Horror film Cinco allegedly captures ghostly presence during shooting

AJ Perez (right) and Pokwang (left) talk about two incidents that happened during the shooting of Cinco that were thrilling for both, but for entirely different reasons.


Nagkaroon daw ng pagpaparamdam ng multo sa shooting ng Cinco. Nasaksihan daw ito ng cast members, direktor at crew ng "Braso," na isa sa limang istorya ng horror film ng Star Cinema na ipalalabas na sa Miyerkules, July 14.

Kuwento ni AJ Perez, na kasama sina Sam Concepcion at Robi Domingo noong araw na iyon, "Nag-shoot kami sa isang abandoned hospital. 'Tapos noong last shooting day namin, parang may lumabas na dalawang images sa isang scene, na parang white thing na gumagalaw-galaw.

"Then bukod doon... sa set may stretcher. Noong ite-take na namin yung scene, pinatanggal iyong stretcher... Sa eksena kasi sa morgue may parang blinds na plastic-plastic at pagkatapos ng scene nung ni-review namin, nagtaka si Direk Frasco [Mortiz] kasi bakit may tao sa likod. Sabi namin, 'Sino ba iyon? Sino ang dumaan?'

"'Tapos nagtaka kami kasi wala naman talagang tao!

"'Tapos nakita namin nandoon pa rin yung shadow ng stretcher, e, inalis na yun, e. Walang props na stretcher sa likod ng mga blinds na yun. So, si Direk Frasco, nagtaka talaga.

"Actually, pag napanood ninyo yung movie parang nasama iyon. I think nasama iyon sa ipapalabas so panoorin ninyo at mapapansin ninyo yun."

STOLEN KISS. Sa "Puso"episode na kalalabasan nina Pokwang, Bangs Garcia, at Zanjoe Marudo, ibang pangyayari naman ang ikinagulat ni Pokwang.

Sa kissing scene nila ni Zanjoe, tinanong daw aktor sa director nilang si Cathy Garcia-Molina kung paano hahalikan si Pokwang.

"Si Zanjoe ang humingi ng tips kay Direk Cathy kung paano ako gugulatin. Kasi nailang ako sa ganung eksena. E, kasi naman first kissing scene ko iyon! Totoo, totoo, unang-unang kiss ko ito sa screen. Actually, wala na naman akong kinaiilangan, wala akong pakialam.

"Pero ano sabi ko, 'Direk, kailangan ba talaga ito?' ganyan-ganyan, kiyeme-kiyeme. Sabi ni Direk, 'Huwag mo akong artehan, Pokwang!' Sabi ko, 'Direk, baka puwedeng dayain na lang,' atsutsutsu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun pala, nag-usap na sila ni Zanjoe na biglain ako. Kaya pagsigaw ng action ni Direk, dinamba niya ako!

"Hindi ako handa, nagulat ako, kaya yung acting ko dun nakakagulat, totoo talaga iyon. Totoo talaga iyon."

Kung alam ba niya na dadambahin siya ni Zanjoe, hindi siya magugulat?

"Oo sana, lalaban naman ako, e. Hindi tuloy ako nakalaban," tawa nang tawang sinabi ni Pokwang.

Sa Wednesday, July 14, na ang showing ng horror movie na Cinco sa mga sinehan. Bukod sa "Braso" at "Puso," ang ibang episodes nito ay ang "Mata," directed by Ato Bautista at pinagbibidahan nina Maja Salvador at Rayver Cruz; "Mukha," directed by Nick Olanka and starring Mariel Rodriguez; at "Paa," directed by Enrico Santos and starring Jodi Sta. Maria.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN