Kuh Ledesma essays contrabida role in Endless Love

This is just the Pop Diva's second TV series in almost eight years and it has revived her love for acting. "Ever since naman, acting has been one of the talent that I've always wanted to hone. Kaya lang, kapag nasasabay yung mga out-of-the-country shows, schedules, mahirap. I enjoy acting also. Parang singing din naman ang pag-arte, you have to use your imagination."


Pagdating sa kanyang singing career, masasabing isa sa mahirap mapantayan ang mga achievements ni Kuh Ledesma. She has been active in singing here and abroad since the early '80s. At hindi lang siya singer/performer, kundi producer din ng kanyang mga shows.

Pero pagdating sa acting, Kuh has also proven herself in this department. Ilang mga di-makakalimutang pelikula ang nagawa niya, especially ang Oro, Plata, Mata ni Peque Gallaga noong 1982, at ang Australian production na A Dangerous Life noong 1988.

Ngayon naman ay lalabas siya sa teleserye nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Endless Love na kasalukuyang napapanood sa GMA-7. Gaganap siya bilang si Mrs. Tantoco, ang ina ng character ni Dennis Trillo na si Andrew.

EIGHT-YEAR GAP. Ikalawang teleserye pa lang ito ni Ms. Kuh. Ang first ay ang Bituin ng ABS-CBN na pinangunahan ni Ms. Nora Aunor na noong 2002 pa ginawa. Kaya marami ang nagulat sa pagbalik-arte ng singer.

Ano kaya ang nag-udyok sa kanya na subukan uli ang acting, at sa isang primetime series pa?

"My people," ang mabilis niyang sagot nang makausap namin sa telepono kahapon, July 10. "They encouraged me to join. Kung ako lang, hindi ko siguro maiisip, kasi hindi ko na alam kung kaya ko pa yung ganoon kadugong schedules pagdating sa mga soap opera. Pero so far, okey naman."

Noong Biyernes, July 9, siya nag-umpisang mag-taping at bukas na ng gabi, July 12, mapapanood ang episode kunsaan siya kasama.

"It was very good, okay naman," sabi niya tungkol sa kanyang first taping day. "Puro day effect naman ako kaya hindi ko pa naman na-experience yung puyatan ulit. It's my first time to work with Dennis and he's a very good actor. Very fine actor. May confidence siya."

First taping pa nga lang ay napasabak na agad siya sa sampalan scene.

"Successful!" natatawa niyang kuwento. "I played Andrew's mom. Mayaman to the bones. Overprotective. Very busy sa career. Minsan nakakalimot sa oras para sa anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I wouldn't say naman masyadong villain dito sa Endless Love ang character. I would like to say, matinding mother. So, yung sampalan scene, it was my first time do that. Never pa akong sumampal or nanampal kahit sa any scene that I did in any of my movies or projects...

"Kaya nga I told Direk Mac [Alejandre], baka puwedeng wala na lang," natatawa niyang sabi. "But it's a character that I'm portraying. Hindi naman siguro iisipin ng mga tao na bilang mommy, sinasampal ko ang anak ko, si Isabella," biro niya tungkol sa anak sa tunay na buhay.

JUST LIKE SINGING. When people learned that Kuh will be in Endless Love, a lot of them asked, Kapuso na ba siya?

"Well, I'm a freelancer. It's my first soap opera with GMA... Noong makita ko, maganda ang story. At the same time, si Direk Mac, magaling na director. I'd like to be able to try acting again. Although, my last acting job sobrang tagal na, kaya hindi ko na talaga naiisip yung magpupuyat."

Posible kayang magtuloy-tuloy na ang comeback niya sa pag-arte?

"I'd love to. Ever since naman, acting has been one of the talents that I've always wanted to hone. Kaya lang, kapag nasasabay yung mga out-of-the-country shows, schedules, mahirap, hindi nagagawang magtuloy-tuloy."

Dugtong pa niya, "I enjoy acting also. Parang singing din naman ang pag-arte, you have to use your imagination. If ever, I want to do villain roles, pero, ayoko naman ng puro villain part na lang. I'd like to do different kind of roles din."

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Pop Diva na may plano itong mag-produce ng isang independent film kunsaan posibleng lumabas din siya.

"Right now, I'm still doing the storyline," kuwento niya over the phone, "but I don't wanna announce anything muna. Binubuo pa lang and hopefully, kapag okay na, yun. Hopefully in six months' time, I'll be able to accomplish it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN