Maricel Soriano believes Inday remakes will be even better than originals

The original Super Inday is thrilled to have her hit franchise remade. "Ikinakatuwa ko yung mga ganoon na alam mo, nabibigyan nila ng halaga ang mga nagawa namin noon," says the Diamond Star who makes a rare guest appearance in Pilyang Kerubin. Photo shows her in character as Regina.


In a very rare appearance, mapapanood ang Diamond Star na si Maricel Soriano bilang special guest sa primetime series na Pilyang Kerubin. Gagampanan niya rito ang papel ni Regina, isang inang nawalan ng dalawang anak na babae. Ang isa, sa kawalan ng magagawa, ay naibenta niya, at yung isa naman ay namatay sa sakit.

Sa sementeryo na siya tumira kunsaan nakalibing ang kanyang anak at doon na niya ginawa ang pagiging "ina" sa mga homeless children. Sa Lunes, July 12, mauumpisahan nang mapanood si Maricel sa top-rating Kapuso series.

Nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ng pagkakataon na mabisita ang taping ng Pilyang Kerubin sa North Cemetery sa Maynila kagabi, July 9. Ang eksena nina Maricel at Barbie Forteza ang kinukuhanan ng bagong director ng series na si Maryo J. delos Reyes.

WORKING WITH KIDS. Nang makaharap na niya ang press, nakangiting sinabi ni Maria na enjoy siya sa paggi-guest sa PK.

"At saka siyempre, nagkagulatan kami ni Direk Maryo, di ba? Sabi ko, 'Tayo na naman ang magkasama? Parang kailan lang, shooting natin.' 'Tapos yun, nauwi na kami sa kuwentuhan. Siyempre, ever since kami na ang magkakasama sa pelikula. So, ang sarap magtrabaho na gusto mo ang ginagawa mo."

Ang huling movie na pinagsamahan nila ay ang A Love Story noong 2007.

Nang tanungin namin kung nahirapan ba ang network na kumbinsihin siyang mag-guest sa Pilyang Kerubin, natatawa niyang sinabi, "Kailangan bang mahirapan? Di ba, kapag type mo ang ginagawa mo at happy ka, yun ang importante."

Mga bagets ang kasama niya sa PKat natatawa niyang kuwento, "Sabi ko nga, 'Barbie, ilang taon ka na? Twelve! Sabi ko, hindi naman pala tayo nagkakalayo, 13 ako! Yung size ng paa. Parang konti na lang, kasya ko na ang tsinelas."

Dagdag pa niya, "Ang ganda-ganda niya. Para talagang angel, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mga pelikula ni Maricel ang sinasabi ni Barbie na pinanood para i-peg ang character niya sa Pilyang Kerubin. Pero medyo naiilang daw siya sa Diamond Star especially during their first scene together.

"Hindi halata," ang sabi naman ni Maricel. "Kasi naïve. At saka ang mga bata, ganoon talaga. Diyusko, lumaki naman sa akin ang mga bata, sina Angelica [Panganiban], Shaina [Magdayao], si Serena [Dalrymple], yung ka-height ko. Nagugulat nga ako, may boyfriend na raw sila. May boyfriend na?! Ako pa ang nasa-shock, kasi, nangako sa akin ang mga batang 'yan na hindi muna magbo-boyfriend. Feeling ko, ako ang nanay. Iba kasi kapag girls. I have two boys kasi."

Ang panganay niyang si Maron ay 23 at may ipinapakilala na sa kanyang girlfriend. Si Sebastien naman ay 17. "One of the boys" daw ang turing sa kanya ng mga ito.

FREE AGENT. May nagkomento na parang ang suwerte ng sitwasyon niya ngayon dahil puwede na siya kahit sa anong network.

"O, di ba? Yun ang tinatawag na ang bilog ay umiikot."

Pero may plano ba na pagkatapos ng PK guesting ay may regular show na siyang gagawin para sa Kapuso network?

"Secret! Naku, may gano'n!" tawa niya. "Nagdi-discuss pa sila."

Habang nasa discussion level pa lang ang proyekto ay di muna iniinda ni Maria. "Di ba, kung minsan may gano'n? 'Eto ang pinaplano tonight. 'Pag pauwi na kayo, 'O, tomorrow, 'eto ang gagawin mo, may gagawin kang reminders.' Pero, magugulat ka na lang na the following day, hindi naman yun ang nasa reminders, pero, ang dami nang nangyari. Ganoon naman talaga, di ba?"

Maging drama anthology o series, "gusto ko ng trabaho. Yun lang... So, kahit ano yun, okey. Ang tawag natin diyan, blessing."

Kailan lang ay nagkaroon ng drama anthology si Maricel sa TV5. Wala na ba siyang planong gumawa muli sa TV5?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron naman. Actually, ginawa namin yung para kay Daddy [Dolphy]. Yung sitcom naman ni Roderick [Paulate], 'yan, sana ma-push through 'yan. Itanong natin sa manager [Malou Choa-Fagar]."

Kinumpirma ni Maria ang naka-line up niyang pelikulang gagawin with Roderick na Maria at Petra sa Italya under APT Films.

"Excited ako du'n sa istorya. Ang ganda, e. Tapos ang casting pa no'n, si Roderick nandoon, di ba? Tapos, si Direk Soxy Topacio pa ang director namin. Parang riot na riot yun."

INDAY REMAKE. Alam niyang ire-remake na ng Regal Films ang kanyang mga patok na Inday movies at ang una nga rito ay ang Super Inday with her Magic Bibe kunsaan si Marian Rivera ang magpo-portray ng Super Inday.

"Ay, maganda yun!" ang sabi ng original Super Inday. "Ikinakatuwa ko yung mga ganoon na alam mo, nabibigyan nila ng halaga ang mga nagawa namin noon. And I'm sure, it's a better version now because it's the now, di ba? Parang peg lang yung sa amin."

Flattered daw siya nang malaman niyang idol daw siya ni Marian.

"O, di ba? 'Yang mga anak ko na 'yan, talagang kulot ang hair! Ha ha ha! Pero nakakaaliw sila. Kasi, nakatrabaho ko sila at mababait."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN