa set ng ASAP VX last last Sunday, July 4, ay tinanong namin siya tungkol sa kanila ni Aljur.

"Ano ba yun? Totoo ba yun?" balik-tanong ni Kim kung totoo nga bang sinabi ni Aljur na crush siya nito.

Aniya pa, "Hindi ko naman nakita, hindi ko naman narinig. Nakakahiya naman kay Kris Bernal. Pero kung totoo nga 'yan, salamat, salamat sa kanya [Aljur]. Nagkita kami sa Bench Uncut, nag-usap kami. Dun sa sinasabi nilang textan, wala namang ganun. "

FINAL TEAM-UP? Bukas, July 9, ay magtatapos na ang pinagbibidahang teleserye nina Kim at Gerald na Kung Tayo'y Magkakalayo. Kaugnay nito ay nabalita na hindi muna sila pagtatambalin at susubukan munang itambal sa ibang mga artista. Bagay na ayaw na munang pag-usapan ng young actress.


"Saka na pag-usapan yun. Basta kami, sumusunod lang kami sa desisyon ng management at tiwala naman ako na hindi nila kami pababayaan," sabi ni Kim.

Sa nalalapit namang pagtatapos ng Kung Tayo'y Magkakalayo, nagbigay ng kasiguraduhan si Kim na dapat abangan ng mga manonood kung ano ang mangyayari sa istorya.

"Final week na namin na masasabi ko na dapat naman talagang abangan. Marami ngang nag-text sa akin na nung nakita nila yung trailers, kakaiba daw. Hindi mo kasi alam kung sino ang mamamatay kasi lahat yata kami mamamatay din. So, dapat abangan nila kung sino ba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Kim na malaki ang naitulong ng paggawa niya ng mga telesreye para higit na ma-develop ang kanyang acting skills.

"Ako, gustung-gusto ko ang ginagawa ko, gustung-gusto ko ang umarte. And thankful ako sa ABS kasi binibigyan nila ako lagi ng magagandang projects tulad nga mga teleseryes na nagawa ko. Dun ko kasi nailalabas yung emosyon. Parang magaan na sa akin ang umarte, nasanay na ako," pahayag ng young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN