Judy Ann Santos to Sarah Geronimo: "Pagkakitaan na lang niya yung mga pain kasi iyon naman ang ginawa ko."

"Ang layu-layo pa ng mararating niya kaya huwag sana maaga siyang mapagod sa trabaho niya nang dahil sa hindi siya nabibigyan ng sapat na pahinga. Tama rin na i-enjoy niya yung kinikita niya," says Judy Ann Santos (right) about Hating Kapatid co-star Sarah Geronimo (left).


Bilang maituturing na tila nakatatandang kapatid, may advice na laging ibinibigay si Judy Ann Santos sa co-star niya sa pelikulang Hating Kapatid na si Sarah Geronimo.

Aniya, "Ang lagi kong sinasabi kay Sarah, try to enjoy life kasi hindi na maibabalik kung ano yung edad niya ngayon, hindi naman maire-rewind 'yon, e. Na enjoy-in niya, namnamin niya yung buhay niya, ang pagiging bata.

"Ang lovelife, darating 'yan. Ang mga lalaking manliligaw, marami diyan. Pero may isang lalaking darating sa buhay niya na talagang ipaglalaban siya. Hindi dapat minamadali 'yan. Nandiyan lang 'yan sa tabi-tabi, nag-aabang lang ng tamang timing.

"Sa career," patuloy ni Juday, "importanteng magtrabaho nang husto. Pero importante rin yung may pahinga. Kasi, hindi ka rin makapagtatrabaho nang maayos kung pagod na pagod ka palagi, hindi ka nakakatulog at saka darating ka sa point na mabe-burnout ka.

"Ilang beses na kasing nangyari sa akin 'yan, kaya ayaw kong mangyari kay Sarah. Kasi napakahusay niyang bata, napakatalentado, sayang. Ang layu-layo pa ng mararating niya kaya huwag sana maaga siyang mapagod sa trabaho niya nang dahil sa hindi siya nabibigyan ng sapat na pahinga. Tama rin na i-enjoy niya yung kinikita niya."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Juday sa presscon ng Hating Kapatid sa City Best Restaurant sa Tomas Morato noong Miyerkules ng tanghali, July 7.

MATTERS OF THE HEART. Pagdating naman sa pag-ibig, ano ang masasabi ni Judy Ann tungkol sa pagkaka-link ni Sarah kina Mark Bautista, Rayver Cruz, at John Lloyd Cruz. Tama ba ang ginagawa nito na huwag muna ma-involve kahit kanino, at ano ang advice ni Juday kay Sarah tungkol sa pag-ibig?

"Ako, tama lang," sagot ni Juday.Kasi actually, marami siyang makakasalamuha pang mga mapa-partner sa kanya na puwedeng feeling niya in love na siya, pero hindi naman talaga. At may mga makaka-partner din siya na papainlabin siya. Pero feeling ko, hindi mawawala 'yon sa mga love teams.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, ang pinakadapat sa kanya yung taong ipe-pursue siya even after the project. Iyong hindi nandiyan lang dahil may proyekto. Hindi yung nandiyan lang dahil nakikilala siya because of Sarah. Hindi yung nandiyan lang dahil may hinihintay siyang kapalit. Iyong nandidiyan hanggang matapos ang proyekto. Iyong patutunayan niya talagang mahal niya si Sarah. Kayang humarap sa mga magulang niya at kaya siyang hintayin at kayang respetuhin kung anuman ang sasabihin ni Sarah sa plano niya sa buhay niya."

Dapat ba na non-showbiz guy ang maging boyfriend ni Sarah?

"Ako, akala ko nung umpisa mapupunta ako sa non-showbiz. Kasi parang nag-surrender na rin ako dun sa idea na may mabuting tao sa showbiz na magmamahal sa akin!" tawa ni Juday. "Hindi pala, hindi pala. Basta ako, naniniwala ako na darating 'yon sa puntong hindi mo hinintay at sa puntong hindi mo hinihingi. Darating 'yon sa katauhan ng isang lalakeng hindi mo ini-expect, na puwede ka palang patawanin, puwede kang mahalin, lahat-lahat na.

"'Tsaka sinasabi ko kay Sarah, kung may taong mananakit sa kanya, okay lang 'yan kasi it would make her a better actress. Pagkakitaan na lang niya yung mga pain kasi iyon naman ang ginawa ko. Pinagkakitaan ko silang lahat, natuwa naman ako!" tawa ulit ng young superstar.

Ganito ba ang mga payo niya kay Sarah dahil naranasan din niya ang mga ito?

"Hindi ko naman yata masasabi 'yon kung hindi ko naramdaman at napagdaanan!" ang muling natatawang sinabi ni Judy Ann. "Pero ako, wala naman akong regrets sa mga napagdaanan ko. It made me a better person, a stronger person. In fact, it made me love life more kasi normal akong tao, hindi ako yung extraordinary na hindi nasasaktan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN