Rafael Rosell earns respect of reluctant Midnight Phantom director

The actor-model didn't know that director Cathy Garcia-Molina initially didn't want him for the lead role, but he eventually won her over. "Noong last taping namin, sinabi niya, 'Raf, may aaminin ako sa 'yo.' Sabi ko, 'Sige, game, Direk.' Sinabi niya, 'You proved yourself to me and you're a wonderful person and I respect you as an actor. Mali lang ang first impression ko sa 'yo.'"


Last year pa nagkaroon ng story conference para sa Precious Hearts Romances Presents Midnight Phantom na magtatampok sa tambalan nina Rafael Rosell at Denise Laurel. Pero ngayong July 12 pa lamang ito magpa-pilot after ng Panahon Ko 'To sa ABS-CBN.

Hindi rin siya kapalit ng present PHR series na Impostor. Mag-o-overlap lang ang dalawang serye na pawang hango sa PHR pocketbooks na sulat ni Martha Cecilia.

Nagpa-presscon ang serye sa 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN last Thursday, July 8, at ayon kay Rafael na gaganap sa title role ng Midnight Phantom, pati siya'y nagulat na ipalalabas na nga ang serye.

"Akala namin after pa ng Kristine series, pero, yun pala, ngayon na. So, bugbog na sa promotion and siyempre, kinakabahan, the pressure's on us din. We just keep praying that people will like and enjoy it."

Medyo mahirap daw para sa kanila ni Denise dahil magkasabay nilang ginagawa ito at ang ipalalabas na Kristine, na pang-primetime ng PHR.

"But when you're having fun," sabi naman ni Rafael, "hindi mo naman mararamdaman ang pagod, puyat."

"DUKOT KING." Isa si Rafael sa umani ng maraming pansin sa underwear fashion show ng Bench na Uncut last July 2 sa Araneta Coliseum, dahil hindi lang siya rumampa na naka-brief. Sa bandang huli ay ipinasok pa niya ang kamay niya sa underpants kung kaya't "Dukot King" na ang bangsag sa kanya ngayon.

Ganoon di ba siya ka-sensual bilang si Midnight Phantom?

"It's a noontime show. I mean, limitado talaga kung ano ang maipapakita namin. Hindi ko naman sinasabing gusto kong ipakita, pero, para sa akin kasi, trabaho lang. Actually, to be honest, nag-e-enjoy ako run sa fact that people are amazed with nudity. Para sa akin kasi, we're born naked, so why do we hide it?"

Yung ginawa niya sa Bench, plinano ba niya yun para mas maka-stir ng interest ng audience?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, e, that's spur of the moment... Ang daming nagtatanong sa akin, a year ago and, of course, moments before the show, 'Anong gagawin mo this time?' This time naman, I really didn't have an answer. I just know na Brazil ang theme at mag-a-underwear ako. It was just a spur of the moment talaga, the dukot..." natatawa niyang sabi.

Dugtong pa niya, "Sa Bench fashion show naman, bawat artista naman, nabibigyan ng pagkakataon para mag-shine ang artista. It's just spur of the moment kaya ang naiisip ko lang, mag-enjoy lang doon."

NOT READY FOR ANOTHER RELATIONSHIP. Halos araw-araw na raw silang magkasama ni Denise dahil sa dalawang seryeng pinagtatambalan nila. Sa presscon, nabuko na "Boogie" ang tawag ni Denise sa kanya. Sa dalas ng pagsasama nila, di kaya may ma-develop sa pagitan nila?

"We've been hanging out," ang sagot ng aktor. "Kapag nilagyan mo ng date kasi, may pressure na 'yan. May agenda na. Kapag sinabi mong date... para sa amin, when you mean date, no hidden agenda."

Parang may napansin kaming ilangang namamagitan sa dalawa, kaya diretsahan na naming tinanong kung nagliligawan na ba sila, tutal pareho naman silang single.

Pero hindi raw, sabi Rafael. "It's natural na magkaroon ng solid na bonding and deeper understanding for each other."

Sabay dugtong ng, "Of course, I like her. I like her... oo naman."

Hindi itinanggi ni Rafael na naging masakit para sa kanya ang last relationship niya with Malaya Lewandowski, another Star Magic talent, more than a year ago. Pero nagawa na raw niyang makapag-move on.

"I'm not hurrying into a relationship. Actually, hindi ko alam kung kaya ko pa ang responsibilidad ng isang relationship. I'm just living life, hanging out with friends, mostly [guys from] Bud Brothers."

Nanggagaling ba ang stance niyang iyan sa naging breakup nila ni Malaya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ah, hindi naman. No, it's not. It's been one year and a half. It's the past. I learned to forgive and forget and I've told my friends naman na I have to say thank you. Kung hindi nangyari yun, hindi ako ang taong makikita niyo ngayon, so, sobrang thankful ako sa nangyari.

"Pero siyempre, back then, hindi ko nakikita yung side na yun. I was deep into it and heartbroken. But now that I have moved on, parang oo nga, 'no, it really has to happen for me to realize things and find myself properly."

Hindi naman niya itinatanggi na meron siyang dine-date ngayon na di taga-showbiz. Pero, paliwanag niya, "She's not my girlfriend. She's date/best friend... Wala akong babae na I have a romantic side at the moment."

Between his best friend and Denise, sino ang most likely na magiging special talaga?

"50-50, e... Kapag kasama ko si Denise, trabaho naman. And those days na hindi ako nagte-taping, yung mga kaibigan ko, yung best friend ko."

DIRECTOR'S NOD. Sa presscon, may inamin si Direk Cathy Garcia-Molina noong kina-cast pa lang ang Midnight Phantom. Ayaw raw niya si Rafael para sa series. Hindi raw siya naguwapuhan at hindi nagalingan dito. Pero binawi niya ang kanyang mga salita nang makatrabaho na niya ang actor-model.

Anong naramdaman ni Rafael nang marinig niya ito?

"Actually, noong unang dumating ako sa set na parang ang bigat na ng feeling. Sinabi ko sa associate director na hindi na ako darating for breakfast. Magbi-breakfast na lang ako sa bahay. Pagdating sa set, costume na lang and ready to take na 'ko. At that time, wala akong alam na hindi niya ako gusto.

"Pagdating ko sa set, she thought I was an hour late. Sabi niya, 'Mag-makeup ka na.' 'Naka-makeup na po, Direk.' 'Mag-ayos ka na ng buhok.' 'Nakaayos na po, Direk. Actually, costume na lang po ang hinahantay.' So, napatahimik siya ro'n. So, at least, that's a good impression sa umpisa. Parang na-surprise siya. Akala niya tuliro ako or everything. E, pagdating do'n, ready to take na 'ko, kaya parang napatahimik siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong last taping namin, sinabi niya, 'Raf, may aaminin ako sa 'yo.' Sabi ko, 'Sige, game, Direk.' So, inamin niya. Sinabi niya na, 'You proved yourself to me and you're a wonderful person and I respect you as an actor. Mali lang ang first impression ko sa 'yo.' Nag-sorry rin siya, pero sabi ko, hindi naman niya kailangang mag-sorry. Lahat naman tayo may opinion sa iba't ibang tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN