Regine Velasquez reportedly gave boyfriend Ogie Alcasid a black BMW Series 7 luxury car

"E, kasi minsan naman, masarap lang magbigay ng gift kahit walang okasyon. Kasi medyo guilty ako, hindi ko siya naaalagaan lately. Palagi akong nagte-taping," says Regine Velasquez about giving boyfriend Ogie Alcasid an expensive gift. PEP learned that her gift to Ogie was a black BMW Series 7 (inset).


Marami ang naging curious kung anong "luxury car" ang iniregalo ni Regine Velasquez sa kanyang kasintahan na si Ogie Alcasid.

Matatandaang nang sumalang si Ogie sa "Behind the Wall" segment ng Showbiz Central noong Linggo, July 4, ay tinanong ng host na si Raymond Gutierrez ang singer-comedian tungkol sa nabalitang luxury car na ibinigay ng Asia's Songbird sa kanya. Hindi kinumpirma ni Ogie kung totoo ngang niregaluhan siya ni Regine ng luxury car, pero inamin niyang nakagawian na nilang magkasintahan na magbigay ng lavish things."

Paliwanag niya, "I know that buying lavish things is not practical. Pero ano ang magagawa mo kung mahal mo, di ba? Siyempre, ibibigay mo talaga ang sa tingin mo magugustuhan ng partner mo, di ba? You know, habang kaya, habang bata pa at kaya."

Nang tanungin naman si Regine kung totoo ngang binigyan niya ng luxury car si Ogie ay hindi rin nito direktang sinagot ang tanong. Pero nang tanungin kung ano ang okasyon kung bakit niya binigyan ng regalo si Ogie, ito ang kanyang sagot: "E, kasi minsan naman, masarap lang magbigay ng gift kahit walang okasyon. Kasi medyo guilty ako, hindi ko siya naaalagaan lately. Palagi akong nagte-taping. Pang-kabuhayan showcase! So, yun."

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang taong malapit sa dalawa na Black BMW Series 7 ang luxury car na iniregalo ni Regine kay Ogie. Ayon sa mga napagtanungan namin, nasa P3 million pataas ang halaga ng ganung klaseng sasakyan.

Tila hindi nga alintana nina Regine at Ogie ang halaga ng mga bagay na inireregalo nila sa isa't isa, at patunay nga nito ang sasakyang ibinigay ng Asia's Songbird sa Ultimate Singer Songwriter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN