Tweetbiz host Tim Yap patches things up with Pia Guanio

Tim Yap hurt close friend Pia Guanio when he speculated on his talk show if it was true that she and Vic Sotto had parted ways. But Tim and Pia were able to immediately resolve the issue because "ang pagkakaibigan namin ni Pia is more than the industry. It goes beyond showbiz... Sana kung may darating pang ibang test sa pagkakaibigan namin, malagpasan namin lahat ng mga pagsubok na ito."



Simula pa last week ay mainit nang pinag-uusapan ang umano'y hiwalayan ng magkarelasyong sina Vic Sotto at Pia Guanio. Sa isang episode ng Q-11 showbiz program na Tweetbiz ay patanong na ibinalita ng isa sa mga host na si Tim Yap kung totoo nga ba ito, dahil nakatanggap daw siya ng tip tungkol dito.

Hindi niya alam na ang pagbanggit niya ng intriga ay pagmumulan ng sama ng loob sa kanya ng kaibigang si Pia.

Nasundan pa ito ng paglabas last July 7 ng isang balita sa PEP Scoopbox na: "Tila nagkakalamat na ang friendship nina Tim Yap at Pia Guanio dahil sa pambubuko ni Tim sa breakup diumano nina Pia at Vic Sotto."

Dahil dito ay nagsalita na si Tim sa Tweetbiz last Thursday, July 8. Kuwento niya na kinagabihan daw ng naturang broadcast ay kaagad na may mga nag-tweet sa kanya na nagtatanong din kung totoo nga ba ang balita.

"Sinagot ko rin yung tweet na yun, sabi ko po na hindi siya totoo. Na mismong gabing iyon nagkita kami [ni Pia] kaagad. You know, amongst friends ang pinakamadaling gawin is magharapan kaagad at mag-usap. Kung may hinanakit, i-express kaagad para hindi na lumaki pa. Kasi dito sa showbiz mas madaling magpalaki ng mga bagay tapos magkunwarian na lang. E, hindi po ako ganyan klaseng kaibigan. Ang pagiging klase ko ng kaibigan, e, wala akong hahangarin kundi yung kaligayahan ng kapwa ko kaibigan," paliwanag ni Tim sa show.

PATCHING UP WITH PIA. Patunay na nagkaayos na nga sila ni Pia ay ang sunud-sunod na gabing magkasama sila with their other friends.

"The past three nights magkakasama kami at kagabi nag-videoke kami. Nung isang gabi magkakasama kami, kasama yung iba pang mga kaibigan namin. Sana we can put this behind us. And remember, in the end, kahit anuman ang mangyari, sa buhay kayo pa rin ang pipili. Between friends, love will win."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang nag-initiate ng pag-uusap?

"Walang nag-initiate. Kumbaga sabay kami. Pareho naming gustong mag-usap. Even amongst us, anuman ang mangyari, tatawagan ko kayo agad. Hindi ako mag-aantay, magpa-pride na kung sinuman ang dapat unang tumawag."

Nang kumustahin namin kung okay naman sila ni Vic, sabi ni Tim, si Pia raw ang nakakasama niya at hindi niya nakakausap si Vic. With due respect naman daw kay Vic ay hinahangaan niya at nirerespeto ang aktor dahil sa pagiging isa sa mga haligi ng industriya.

Sa isyu kung totoo nga bang hiwalay na sina Vic at Pia, ang sabi ni Tim ay ayaw na raw niyang pakialaman ang bagay na iyon dahil desisyon na nilang dalawa iyon. Hindi rin daw niya tinanong kay Pia ang bagay na ito.

"Sa ngayon ang lagay ko is respeto sa kanila. Kung magsalita man sila o ang desisyon man nila ay to keep silent about it, wala tayong say doon, respetuhin natin yun."

Ang mahalaga raw ngayon ay nagkaayos na sila ni Pia.

FRIENDSHIP BEYOND SHOWBIZ. After ng pagpapaliwanag ni Tim sa telebisyon ay kinapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) para sa dagdag na paliwanag tungkol sa tampuhan at pagbabatiang nangyari sa kanila ni Pia.

"Alam mo, sa kahit anong relasyon, mag-asawa man, magkapatid, magkaibigan, nagkakaroon ng tampuhan. Natural lang iyon. Pero we made sure na ang totoong magkaibigan magsasabihan ng nararamdaman sa isa't isa. Nakapag-usap kami, nagkasama kami, nandun ang iba pa naming mga kaibigan. Sina Pia Magalona nandun din sila. So, the next few days sinigurado naming magkasama kami para mas mai-share namin sa isa't isa yung feelings namin," sabi ni Tim.

Na-touch daw si Tim sa isang text message na natanggap niya mula kay Pia Guanio.

"Tinext niya ako, sabi niya, 'You know, Tim, in the end I forgive you and I love you.' Para sa akin it meant a lot. It means na kahit anong mangyari, we value each other's friendship. Ako rin mismo ganun. So, kumbaga tayo, habang nagsisimula pa lang tayo dito sa industriya, matuto tayo to value friendships. At ako magpapakumbaba ako na aminin kung meron man akong nasaktan, humihingi ako ng paumanhin. Pero yun nga, wala akong gustong masaktan. Wala akong ibang hangarin para sa mga kaibigan ko kundi ang kanilang kaligayahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano na ba katagal ang pagkakaibigan nila ni Pia?

"Alam mo, mula pa noong si Pia ay traffic angel [traffic reporter para sa Magandang Umaga Bayan habang nakasakay sa helicopter], hindi pa siya nagtetelebisyon noon. Ako nagsusulat pa lang ako sa diyaryo noon. Yung pagkakaibigan namin siguro lampas isang dekada na. At ako, sasabihin ng mga tao na si Tim napakarami namang kaibigan, pero pag tinuring kitang kaibigan talagang ang turing ko sa iyo talagang kaibigan. Hindi ko minamaliit ang salitang kaibigan."

Paano niya ide-describe ang friendship nila?

"Ang pagkakaibigan namin ni Pia is more than the industry. It goes beyond showbiz. Na kahit na hindi kami nasa industriyang ito ay magiging magkaibigan pa rin kami...

"Sana kung may darating pang ibang test sa pagkakaibigan namin, sana manatili kami bilang magkaibigan at malagpasan namin lahat ng mga pagsubok na ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN